Chapter 38

1.5K 41 2
                                    

Mag-hi muna tayo kay Gio HAHAHAHA

---

Gio's Point of View

Nakangiti ako habang nakatitig sa target. Pansin ko na medyo naiilang na sya dahil simula pagkatapak ko sa loob ng room na ito, wala na akong ibang ginawa kundi ang titigan sya. Buti na lang at wala yung maangas kundi, bulilyaso ang plano. Pero sa tingin ko, planado talaga ang lahat ng ito. Pati yung pag-absent ng maangas na iyon. Ano pa bang aasahan ko sa RIO? Eh syempre magagaling ang mga tao doon, pati akong pogi syempre.

Nang tumalikod ang teacher namin dahil may isuslat sya sa blackboard, agad akong lumipat sa bakanteng upuan sa tabi ng target na si Zen Alfonso, ilang hakbang lang ang layo kung saan ako iniupo.

Halata ko ang pagkagulat nya sa ginawa ko na naging sanhi ng lalong paglawak ng ngiti ko. Not as Geeno but as Gio. Dali-dali namang ngumiti, sus.

"Hinay hinay lang Agent Grey, wala pa sa plano na takutin yan." Puna nila sa kabilang linya. Nakita nila siguro ang reaksyon ni Alfonso sa camera na naka built in sa eye glasses na suot-suot ko.

"Hi!" Medyo pabulong kong bati sa kanya. Umisod sya ng upo kahit na medyo magkahiwalay naman ang inuupuan naming dalawa.

"Bago lang kasi ako dito sa University, pwede mo ba akong itour?" Nakangiti at medyo nahihiya kong tanong sa kanya. Hindi na ako nagulat nang bigla syang nagtaray sa akin kahit na kanina lamang ay parang ilang na ilang sya.

"D--duh. Mukha ba kong tourguide?" Komento nya sabay irap sa akin.

"Uy hindi ah. Ang ganda mo naman ata para maging tourguide." Bola ko sa kanya. Ganon talaga ang mga pogi.

Nang inirapan nya ulit ako, binago ko ang tono ng pagsasalita ko sabay yuko ng konti. Syempre kailangang panindigan na malungkot ako dahil sa paghindi nya.

"Ah, sige salamat na lang." Malamya kong sambit sa kanya. Dahan-dahan akong tumayo at bumalik sa inuupuan ko kanina.

"Nice acting Agent Grey. Abangan mo na lang mamaya ang go signal namin sa pagpunta mo sa library." Hindi ko pinansin ang sinabi nila tsaka ako umubob.

Syempre dapat in character ako lagi. Ganyan ang mga pogi.

Ang plano kasi, me, being Geeno ay hihikayatin na mag-open up sa akin ang target na si Zen. How? Sa pamamagitan ng pag-oopen up ko sa kanya about sa kunwaring tatay ko na si Mr. Toffy. Kapag hindi ito umubra at pagkatapos ng ilang linggo na hindi pa namin nalalaman kung saan nagtatago ang Congressman, tsaka eeksena si JR.

¤¤¤

Nandito na ako sa library at naghihintay sa pagdating ni Zen. Dahil may koneksyon ang teacher ng section namin sa RIO, planado na din ito.

Tumingin ako sa orasan ko at nakita ko na malapit nang mag-ala una. Ilang minuto na lang at sigurado akong dadating na din sya.

"Agent Grey,"

Napalingon ako sa pintuan ng library nang bumukas iyon at iniluwa si Zen suot ang kanyang iritadong bitch face.

Agad naman akong yumuko at tiningnan ang kaharap kong libro.

"What the hell are you doing here? Dapat nasa loob ka na ng room because umpisa na ng klase!" Kahit may kahinaan, mababakas mo ang pagkainis nya.

"Sabi nila, kaya daw gawin ng magulang ang lahat para sa kanilang anak." Medyo napatigil sya sa mga pinagsasabi ko.

"Pero sa tingin ko, kaya din namang gawin ng anak ang lahat para sa kanyang magulang." Dagdag ko pa. Binuklat ko ang pahina mg librong nasa harapan ko.

