Special Chapter ♡

1.8K 40 7
                                    

Jazz' Point of View

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

Jazz' Point of View

"XEDRICK?" Pagtawag ko sa kanya. Dire-diretso akong pumasok sq kwarto nya sa loob ng condo unit nya pero nanlumo ako nang makita kong wala siya doon. Base sa ayos ng kama eh kanina pa siyang nakaalis.

Napabuntong hininga ako. Umupo ako sa dulo ng kama niya bago kinuha ang phone ko sa bulsa ko. Agad naman iyong tumunog dahil nagset ako noong isang araw ng reminder. May usapan kami na pupunta sa tree house na pinagdalahan nya sa akin noon. Pero mukhang nakalimutan niya. Nakalimutan niya din siguro kung anong araw ngayon.

Agad akong nabuhayan nang loob nang magnotify sa phone ko na nagmessage sya sa akin. Pero unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko nang mabasa ko ang message niya.

XedrickBantot

Good morning my Rielle, may urgent na meeting si dad. Kailangan kong sumama, don't expect me to come anytime soon. Baka nga gabihin pa ako. :(
Love you ♡

Weird.

Si Xedrick yung tipo nang tao na hindi nagtatype ng mahaba. He prefer call over text. Mas gusto daw kasi niya na naririnig ang boses ko. Kahit kailan talaga ang mga banat nun nakuuu

Tatawagan ko sana sya nang maisip ko na nasa meeting nga pala ito katulad nang sabi nito. Napangiti ako. Masayang malaman na nagkaayos na sila ng tatay niya. Nagiging madalas din na magkasama ang dalawa dahil tine-train ni ehem, Tito, si Xedrick dahil ito ang magiging tagapagmana ng kompanya nila. Kaya kapag nagkakaroon ng meeting, laging kasama si Xedrick.

HAPON na pero wala pa rin si Xedrick. Sinabi naman niya na baka gabihin siya pero umaasa pa rin ako na uuwi sya bago mag gabi. Napabuntong hininga ako. Gumulong-gulong ako sa kama ko nang magring ang phone ko. Agad ko iyong kinuha pero napasimangot ako nang mga promo churva ang magtext sa akin.

"Master, aren't you gonna celebrate today?" Tanong ni J2D sa gilid nang kama.

Umiling-iling lang ako sa kanya.

"Today is... today is your... birthday!" Lalo kong binilisan ang paggulong sa kama nang marinig ko ang sabi ni Zed. Ang humanoid na ginawa ko noon.

"Naiinis ako. Wala man lang bumati sa akin. Legal na ko ngayon pero wala man lang nagsesend sa akin ng birthday wish! Naiinis ako!"

Nagtalukbong ako nang kumot dahil sa inis. Ni cupcake walang nagbigay sa akin. Ano ba yan!

Nang tumunog ang phone ko, hindi ko ito pinansin dahil baka promo na naman iyon, pero ilang beses itong tumunog at maya-maya lang ay may tumawag, kaya kahit tinatamad, pilit ko pa rin itong inabot para sagutin.

"Hello?"

[Hi my Rielle,] nagulat ako nang marinig ko ang boses nya. Hindi ko napagilang mapanguso dahil kanina pa nyang hindi pinapansin yung mga messages ko.

"Hindi mo sinasagot ang mga messages ko kanina." Pagmamaktol ko sa kanya. Pero tinawanan niya lang ako.

[Nasa bahay ako ni Dad. Naaksidente yung--] hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil natataranta na ako.

Secret of Miss Enigmatic | under editingWo Geschichten leben. Entdecke jetzt