Chapter 12

3.1K 75 0
                                    

Jazz' Point of View

"Uy, Jazz. Ano ba yang ginagawa mo dyan?" Tanong ni Rock. Tumayo sya sa tabi ko at tiningnan din ang tinitingnan ko.

"∑96" Bulong nya.

"Nakakapagtaka naman." Maging ako ay nagtataka, ang alam ko kasi lumipat na sila ng area. Ang balita namin, nasa ibang bansa na nila. Hindi ko inakalang babalik sila dito.

"Mukhang magkakagulo na naman sa Gangster World." Bulong nya ulit.

Kung alam mo lang Rock, hindi lang Gangster World ang maaapektuhan ng pagdating nila... kundi pati ang RIO.

Ang ∑96 o Evil 96 ay ang organization na kalaban ng RIO. Kung ang trabaho namin sa RIO ay ang magligtas ng buhay at manghuli ng kriminal, kabaligtaran naman sila. Ang kanilang organization ang pumapatay ng maraming inosenteng tao, dahil lang sa pera. Ito ang puntahan ng mga masasamang taong gustong magpapatay ng ibang tao. Kanya-kanyang rason na yan, kung bakit nila gustong magpapatay.

Ang iba ay pumumunta sa ∑96 para lang ipapatay ang mga karibal nila sa negosyo, kaaway at iba pa. Masyadong malinis kumilos ang organisasyong ito. Binubuo ito ng 96 na pinuno. Bawat isa ay may mga underlings--gangsters, druglords, assasins. Once na pinasok mo ang organisasyong ito, hindi ka na pwedeng makaalis. Pati pamilya mo damay. Ang paraan lang para makatiwalag dito ay ang kamatayan.

Alam ko lahat yan dahil minsan na naming binalak na hulihin ang grupo nila, but unfortunately.. lagi lang kaming nabibigo.

May dinukot ako sa bulsa at pasimpleng inilagay sa ilalim ng kotse. Mahirap kapag nakatakas pa sila. Ganun din ang ginawa ni Rock. Nang matapos na sya, nagkatitigan kami.

"Anong inilagay mo?" Sabay naming tanong.

"Tracker." Sabay din naming sagot. Hindi na sya nagtaka sa isinagot ko. Ang alam kasi nya ay may kaibigan akong pulis na gusto ding mahuli ang organization na yun.

Para sa kanya naman.. oh well, bilang rank 1 kuno sa First Division nila sa gangster world, isa sila sa mga tagapagpatigil ng mga kaguluhan sa pagitan ng mga gangsters.

"Ano, tara na?" Tumango lang ako sa kanya at ikinawit ang braso ko sa braso nya tsaka naglakad papasok ng mall.

Hindi ko muna sasabihin kina Tanda na may naligaw na kotse na may symbol ng ∑96 sa may mall. Kailangan ko munang makasigurado kung nagbalik na nga sila dito.

***

"Oh, anong plano natin ngayon?" Tanong ko sa kanya. Ewan ko ba dyan, wala yatang balak gawin dito sa mall. Kanina pa kaming paikot-ikot eh.

"Uhh... maglilibot?" Agad ko syang binatukan ng malakas. Napaaray naman sya sa ginawa ko. Lintek na Bato to. Papagudin lang pala ako sa paglalakad. Tsk. Tsk.

Uto ka kasi Jazz sumama-sama ka pa sa may tuliling mong kambal.

"Tsk. Ang sakit nun ah! Halos matanggal ang ulo ko. Grabe ka. Wala kang awa sa gwapo mong kakambal." Nagroll eyes lang ako sa kanya at naglakad papuntang quantum. Para kasing nakita ko sina Tanda na pumasok dun.

"Jazz!! Hintayin mo ako!"

Pumasok ako sa may quantum at nilibot ang tingin ko. Nakita ko sina Merrylle, Diserie, Hazel at Raven na nag-uumpukan dun sa machine na kailang hulugan ng tokens para makakuha ng mas madaming tokens (basta ganun!). Lumapit pa ako ng konti at nakita ko si Tanda na busy sa paglalaro doon. Tae, haha!! Parang bata! Laptrip si Tanda.

"Mga adik, haha."

