Chapter 14

3K 70 0
                                    

Jazz' Point of View

Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Rock na nakahiga sa sofa ko habang nagce-cellphone. Ayos. Feel at home na feel at home ang loko.

"Oh, buti dumating ka na."

Umirap lang ako sa kanya.

"Di mo man lang ba ikukuha ng inumin ang bisita mo?" Lumapit ako sa kanya sabay dagan sa kanya.

"Ayos ka din ah. Parang ako yata ang dapat magtanong sa iyo yan Bato, parang bahay mo to ah! Ang dami mong kinain! Ang kalat-kalat!!" Ampots, ang kalat ng salas ko. Syetness

"Ano ka ba-- aray Jazz-- tama na! Aray" Tumayo na ako pero binatukan ko muna sya. Tama lang yan sa kanya.

"Linisin mo yan Rock. Pag labas ko at hindi pa yan malinis, malilintikan ka sa akin."

Pumasok na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Bago ako lumabas pumunta muna ako sa tapat ng cabinet ko. Binuksan ko to at kinapa sa may bandang taas ang safety button. Nang may makita akong umilaw, tsaka ko ito isinara. Ang safety button na yon ay nagde-deactivate ng lahat ng naka built-in security at ng mga nakaprogram na gamit sa bahay na ito. Kapag kasi nakaactivate yun at may nagalaw si Rock na nakaprogram na gamit, tiyak magsasarado ang lahat ng pwedeng labasan sa bahay na to. Makukulong sya dito at hindi makakalabas hanggat walang approval ko at kapag nangyari yun magdududa talaga si Rock ng sobra-sobra.

Kelangan kong masigurado na walang makikitang kaduda-dudang gamit si Rock sa bahay ko.

Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Rock na nakasimangot habang nagliligpit ng mga pinagkainan nya. Bwahaha.

"Good boy." Pang-aasar ko sa kanya, lalo lang syang sumimangot at ipinagpatuloy ang pagliligpit nya.

"Tsk. Hindi ko na sasabihin sa'yo yung nalalaman ko." Umupo ako sa sofa at nagcross arms.

"May nalalaman ka? Weh? May laman pala yang utak mo?" Tumingin sya sa akin ng matalim.

"Hindi na kita kabati." Napatawa ako sa kanya. Ganyang-ganyan din kasi ang sinasabi ko sa kanya kapag hindi nya ako nililibre o hindi nya pinagbibigyan yung gusto ko.

"Pake ko? Di din naman kita kabati." Tumayo sya at nilagay lahat sa lamesa ang mga balat ng chichirya na kinain nya. Tss. Di man lang nilagay sa basurahan.

"Wala na, uuwi na ko. May sasabihin pa sana ako sa'yo." Dire-diretso syang naglakad palabas sa bahay ko pero bago sya lumabas may sinabi pa ako sa kanya kaya napalingon sya sa gawi ko.

"Pakisara ng pinto."

"Ganyan ka na ba talaga kambal?! Di mo man lang ako mahal?!" Napahagalpak ako sa sinabi nya. Akala ko ba ako ang mas childish sa aming dalawa?

"Sige na bati na tayo. Ano ba kasing sasabihin mo?" Tumabi sya sa akin at tumingin ng seryoso.

"Some serious shit huh?"

"May sumira ng tracker na inilagay ko dun sa kotse." Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. The F? Paano nila yun agad nakita? Tsk. Di ko pa naman din nasisilip kung saan pumunta yung kotse o kung saan yung last location kung saan nasira yung tracker.

"Alam mo ba kung saan ang location kung saan nasira yun?"

"Dalawang metro lang ang layo sa mismong parking lot." Napamura ako sa sinabi nya. Imposibleng pumalya ng ganun kadali ang tracker na gawa ni Rock at ang tracker na gawa ng RIO.

"Tsk. Paano na yan? Kaw na ang bahala?" Tumango naman sya. Alam kong sa gangster world sya mag-aabang ng ibang updates tungkol sa organization na yun.

"Kami na ang bahala. Fortunately wala pa namang nangyayaring riot sa GW lately." Napatango na lang ako sa sinabi nya. Kelangan kong subukang irecover ang files o information na naitala ng tracker ng RIO. Well, di ko din naman sigurado kung natsugi din yung tracker na inilagay ko.

