Chapter 24

2.5K 59 0
                                    

Jazz' Point of View

Hindi ako malandi, slight lang. Hindi ako masyadong talapindot at haliparot. Tatlong lalaki pa lang ang naging kras ko. At higit sa lahat, bihira akong kiligin. Madalas kasi, ako ang nagpapakilig, dyosa ako eh. *flip hair. Noong bata pa ako, tinuruan ako ng lolo ng-- este, noong bata pa nga ako may batang lalaking tumakbo palayo dahil hinalikan ko sa pisngi. Hokage na kasi ako simula nung isilang ako. Ganun ako magpakilig, mapapaharlem shake at mapapatwerk ka ng wala sa oras dahil sa sobrang kilig. Pero ngayon?

Ako yata ang mapapaharlem shake at mapapatwerk ng wala sa oras. Samahan pa ng pabonus na nae nae. Eh keshi nemen eh! Di ko akalain na sasabihin nya yun. Di ko akalain na lalabas sa kissable lips nya ang mga katagang iyon. Jusko! Talagang gusto kong magpaparty dahil sa pangyayaring iyon. Hmm. Nakakatulong din pala ang pagiging chismosa minsan.

Aba't talagang gusto yata akong makita ni Xedrick na nagte-twerk. Di pa nga ako nakakaget-over sa mga naganap noong isang araw, aba may gimik na naman sya ngayong Culture Fest. Tulungan ba daw akong maghanda para sa Spooky Café. Nagprisinta syang samahan ako papunta sa CR para mag-ayos. Pinayagan kasi nila akong maging white lady, at si Xedrick naman, si Frankenstein ang natripan.

Binuksan ko ang pinto at kabuuan ni Xedrick ang bumungad sa akin. Nakasandal sya sa may pader at nakasakbit sa kanyang balikat ang bag nya habang hawak naman nya ang bag ko.

"Let's go?" Nakangiting tanong nya. Tumango lang ako sa kanya habang may munting ngiti din sa aking labi. Magkasama kaming naglakad papunta sa section nina Majoy. Kung dati ay masasamang tingin ang nakukuha ko sa mga echosera na nagkalat, ngayon hindi na. Dapat lang noh. Siguro narealize na nilang mas dyosa talaga ako kesa sa kanila.

Napagpasyahan ni Xedrick na sa room na lang magpalit total pang-itaas lang naman daw ang papaltan nya, na sinang-ayunan ko naman. Buti na lang at may inilaang space para sa amin na mga staffs. Naks, kinareer talaga eh noh.

"Codie! Stop it na nga. Wag mo kong kuhanan ng pictures! Argh! Why so kulit?!"

"Ayoko. Bleh"

"San mo gustong pumunta mamaya Marj ko?"

"Kahit saan,"

Napangiti ako nang bumalik na sa dati ang mga malalandot na ito. Si Sheena at si Codie ay hayun at nag-aasaran na naman-- este si Codie lang pala ang nang-aasar, si Sheena ang naaasar. Si Rage at Majoy naman, hayun naghaharutan na naman. Habang si Liz, ay napapailing na lang. As usual nagtatransform na naman sa pagiging pabebe ang aking magaling na pinsan. Pinabayaan ko na silang lumapit sa mga kaibigan ko, basta hindi nila sila pababayaan, okay na yun. Nagkasundo na naman kami na kapag napahamak sinuman sa kaibigan ko ay dadanak ang dugo kung saan ko sila maabutan.

Napapitlag ako nang biglang may humawak sa kamay ko. Eto na naman sya. Kaya kenekeleg eng lele nye eh. Hinila nya ako sa likod na natatakpan ng itim na tela. Ibinaba lang nya ang mga gamit na nasa kanya at basta na lang naghubad sa harap ko. Jusko! Jusko! Rapppeeee!!

Tumalikod ako sa kanya at ipinikit ang mata ko. My virgin eyes! Huhu! Napakinig ko naman na tumawa sya. Aba! Ang loko, tinatawanan lang ako?! Jumbangin ko yan eh.

"Ok na," awtomatikong humarap ako sa kanya at tiningnan sya. Mukhang nahihirapan syang ibutones ang suot nya. Eh pano ba naman kasi, nasa likod ang butones, sa may parteng batok. Jusko. Lumapit ako sa kanya at ibinutones ang suot nya.