"Sino bang tinitingnan mo dyan ha?" Tanong ni Rock sabay siko sa akin. Tumingin ako sa gawi nya pero nakita ko si Jama at si Kyle-- bagong agent sa team namin, kaedad lang sya ni Jama-- na nasa, ano bang tawag dun? Yung parang timang na makukulay na tao na nasa tv na nasayaw tapos kailangang gayahin? Basta yun!

At todo sayaw ang dalawa ha. In fairness, may talent ang dalawang yun ha.

T^T

Ang daya nila! Di sila nagsasama! Di nila sinabi sa akin na magbobonding (ansaveh naman ng bonding) sila, well.. kahit naman sabihin nila di din ako sasama. XP

"Tara na nga Bato! Samahan mo ako sa supermarket!" Hinila ko na sya palakad, kaso hindi ko sya mahila kaya binatukan ko na lang.

"Ano ba?! Naging bato ka na nga yata dyan eh!" Pero ang baliw, wala pa rin. Tsk.

"Si Miss LR ♡.♡ " Ay kaya naman pala, tinamaan na naman ng sibat ni kupido. Tsk. Tsk. Sibat hindi pana.

"Nasan?"

"Ayun oh," may nginuso sya sa may bandang.. err, DyM's Boutique.

"Tara dun,"

"Pota-- seriously Rock? DyM's Boutique? Pang-girlalu chuvachuchu yun." Inakbayan nya ako at hinila papunta dun sa Boutique. Grr!!

"Ano ba Rock, aray ko. Ang bantot ng kili-kili mo! Huwag mo akong isiksik sa mabantot mong kili--- hmm!!" Di na ako nakapagsalita dahil tinakluban nya ang bibig ko gamit ang dambuhala nyang kamay. -.-

Nagtaka ako ng biglang lumuwag ang kamay nya na nakataklob sa bibig ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.

"Hays, nawala na naman." Bulong nya. Tinap ko sya sa may likod, kawawa naman ang kambal ko, sawi sa lovelife. Bwahahaha.

"Tara na nga, samahan mo na ako sa supermarket." Tumango naman sya.

"Ano, dating gawi?" Tanong ko sa kanya. Kita kong nagliwanag naman ng kaunti ang mukha nya. Haha, eh pano ba naman.. pakners in crime kami sa lahat ng kalokohan.

Pagkapasok namin sa may supermarket, kumuha agad kami ng cart. Pasimple akong sumakay sa loob nun at si Rock naman ay itinulak ito mabilis at sumakay sa may likod. I wonder kung magkano na naman ang babayarin namin sa damages na idudulot namin. Last time na naggrocery kami ganito din ang ginawa namin. At napasobra ng tulak si Rock, ayun shoot kami sa may mga can goods.

Naglilingunan na sa amin ang mga tao specially ang mga sales lady, pero wala kaming pake. ^.^

Bahala sila sa buhay nila.

"Ahm, sandali lang po! Ma'am, Sir!" Napahinto si Rock sa pagtulak at sabay kaming lumingon sa tumawag sa amin.

"Bawal po ang--" Hindi pa natatapos magsalita yung babae ay itinulak na ulit ni Rock ang cart. Wala eh, may allergy kami sa salitang "bawal".

"Uh-oh, not now." Bulong ko nang may makita akong pamilyar na tao.

"Anong problema Jazz?"

"Ihinto mo."

Tumayo ako sa may cart at dumamba kay Rock, niyakap ko sya at tsaka sumandal sa may mga lagayan ng biscuits, saktong daan ng grupo nila.

Hoo! Buti na lang at di ako nakita ng mga yun.. buti at hindi nila ako nakita kasama si Rock (dahil nga nakatalikod sa kanila si Rock, ng dumaan sila) kundi todas ako. Gangsters, makakaharap ang isang gangster sa loob ng supermarket? Nakow, hindi magandang scene ang mangyayari for sure. Knowing na may alitan sa pagitan ng First at Second Division. Hays, buti na lang talaga at hindi kami nakita.. specially ni EP.

***

Pronouncations:

Jazz Rielle - Jaz Ril
Xedrick - Cedric
∑96 - E96

Secret of Miss Enigmatic | under editingWhere stories live. Discover now