Chapter 30

2K 54 1
                                    

Jazz' Point of View

Isang araw na kami sa beach resort na pinagdalahan sa amin ni Xedrick. In fairness ha. Ang bongga dito. Kasalukuyan kaming nasa tabing dagat. Ang ganda lang dahil palubog na ang araw. Fortunately, kakaunti ang tao kaya parang solo namin ang buong resort.

"Aish! Ano ba yan Rock! Wag kang mamasa! Tukmol ka talaga!" Sigaw ni Majoy kay Rock dahil binabasa sya ng gago. Si Rage, ayun nakisali na din. Ayaw daw nyang may umaaway sa Marj nya. Napailing na lang ako. Ang landi.

Parang yung katabi ko na kanina pang nakaakbay sa akin.

"Liz! Come here, bilis!" Tawag ni Sheena. Lumapit naman si Liz kay Sheena na kasama ni Codie.

Hays. Buti pa sila nag-eenjoy. Samantalang ako. Tsk. Tsk. Tsk.

"Why aren't you joining them?"

"Ayoko. Takot ako sa tubig."

Tumawa lang sya sa sagot ko. Aba, aba. Feeling yata nito nagbibiro ako. For your information Mr. Haliparot ng taon, takot talaga ako sa tubig dagat. Leche.

Binatukan ko sya kaya napatigil sya sa pagtawa.

"What was that for?" Inosenteng tanong nya. Napaayos pa sya ng upo habang kinakapa ang batok nyang tinira ko.

"Totoo ang sinasabi ko leche. Hindi ako marunong lumangoy kaya ganon!" Paliwanag ko sa kanya. Mukhang nagulat naman sya sa confession-kuno ko dahil napaawang ang bibig nya pero maya-maya lang ay napalitan ng kakaibang ngisi ang umawang nyang labi.

Kahit nasa field dept. ako, hindi ako matunong lumangoy. Bakit? Dahil hindi naman ganoon kabigat ang mga naaassign sa aking misyon kaya ganoon.

Gumapang sya palapit sa akin kaya napatuon ang kamay ko sa may likod ko. May sapi na naman yata ang malanding ito!

"A--anong ginagawa mo?"

"Hmm?" Nyeta. Kapag ako nabwisit at di nakapagpigil susuntokin ko yung perpekto nyang mukha!

"You don't know how to swim right?" Nakangisi nyang tanong. Napahiga na ako sa buhangin dahil patuloy pa rin sya sa paglapit. Jusko! Lumapit pa sya lalo sa akin.

Jusko! Jusko! Nanginginig na ang tuhod ko dahil sa sobrang lapit nya. Para kaming may balak na gumawa ng bat-- nevermind. >.<

Basta ang awkward ng posisyon namin!

"You want me to teach you?" Bulong nya malapit sa tenga ko. Jusko. Panty, kapit ka lang ha? Wag kang bibitaw. Keep~~ holdingggg on~~

Naputol ang pagkanta ko sa aking isipan ng sumigaw si Rock.

"Hoy Jung! Kung balak mong anakan yang kapatid ko, dun kayo sa kwarto! Ayaw naming makakita ng live show! Mainggit pa kami! Tsaka wag mong papaiyakin yang kambal ko! Puputulin ko yang ano mo!" Akala ko aalis na si Xedrick sa ibabaw ko pero parang walang narinig ang baliw sa halip ay ngumisi pa lalo.

Nyeta. Minsan nagtataka ako kung talagang kapatid ko ba yang si Rock n' roll to the world. Pang out of this world ang nasa isip leche! Kung iba ang naging kakambal ko baka nasuntok na nun si Xedrick, pero sya... UNBELIEVABLE.

"What is your answer? Is it a yes? Or a yes?" Panty, okay lang yan. Kaya natin 'to. We will survive!

"U--uhm, or? Hehe" Nagulat ako nang bigla syang tumayo at binuhat ako. Gusto kong magwala nang marealize ko kung saan nya ako balak dalhin.

