Chapter 2

5.3K 129 11
                                    

Jazz' Point of View

Hindi ko naman sinadya na iwan sila. Nagkataon lang na may nagawa ako'ng gulo at baka madamay sila, pero okay na naman 'yun.

"Look, hind ko sinadya ang mga nangyari. Can you guys, forgive me?" Tanong ko. Hindi ako madalas magsabi ng sorry at humingi ng tawad. Kaya kapag sa bibig ko nanggaling ang mga salitang sorry at forgive me.. parang hindi sincere.

Nagulat sila sa sinabi ko at nagkatinginan pero maya-maya lang ay sinunggaban nila ako ng yakap. Ackk., masyadong mahigpit hindi ako makahinga.

"Waahhh! I'm so glad na humingi ka ng tawad sa amin. Congratulations JR!" Sabi ni Majoy. Majoy na, bati na uli kami eh. Hindi ko naiwasang mapangiti dahil sa sinabi niya. Kahit kailan talaga ang OA ng babaysot na ito.

"Congratulations my dear friend!" Tili ni Shee.

"Welcome back Jazz." Buti pa si Liz mahinahon.

Hindi ko man sabihin, alam ko sa sarili ko na namiss ko sila. Yung ka-OA-yan ni Majoy, yung ka-conyo-han ni Shee at ang katinuan ni Liz. After ilang months, hindi ko inakala na magkakaroon ulit kami ng ganitong reunion, well sort of.


CHOCOLATE cake, chocolate drink, mocha cake at sampung chupa chups. Ayos 'to. Siguradong mabubusog ang dragon ko sa tyan. Nagsimula na akong maglakad papunta sa table namin dala-dala ang tray ko nang sumabay sa akin si Liz.

"Ang dami naman nyan." Komento niya. Iningusan ko lang siya tsaka hinanap kung nasaan si Majoy.

"Tingnan mo 'yun." Tinuro ko si Majoy na may dala-dalang tray.

"Magpinsan nga kayo." Natatawang sabi niya. Umupo na kami sa table na nasa may sulok. Maya-maya pa ay dumating na din si Shee.

"Yuck.. ang daming calories ng mga inorder nyo. Chocolate cake, mocha cake, chocolate drink at chupa chups? Ikaw naman Majoy, pizza, burger, large fries at large coke? And.. chichirya and sprite ang iyo Liz? Yuck.. it's not masustansya." I made a face. Bakit ba?

"Wag ka ngang mangealam." Komento ni Majoy.

"Kesa naman sa'yo puro dahon. Tinalo mo pa ang kambing ng kamag-anak ng asawa ng kapit-bahay ko." Tumawa sina Majoy at Liz sa sinabi ko samantalang si Shee naman ay bumusangot lang.

"It's healthy kaya!"

"Ienjoy mo naman ang buhay Shee. Try mong kumain ng iba bukod sa gulay." Natatawang sambit ni Liz.

"Ikaw din baka tubuan ka ng dahon dyan." Sabat pa ni MAjoy habang ngumunguya ng burger na inorder niya.

Baliw din tong isang 'to.

Nagsimula na kaming kumain at syempre galit-galit muna. Nasa kalagitnaan ako ng pagsubo nang bigla na lang umalingawngaw ang tili ng mga mahaharot na babaysot.

"Kyyaaahh~" Ay grabehan. Nakisama din sa pagtili ang dalwa. NaOP naman ako kaya tumabi na lang ako kay Liz na nakatingin lang kina Majoy.

"'Nung meron?" Binigyan nya ako ng 'seriously-hindi-mo-alam-look' kaya binigyan ko din sya ng 'magtatanong-ba-ako-kung-alam-ko-look'.

"Yan kasi, kung saan-saan lumilipat ng school. Tsk. Tsk." Sisi pa more.

Nag-roll eyes lang ako. Akala ko ba okay na? Past is past na nga di ba? Tapos, tapos. Hays!

"Dark Knights. 'Yan ang tawag sa kanila." Parang gangster chuchu ang pangalan ng barkada nila ah. "Xedrick Jung. Leader ng grupo 'yung nasa gitna. Mayaman, pinakamasungit sa kanilang tatlo.. based sa mga sinasabi ng karamihan." Tiningnan ko 'yung nasa gitna. Infairness ha, may hitsura. Mestiso, matangos ang ilong, tapos kissable lips. Well, lahat naman sila, kaso stand out yung sa kanya.. landi ko 'nu bayan! Para kasi syang naglalabas ng black aura.

Secret of Miss Enigmatic | under editingDove le storie prendono vita. Scoprilo ora