Epilogue

62.2K 1.4K 145
                                    

Mula sa rim ng iniinumang baso ni Brent ay nakatitig lamang siya sa isang napakagandang tanawin. Her smile is so captivating that just the mere sight of it lifts up the moods of everyone around her. Tumatawa ito kasama ang mga kaibigan pagkatapos nitong hipan ang mga kandilang nasa cake nito. May dalawang malalaking lobo na hawak ito sa isang kamay lamang. Mga numerong two at one. Sa isa naman ay hawak nito ang cake nito. Tumatawa ito dahil pinahiran ng icing ang ilong nito ng lalaking katabi.

"Dude, kanina ka pa tulala diyan. Sino ba iyang tinitignan mo?"

Tinapik siya ng kaibigan na si Lukas at tinignan ang direksyon na kanina pa niya pinagmamasdan.

"You know that woman? The one holding the balloons?" tanong niya rito.

Pinagmasdan muna ni Lukas ang grupo tapos ay tsaka siya sinagot. "No. But I knew the guy beside her. I think that's Adam Martin. My Dad and his Dad are business partners. Wait, Grecko!" tawag nito sa isa pa nilang kasama.

Kaga-graduate lang kasi nila kahapon at nagkayayaan silang magkakaklase na lumabas at mag-inom para mag-celebrate. Mabuti nalang talaga at sumama siya.

"What's up?" untag ni Grecko sakanila nang makalapit ito.

Tinuro ng mabilisan ni Lukas ang grupo ng sinabi nitong si Adam. "Kilala mo iyong babae?" tanong ni Lukas.

Tinignan sandali ni Grecko ang grupo tapos ay humarap sakanila na may ngisi sa labi. "Sino diyan? Si Ailee, Elisha o Michelle?"

Tatlo kasi ang babae na nasa grupo. Tumaas ang kilay niya. Kilala ni Grecko ang mga ito, pati si Lukas ay nagulat din.

"Iyong may lobo na hawak, sino iyon?" walang pasakalyeng tanong niya. He's been dying to know her name since he laid his eyes to her.

"Ah, that's Michelle Ford. You know, heiress of the Ford Corporation."

Ngumisi si Grecko sakanya at tinapik siya sa balikat. "Beside her is Adam Martin, her long time boyfriend." 

Napakunot ang noo niya sa sinabi ni Grecko sabay baling muli sa direksyon ni Michelle.

Michelle.

He would never forget that name.. and that face.

Tumayo siya at lilipat sana sa may bar counter nang makasalubong niya si Michelle na naglalakad palabas ng bar kasama ang boyfriend nito. In a split of a second, nasamyo niya ang amoy nito, naramdaman niya ang presensya nito at bumilis ang tibok ng puso niya.

Off limits.

That is Michelle for him for six years.
Sa loob ng anim na taon ay minahal niya si Michelle ng sikreto. Una ay simpleng atraksyon lang iyon dahil maganda ito pero para bang pinaglalaruan siya ng tadhana dahil magmula nang makita niya ito sa bar noong birthday nito, madalas na niyang makita ito sa mga social events na pinupuntahan niya.

Iisa ang society na kinabibilangan ng mga Monteverde at mga Ford. Nalaman niya na magkakilala pala ang mga magulang niya at ang mga magulang nito. He even made friends with her brothers that it became harder for him to not be affiliated with her. Minsan nang magkayayaan sila na uminom, nagkwento si Isaac tungkol sa kapatid nitong si Michelle. That's when she gotten to know her a little bit more.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRWhere stories live. Discover now