Napakapit ako ng mahigpit sa leeg ni Xedrick dahil unti-unti na syang lumalapit sa dagat.

"Punyeta! Ibaba mo akong talapindas ka! Malandi! Haliparot! Waaahhh! Rapeee!! HUHU!" Pero sya? Tumatawa lang! Ang gago lang di ba? Tumingin ako kina Majoy para humingi ng tulong pero leche talaga. Tumatawa lang sila! Maliban kay Rock na parang nag-aalala.

"ROCK! Tulong!" Sa halip na agawin ako kay Xedrick, sumigaw lang ang gago.

"Paksyet ka Jung! Kapag umiyak yang kapatid ko, puputulin ko talaga yang ano mo!"

Lalong humigpit ang kapit ko kay Xedrick nang umabit na sa bewang nya ang tubig. Akala ko titigil na sya sa paglalakad pero nagdire-diretso pa rin sya.

"WAAAHH! XEDRICK! IBABA MO AKO! AY LECHE! WAG PALA!" Feeling ko any moment, masasakal na si Xedrick dahil sa higpit ng kapit ko sa leeg nya.

"Trust me okay?" Bulong nya nang umabot na sa dibdib nya anv tubig. Basa na ang pwetan ng short ko at ang laylayan ng T-shirt na suot ko. Nagulat ako ng bigla syang lumubog. Kingina. Feeling ko talaga paiyak na ako.

Wala na akong pakealam kung nasasakal na si Xedrick dahil sa akin. Ang importante, mabuhay pa ako! LECHE!

Hindi ko magawang imulat ang mata ko dahil natatakot ako. Gayunpaman, alam kong tumutulo na ang luha ko. Mauubusan na ako ng hininga. Alam ko. Pero... nanigas ang katawan ko ng maramdaman ko ang labi nya sa labi ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Ang alam ko lang, binibigyan nya ako ng hangin. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa kanya. Kung malanding manyak o talagang tanga lang. Alam ko namang kayang-kaya nya akong iahon para makasagap ng hangin pero mas pinili nya pang bigyan ako ng hangin sa pamamagitan ng labi nya.

Ilang sandali pa ang nakalipas nang maramdaman kong hinawakan nya ako sa bewang para iangat ako. Kahit na nakalutang na ang ulo ko, nanatili akong nakapikit.

Kinabig nya ako papalapit sa kanya tsaka nya isinubsob ang ulo ko sa mah bandang leeg nya.

"I'm so sorry Rielle. I'm sorry if I made you scared." Bulong nya.

Kahit na ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko, nagawa ko pa ring magsalita.

"Tsansing kang haliparot ka."

"Sorry na."

"Balak mo ba akong patayin?" Natigilan sya sa tanong ko, maging ako. Kahit na alam kong napaka-OA ng tanong ko, hindi ko napigilan ang sarili ko. Naguilty ako nang maramdaman ko ang pagyuko nya. Itinulak ko sya ng konti. Sapat na para makita ko ang pagkakayuko nya.

"Sorry," sabi ko.

"No, I'm the one na dapat magsorry. Sorry Rielle. I didn't know, I--i didn't know--" naputol ang sasabihin nya nang hawakan ko ang magkabila nyang pisngi para iangat ang mukha nya. Lalo akong naguilty nang makita ko ang mata nyang puno ng pagsisisi.

"Okay lang. Sorry din. Hindi ko dapat itinanong yun sa'yo. Kalimutan na lang natin yung nangyari." I sigh in relief nang makitang kahit papaano ay nagbago ang expression nya.

"Kahit yung kiss?" Pabirong hinampas ko sya sa balikat. Leche! Pati ba naman yun inalala pa?!

"Che!"

"O c'mon. Don't be shy my Rielle."

"Shadap!"

---

Lame again. Forgive me. Ahuhuhu. Btw, sinong naiimagine nyong portrayer ni Jazz at ni Xedrick? Ge. Snobin nyo ako. Huhu

Unedited

Secret of Miss Enigmatic | under editingWhere stories live. Discover now