"Katulad ko, who would think na dating gumagamit ng pinagbabawal na gamot yung papa ko? Kahit na mahirap, ginawa ko ang lahat para lang mabalik sya sa tamang landas and, look at him now. Respetadomg-respetado." Sinara ko na ang librong hawak ko at tumingin sa kanya suot ang isang ngiti sa aking labi.

"Kaya kong gawin ang lahat para sa ikabubuti nya. How about you?" Tanong ko sa kanya habang nananatiling nakangiti. Tumayo na ako at nagsimulang humakbang. Nang napansin kong hindi parin sya sumusunod sa akin, huminto ako at tumingin sa kanya.

Nakita ko syang parang lutang at may kung anong tumatakbo sa isip.

"Tara na?" Nang banggitin ko ang katagang iyon, tsaka lang sya lumingon sa akin at dire-diretsong naglakad. Nilampasan pa nga ako. Pero dahil mabait ako, at dahil pogi ako, pinabayaan ko na lang ang kasungitang ginawa nya.

Nang makarating na kami sa klase, agad akong dumiretso sa upuan ko pero nilingon ko din agad sya the moment na nakaupo na ako nang maayos.

Mukhang napapaisip sya sa mga sinasabi ko sa kanya. Pano ba yan? Ang pogi ko kasi.

Kamusta na kaya si Wander Girl--este si JR. Buti pa iyon pa easy-easy lang. Dapat palit kami. Eh di ako sana ang nagliliwaliw ngayon. Sigh.

"Boss." Pakinig ko sa kabilang linya. Mukhang may bagong balita dahil tumahimik ang lahat.
Halos tanggalin ko ang earpice nang biglang sumigaw si Boss at dire-diretsong nagmura.

Nako nga. Mabait na tao si Boss at palabiro. Pero the moment na naging cussing machine na sya katulad ni Perry, siguradong galit na yan at gusto nang pumatay ng tao.

Napuno ng bulung-bulungan ang kabilang linya. Stand by naman ako, kung anong meron. Pakinig ko din ang pagmumura ni JR.

"Putspa. Ang sakit nun sa tenga. Buti na lang nasa CR ako." Mahinang puna ni JR.

"Sabihin nyo nga!--"

"Boss, hinay-hinay--"

"Tangnang hinay-hinay yan--"

Medyo may awa naman siguro ang ilang agents sa kabilang linya dahil pinahinaan nila ang audio para hindi kami masyadong mabingi sa pagmumura ni Boss.

"Kanino nanggaling yang balita na 'yan?! How come na ninakaw ang identy datas ng ilang agents gayong secured naman ang lahat at kabilang yan sa confidential files?!"

Shit.

Kapag identy data na ang pinag-uusapan, talagang maiintindihan ko ang pinanggagalingan ni Boss. Identy data serves as our connection in the outside world, outside our occupation.

Dito nakalagay lahat ng personal information ng isang agent. At kapag na expose masyado ang personalidad mo sa ganitong uri ng trabaho, nasa bingit na ng kamatayan ang buhay mo at buhay ng malalapit sa'yo.

"Boss, hindi din po namin alam. Lahat po ng cameras at recorder ay naka-off kanina dahil nagkaroon ng conflict sa ilang wires na nagbibigay supply ng kuryente. Naging busy ang iba sa pag-aayos nito samantalang ang iba naman po ay ipinagpapatuloy ang trabaho nila, kaya halos walang naiwan sa room 16." Paliwanag ng isang agent.

"Give me the list of all agents who are responsible in this event!"

"Yes Boss."

"Perry, sumama ka sa akin. Agent Grey, Agent Black, continue your mission. Sina Hazel muna ang bahalang mag-orient sa inyo."

Kahit na naguguluhan at nag-aalala kami sa nangyari. Sinunod na lang namin ang utos ni Boss.

"Assert." Sabay naming bigkas ni JR.

---

Asdfghjkl mga beshy.
Salamat sa pagsuporta sa istoryang ito. Mwamps.

Secret of Miss Enigmatic | under editingWhere stories live. Discover now