Chapter 6

3.7K 102 0
                                    

Jazz' Point of View

Lumabas na kami ng building at dumiretso sa kotse. Medyo malayo din ang club na 'yon. Magkano kaya ang masasahod ko sa mission na 'to? Transaction of drugs? Malaki-laki 'to. Tiba-tiba na naman. Bwahaha. $_$

"Kamusta naman ang lovelife natin ngayon ha JR?" Tanong ni Gio out of the blue.

"Sa tingin mo?" -.- Adik ko din noh? Sya ang nagtanong, sya din ang pinasasagot ko.

Tumawa lang sya. Bentang-benta talaga ako sa taong 'to. Lagi na lang tumatawa sa mga pinagsasasabi ko. Magpabayad kaya ako? Isang daan isang tawa sa mga sinasabi ko, siguradong yayaman agad ako. $.$

"Sa tingin ko, asensado. Umamin ka, syota mo 'yung lalaking maangas noh?" Tss, mga pinagsasasabi neto. Pinapatawa nya ba ako.

"Di noh."

"Asus, deny pa. Sige lang."

"Huwag mo nga akong ginagaya sa'yo. Ikaw lang naman ang mahilig magdeny noh. Lagi mong idinideny na may gusto ka dun sa Thai na 'yun."

"Thaia hindi Thai, ginawa mo pang Thailand ang pangalan ng tao." Oh see, nabadtrip ang lolo nyo. Sa tuwing tinatawag kong Thai yung gusto nya, lagi na lang nagagalit.

"Potato-potahto, duh.. pareho lang 'yun."

"Drop the topic Jazz Rielle."

"Huwag mo ngang buuin ang pangalan ko Giovani." I rolled my eyes. Pwede namang Jazz na lang eh, wag na 'yung Rielle. Nakareserve 'yun para sa magiging boyf-- nevermind. Inaatake na naman ng sakit na KV. (kalandian virus)

"Just drop the topic. Ayoko munang pag-usapan natin si Thaia okay?"

"Owkay,, sabi mo eh." Itinaas ko pa ang dalwa kong kamay, sign ng pagsuko ko.

Mananahimik na nga lang ako.

"May L.Q kayo noh?"

"Jazz!!!"

***

Mga 6:45 kami nakarating sa teen club na sinasabi ni Tanda. Kinulit ko kasi ng kinulit si Gio, well thanks for my skills.. napaamin ko din sa wakas ang loko. Hindi daw kasi sya pinapansin ni Thaia, ginagawa naman daw nya lahat ng makakaagaw pansin kay Thaia, ginamit na din daw nya ang charm-kuno nya, sinusuyo din daw nya.. pero waepek pa rin daw.

Ang advice ko nga sa kanya ay 'Kung hindi madala sa santong suyuan, dalhin sa santong paspasan.' pero 'Baliw.' lang ang sagot nya. Minsan na nga lang ako mag-advice, tsk.. tinawag pa akong baliw.

"Ready na?" Tumango lang ako sa kanya. Lumabas na kami ng kotse at nakisiksik sa mga taong pumapasok sa club, buti na lang madaming tao.. hindi mahahalata ang mga dala naming baril.

Syete, daming tao ah-ah.. 14 pa man din ang kwarto dito (sabi nina Tanda) tapos hindi pa sigurado kung san dun ang mismong kwarto kung saan magaganap yung transaksyon.

"Maghiwalay tayo." Bulong ni Gio. Masyadong kasing maingay dito.

Ini-on ko na ang earpiece para marinig ang sasabihin ni Tanda at ni Jama.

"Captain speaking." Pfft-- astig talaga ni Tanda. Barko't eroplano lang ang peg? Tae, laughtrip. 'Yan lagi ang sinasabi nyan kapag tinitesting kung naka-on na yung earpiece.

"Ayos talaga ng bati mo Tanda. Haneps."

"Agent Black.." nakow, galit na sya haha. Colors ang pinakacodename naming mga batang agents, Numbers naman ang sa mga matatanda na, este sa mga double agents, yung mga pwede sa dalwang department, katulad na lang ni Tanda na Intelligence at Experimental. Si Jama pa lang ang bata na double agent, galing noh? Fielding at Intelligence sya.

Secret of Miss Enigmatic | under editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon