Chapter 40

1.4K 33 0
                                    

Jazz' Point of View

Nandito ako sa cafeteria ng University at pinagmamasdan mula sa malayo si Gio na kanina pang buntot nang buntot kina Espasol at kay ano. Basta kay ano. Kilala nyo na naman sya.

Tila kanina pang iritang-irita si Espasol sa pagiging aso--este sa pagiging makulit ni Gio. Samantalang si--si Jung, parang wala lang. Ni hindi nga nya ikino-consider ang presensya ni Gio eh.

"Uy. Sinong tinitingnan mo?" Nagulat ako nang may biglang magsalita sa tabi ko.

Agad kong iniwas ang tingin ko sa pagmamasid kina Gio at itinuon ang atensyon sa sandamakmak na chupachups na nasa ibabaw ng mesa. Ito lang ata ang ikinatuwa ko sa University na ito. Ang dami kasi nilang tindang lollipop dito sa cafeteria.

"May I have one?" Tanong ni Jax sa tabi ko. Agad akong umiling at inihara ang braso ko sa mga matatamis na kaharap ko.

"Bawal sa panget." Nagulat ako nang humalakhak sya ng todo. Ilang minuto pa bago magsink-in sa utak ko ang mga sinabi at ikinilos ko. Syet. Jazz na Jazz.

Sa tuwing may hihingi kasi sa akin ng lollipop, lalo na kapag nasa HQ kami ng Gang nina Bato, 'Bawal sa panget' ang unang lumalabas sa bibig ko.

Hindi tanga si Jax. Masyado syang matalino kaya hindi na ako magtataka kung buking na nya ako ngayon. Aish.

"Let's pretend na wala akong napansin at hindi ko nahalata. Take two tayo?" Mukhang wala na ding mangyayari kung itatago ko pa sa kanya. So better be me right now. Kahit ngayon lang. Besides, I miss everyone. Simula noong kausapin kami ni Tanda ilang araw na ang nakararaan, naisipan kong lumipat na naman. Ayokong pabalik-balik sa bahay ko si Rock at ang mga magulang ko. Ayokong mapahamak sila.

Buti na lang ibang school ang sinabi ko sa kanila na lilipatan ko, kung hindi, baka puntahan pa nila ako dito para lang itanong kung bakit na naman ako tumatakbo.

Nagflip ako ng buhok at tsaka umirap sa kanya, "Take two lang, walang tayo." Lalo syang ngumiti dahil sa sinabi ko.

"Hi Missy," sambit nya sa tabi ko. Pwede bang hindi mabismud? !@$$/^ PWEDE BA?

"Tumigil ka nga Jax." Pabulong pero may diin kong sabi. Napansin ko kasi ang pagpasok nina Sachi at Larez dito sa cafeteria and now, they're heading towards us. Ay, towards nga lang pala. Walang us.

"Bakit ba ang tagal mong mag debut?" Banat na naman nya. Hindi ko alam kung bakit pero minsan talaga nakakainis 'tong si ex karas na ito. Hindi ko alam kung bakit pero basta, asdfghjkl.

Sa inis ko, niyakap ko ang mga lollipop ko para madala ko ito tsaka ako tumayo. Dire-diretso akong naglakad palayo sa table na inuupuan ko kanina. Pero hindi ko naiwasang lumingon nang tawagin ako ni Sachi.

"Geeana!"

"Aww," may ilang pirasong lollipop ang nahulog sa sahig nang mabunggo ako sa isang nilalang. "Sorr--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang pagtunghay ko ay mukha nya ang bumulaga sa akin. Mukha ni Jung.

"Ano ba yan! Hindi kasi nag-iingat eh!" Espasol ever. "Tara na nga!" Inis nya pang dagdag.

Kita ko ang gulat sa mukha ni Gio dahil sa mga nangyari.

Pero agad namang napabalik ang tingin ko kay Jung nang magsalita sya. Hindi katulad ng dati, mapapansin mo na tila malamya at walang kulay at sigla ang kanyang mga mata. Hindi nga magproseso sa utak ko na si Jung 'tong kaharap ko.

Si Jung ba talaga ito? Si Xedrick ba talaga ang kaharap ko? Si Xedrick na sanhi ng sakit at lungkot na naramdaman ko noon? Napangisi ako sa aking isip. Pati naman ngayon. Sya pa rin.

"Sorry," paghingi nya ng paumanhin tsaka dire-diretsong naglakad palayo sa akin. Naiwan akong nakatanga sa harap ni Gio a hindi makapaniwala sa mga nangyari.

"Woah," komento ni Gio.

"Okay ka lang?" Nagulat ako nang mapansin kong nasa tabi ko na pala si Jax, kasama sina Sachi at Larez.

"Oo," agad kong sagot. Itinuro ni Jax si Gio na parang nagtatanong.

"Ah, sya nga pala ang kapatid ko--si Geeno. Geeno, sya nga pala si Jax," turo ko kay Jax.

"Si Sachi, at si Larez." turo ko naman doon sa dalawa. Matapos nilang mag-hi sa isa't-isa, nagpaalam na si Gio na aalis na sya. Tumango lang ako sa kanya.

"Sya yung kapatid na sinasabi mo Geeana? In fairness ha, magkamukha nga kayo." Komento ni Sachi nang makaalis si Gio. Ngumiti lang ako sa kanya.

Wala ako sa mood para makipagchikahan sa kanya matapos ang nangyari kanina. Masyadong okupado ang utak ko kung ano ang nangyari kay Jung. Bakit ganon na sya?

Para syang robot na pinrogram sa mga ikinilos nya kanina. Lalo na yung mga tingin nya. Kinabog nya pa ang humanoid robot kong si J2D.

Ano bang nangyari sa 'yo Jung?

Lalo akong nag-alala nang maalala kong may sugat nga pala sya sa gilid ng kanyang labi at peklat sa bandang leeg. Last time naman na nagkita kami wala akong napapansing peklat nya sa leeg.

Ano ba talaga ang nangyari ha Xedrick?

¤¤¤

Nang makarating ako sa condo na binili ko, agad akong pumanhik sa aking kwarto at kinalkal lahat ng drawer na nandoon. Kung hindi ako nagkakamali eh nandito lang iyon. Hindi dapat mawala iyon dahil isa 'yun sa mga susi para malaman kung ano ba talaga ang nangyari kay Jung.

"What are you doing Master JR?" Tanong ni J2D sa akin nang makalapit sya sa kinatatayuan ko.

"Remember the white card na ipinakita ko sa'yo last time na nagimpake tayo?"

"You mean the calling card Master?" Tumigil ako sa paghahalungkat at tumango sa kanya.

"You put it inside your favorite purse." Napatigil ako nang maalala ko na doon ko nga iyon nailagay. Hindi na ako nakapagpasalamat kay J2D sa pagmamadali kong mahanap ang puting card na iyon.

Agad akong nagtungo sa wardrobe ko at kinuha ang purse na naglalaman ng iba't-ibang mahahalagang abubot.

"Gotcha." Sambit ko nang makita ko ang card na ibinigay ng taong iyon sa akin last time na nag-usap kami.

Rico Jung
xxx-xxx-xxx
Jung Inc

---

Unedited.

Wondering why may ud ngayon? Dahil di ba nakaligtaan kong magud noong 24, so balik na ulit ang sked natin, na alternate ang araw ng pag-uud. Kita-kits ulit kayo nina Jazz sa friday! Haha

Maraming salamat sa pagbabasa! Mwamps.

Secret of Miss Enigmatic | under editingOnde as histórias ganham vida. Descobre agora