Chapter 41

1.4K 27 1
                                    

Jazz' Point of View

Naglalakad ako pabalik-balik sa may salas ng condo ko. Bakit ba kasi ang daming chechebureche noong secretary ni Mr. Jung. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari dapat pala pinuntahan ko na lang sya sa bahay nya. On the second thought, wag na din pala. Baka magkita lang kami ni Totoy Jung sa mansion nila.

"Pakisabi po na kailangan syang makausap ni Miss Enigmatic, Ma'am Secretary." Konting kembot na lang at mauubos na ang pasensya ko dito sa nilalang na kausap ko.

"Pero--" heto na naman tayo sa appointment na paulit-ulit na nyang sinasabi kanina pa.

"Please." May diin kong sabi. Pakinig ko na sinabi nya kay Mr. Jung na gusto ko syang makausap, and fortunately, ilang minuto lang at ang 'Hello' ni Mr. Jung ang bumungad sa akin.

"Good afternoon po," umupo ako sa sofa dahil kanina pa akong nakatayo.

"Good afternoon to you too Miss Enigmatic," hindi ko maiwasag maasiwa sa tawag nya sa akin. Kasi naman. Pwede namang Miss Dyosa nalang, bakit Enigmatic pa?

"About po kay Xedrick." Ilang segundong natahimik ang kabilang linya kaya medyo kinabahan ako. Masyado ba akong nagmadali? Dapat ba ginaya ko muna si Boss na Segway King? Eh kaso hindi naman ako ganon. Lalo na kapag seryoso na ang pinag-uusapan.

"Let's meet."

¤¤¤

Nang makababa ako sa folding bike ko, tinitigan ko ang labas ng restaurant na sinabi sa akin ni Mr. Jung. Dito daw kami magkita.

Nang makapasok ako, may nag-assist sa akin papunta sa VIP room. Mukhang seryosong usapan talaga ito.

"Mr. Jung," sambit ko. Napalingon sya sa akin tsaka tumayo.

"Miss Enigmatic," Inilahad nya sa akin ang kanyang kamay para makipagshake hands. Ano nga ba ang aasahan ko sa isang business man?

Tinanggap ko naman ito at umupo, katulad ng sabi nya.

"Sir, ano po ba talagang nangyayari?" Hindi ko napigilan ang sariling itanong agad ito sa kanya. Sana lang ay mali ang konklusyon ko. Sana lang ay wala talaga itong kinalaman sa kaso dati ni Mr. Jung na hinawakan namin.

"Would you like to hear the story?" Napalunok ako at dahan-dahang tumango sa tanong nya. Kailangan kong malaman ang lahat, para sa ikatatahimik ng isip ko.

"I love my son. I really do. That's why I did all the possible things that will surely secure his future. Kaya ako pumasok noon sa..." medyo inibo nya yung ulo nya at ngumiti ng makahulugan sa akin.
Tumango ako senyas na naintindihan ko ang gusto nyang iparating.

"Pero hindi ko naisip ang iba pang posibilidad na maaring mangyari kapag nakapasok na ako doon. Now, instead of making my son happy, he's now suffering from the effects of my careless decision." Hinawakan nya ang kupita na maglalaman ng champaigne at inikot-ikot ito.

"What do you mean?" Ibinaba nya ang kupitang hawak at nag-angat ng tingin sa akin. Ngumiti sya sa akin. Ngunit ang ngiting 'yon ay nagpapahiwatig ng kalungkutan at pagsisisi.

¤¤¤

Nakatambay ako ngayon sa itaas ng puno na nasa tabi ng mga bleachers. Kailangan kong huminga. Hindi ko alam kung bakit parang nasasakal ako sa mga nangyayari. Hindi ko din alam kung may nangyayari bang progress sa mga ginagawa ni Gio dahil lately, kumikilos na ako ng akin. I don't know. Wala akong magagawa. Hindi ko naman maatim na hayaan na lang na pauli-uli lang ako dito at sila ang todo sa pagkilos. Kahit na sinabi nilang standby muna ako, ayoko pa rin maging tagamasid na lang.