"HULI KAYO! MGA LAPASTANGAN! DITO NYO PA TALAGA NAISIPANG GAWIN ANG BAGAY NA YAN! SCHOOL TO MGA ATENG! HINDI MOTEL!" Ngali-ngali kong sabunutan ang baklita. Kung makasigaw akala mo masa kabilang sulok ng mundo ang kausap.

"Tumigil ka nga mamah." Inirapan ko sya pagkatapos ay hinila ko palabas si Xedrick. Bahala sya sa buhay nya. Palibhasa hindi sya crush ng crush nya kaya masyadong epal. Hmp!

"Yeee-haw! We're going to win the fight! Screaming yeah, yeah, yeah! Ooooh yeah!" Sigaw nung dati kong kaklase na nakatuntong sa isang upuan. Nabaliw na ang gaga.

***

Nakakapagod. Yan lang ang masasabi ko. Mukhang mabenta talaga ang café namin. Dinudumog ng fans eh--este ng customers. Nakaupo ako sa ilalim ng puno sa may gilid ng building kung nasaan ang room ng section 4-A. Break namin--este break ko lang. Tumakas ako eh. Di na ako nagulat nang biglang may magsalita.

"Oh Jazz, kahit saan talaga napakatamad mo." Inirapan ko lang si Rock. Mga pauso. Kaya daw sya pumunta dito ay para silipin kung maayos ang café ng section. Psh. Alam ko namang iba ang sisilipin nyan sa loob ng section namin eh.

"By the way, akala ko buong gang ang pupunta dito?" Since open campus naman ang ganap pwedeng maglabas pasok ang kung anumang--este kung sinumang may gusto na bisitahin ang school.

Nag-shrug lang sya sa tanong ko. "Baka yung magsyota ay nasa love kaekekan at sigurado naman akong lumalamon ang dalawang gago." Tumango lang ako sa sinabi nya. So nakauwi na pala si Jax. Mahanap nga yun mamaya. Hihingi ako ng pasalubong.

"Sige aalis na ko. Mukhang nandyan na ang Frankenstein ng buhay mo. Mukha kang espasol by the way." Grrr. Napaka talaga ng batong yun. Sarap tuktukan sa ulo. Hmp! Ang dyosa ko naman yata masyado para maging espasol. Like d u h!

"Who's that guy?"

Napatingin ako kay Xedrick. Umupo sya sa tabi ko at tiningnan ako ng kakaiba. Ano na naman?!

"Si Rock."

"A friend of yours?" Umiling ako sa tanong nya.

"Not really."

"Then who is he? Ano mo sya?" Naguguluhan akong sumagot sa tanong nya.

"He is my--teka nagseselos ka ba?" Hmm. He groan that makes me chuckle. Jusko, ganito pala magselos ang isang Xedrick Jung. How cute.

Humilig ako sa balikat nya. Ah. So peaceful. Ipinikit ko ang mata ko. Ano bang meron dito sa lalaking 'to at masyado akong naaano sa kanya? Naaano ako eh. Basta ano! Minsan gusto ko syang ilagay sa garapon dahil masyado syang cute. May times nga na pinipisil ko ang pisngi nya dahil masyado akong nanggigigil sa kacutan nya. Minsan naman gusto ko syang ilagay sa kisame dahil nakakasilaw yung ngiti nya. Aish! Ewan!

"Wala kang dapat ipagselos." Handa nga akong ipaglaban ka tutol man ang buong sanlibutan.

"That's good to hear." He said then wrap his arms into my shoulder.

Kahit wala kaming label (dahil duh! Di naman kami isang produkto para magkaroon ng label. lol) ayos lang dahil alam ko namang may something sa pagitan naming dalawa. (Shizuku at Haru ang peg.) At sapat na iyong rason para tulungan ko sya sa mga problema nya, lalo na kung ang problema nyang iyon ay napakaseryoso to the point na buhay na nya ang kasali sa usapan.

.

Oyst yung sa may nga kaMU dyan sa tabi-tabi. Wag kaying gagaya sa akin. Dyosa ako, iba kayo kaya, nakuuu! Ibang masaktan ang dyosa kaya wag nang subukang gumaya. Wag masyadong aasa, baka masaktan lang. <|3

---

Ang landi ni Jazz. Jusme.

Thanks for reading, voting, and adding this story on your reading list. :*

Unedited

Secret of Miss Enigmatic | under editingWhere stories live. Discover now