***

Pagkaalis ni Rock sa bahay pumunta agad ako sa may cabinet malapit sa kwarto ko. Itinapat ko agad ang mata ko sa maliit na bilog na nagsisilbing susian nito. Nag-iba ang nasa may bilog at naging scanner. Thank you kay Gio at Jama na tumulong sa akin sa pag-aayos ng bahay na ito.

"Welcome, JR" nakaprogram na sabi nito tsaka bumukas. Pumasok na ako sa loob tsaka isinara ito ng konti. Automatic na bumukas ang ilaw at nag-on ang mga computers.

"Welcome back Master JR" sabi ni J2D. Isang humanoid robot na ginawa ko. Yan lang yata ang successful na invention ko sa pamamalagi ko sa RIO samantalang yung iba ang dami ng nagawa at naicontribute. Oh well, sa field naman ako nakatoka kaya ayos lang.

"May bago bang updates about that Organization?" Tanong ko dito. Diretso akong naglakad palapit sa mga computers at tsaka umupo sa tapat nito. Si J2D naman ay sumunod sa akin. Nakapalibot ang mga monitors sa akin. Iba't ibang data at files ang laman nito na may kinalaman sa trabaho ko.

"None Master. I already check the sites--legal and underground sites, that have link that is relative to that organization."

"Ok, just inform me if there are updates."

"Yes Master."

Itinuon ko na ang atensyon ko sa mga monitor na kaharap ko. Kelangan kong mairecover ang data na nairecord ng tracker. Mapa-audio man ito o kahit anong data. May voice recorder din kasi ito.

'Recovering.......................'

Tsk! Ang tagal naman ng haneps na 'to. Geez! I'm craving for information!

'This data will be recover in exactly 5 minutes."

Whatta tops?! Tsk. Kelangan ko muna talagang maghintay.

Maya-maya pa ay may lumitaw na mga data sa monitor na kaharap ko. Itinransfer ko muna ito sa isa pang computer in case na kailanganin ko ang tulong ni Jama.

7 minutes lang ang itinagal ng tracker? Imposible. At tulad nga ng sabi ni Rock, exactly 2 meters away from the parking lot, nagkaroon ng problema ang tracker. Nag-malfunction ito bago tuluyang masira.

Scroll lang ako ng scroll ng mahagip ng mata ko ang audio na kasama sa nairecover ko. Pinindot ko ito at ipinlay.

"Ano pare GW tayo sa l-*bzzt*-nes?"

Holy macaroni! Nagpuputol-putol!! Choppy!

"Tsk."

"A-*bzzt*-o na? Tara na kasi pare, minsan na lang tayo makabisita dun eh."

"Depende sa mood yan, di ba *bzzzzzt*?"

"Shut up idiots."

Dyan na nagtapos ang audio. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa nakuha kong information. It's too limited! Masyadong kakaunti, at kung alin pa ang mahalaga, yun pa ang nawawala. Katulad na lang nung may sasabihing pangalan yung isang lalaki. A name will help a lot kaso, wala din!

"Argh! Wala din akong napala! Kapareho lang din ng binanggit kanina ni Bato! Argh!!!"

"Uhm, master?" Napalingon ako kay J2D ng magsalita sya.

"Why?!" Pagalit kong sigaw. Di na sya nagulat ng maging ganun ang reaksyon ko. Sanay na yan sa akin for sure.

"There is an exact date that is mentioned." Napatigil ako sa pagpapanic dahil sa sinabi nya,

"Huh?" Lumapit sya sa may monitor at ipinlay ulit yung audio. Ipinause nya sa isang part at nireplay.

"Ano pare GW tayo sa l-*bzzt*-nes?"

"Ano pare GW tayo sa l-*bzzt*-nes?"

"Ano pare GW tayo sa l-*bzzt*-nes?"

Nang pumasok na lahat sa utak ko, napangiti ako ng malapad at niyakap si J2D. Lunes nga pala ngayon, at lunes din ang binanggit sa audio.

"Ang galing galing galing galing mo!!! Waaahhhh! Salamat!!"

"Ahm, you're welcome master."

Mukhang mapapasugod ako neto ngayon sa GW ng wala sa oras.

***

J2D in multimedia.

Secret of Miss Enigmatic | under editingWhere stories live. Discover now