Itinaas ko ang kamay kong hawak ang pares ng itim kong sapatos tsaka ito basta binitawan sa baba, kasabay ng pag "Aww," ng isang tao.

Agad akong napatingin sa may ugat ng puno kung saan sigurado akong nakaupo ang taong iyon. And I froze when I saw Jung.

Hindi ko agad naalis ang mata ko sa itaas ng ulo nya kaya nagkatitigan kami nang dahan-dahan syang tumingala. Medyo nangunot pa ang noo nya nang makita nya ako.

"What are you doing?"

Ngumiti lang ako sa kanya. Dahan-dahan akong bumaba at nang akmang tatalunin ko na ang pagitan nang pwesto ko at ng lupa sa baba, bigla syang nagtanong.

"Do you need any help?" Medyo natigilan ako sa tanong nyang iyon. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin dahil bigla na lang nanikip ang dibdib ko. Katulad ng dati. Katulad noong naramdaman ko nang makita ko sya na suot-suot ang bagong uniporme ng University na ito kasama si Zen. Katulad nang nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi nya sa aking dapat ay matatamis na salita pero luha lang ang naging dala.

Pero nagawa ko pa ring ngumiti. Kahit masakit. Ngumiti ako sa kanya at dahan-dahang tumango bilang sagot sa tanong nya.

Itinaas nya ang kanyang kamay at inabot sa akin, na tinanggap ko naman. Tumalon ako pababa habang nakakapit sa kamay nyang tila ginawang yelo ng panahon. Katulad ng ekspresyon nya na walang buhay at ang mga kilos nyang parang pinrograma.

Nang maitungtong ko na ang aking mga paa sa lupa, hindi ko napansin na magkahawak pa rin pala kami nang kamay kung hindi nya lang dahan-dahang binitawan ito.

"You remind me of someone." Tinitigan nya ang mata ko ng ilang segundo sanhi na mag-iwas ako ng tingin. Ayokong malaman  nya na ako 'to. Ayokong mapahamak sya nang dahil sa akin.

"Someone important. Someone really valuable." Tumalikod sya sa akin at unti-unting humakbang palayo. Pero kahit na ilang hakbang na ang layo namin sa isa't-isa, hindi nakalampas sa aking tenga ang mga salitang ibinulong nya.

"Someone I can't be with."

Naiwan ako sa kinatatayuan ko at mariin lang na pinagmamasdan ang bulto nyang papalayo sa akin.

After kong makausap ang tatay nya, unti-unti nang nalilinawan sa aking isip ang mga nangyayari. Kaya napagpasyahan ko na kumilos ako ng akin. Hangga't maari hindi ko muna saaabihin sa RIO ang mga nalaman ko lalo na't may hinuha ako na kaya nawala ang mga identity data namin ay may balak na sumabotahe ng mission na ito. Hindu ko sigurado kung meron bang espiya ang Evils sa RIO at naaccess nila ang mga confidential files na sigurado naman akong secured na secured.

Konting tiis na lang Xedrick, pagkatapos ng lahat, makakalaya ka na. Makakalaya ka na sa kulungang hindi sinasadyang gawin ng iyong ama.

---

Unedited.

Halowr my dear readers~
So, isang katanungan na ang unti-unting nabibigyan ng kasagutan. [/winks

Maraming salamat sa pagbabasa! Mwamps.

Gusto ko kayong iinform na magkakaroon na ng bagong sked ang pag-uud sa story ni Jazz. Magiging M-W-F (Mon, Wed, Fri) na ang sked. May iba din kasi akong ginagawa kahit na bakasyon. Sana maintindihan nyo, salamat! :>

New book cover para sa panibagong adventure ni Jazz. :>

Secret of Miss Enigmatic | under editingNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