Thirty-four

38.5K 1K 90
                                    

Nae-excite na umakyat si Michelle sa may upuan na nakatali sa katawan ng elepanteng nasa harapan niya. Inabot niya ang kamay ni Brent na nakalahad sakanya at buong lakas siya nitong hinila para tuluyang makaakyat.

"Whoah!"

Napahawak siya sa hita ni Brent nang biglang tumayo na mula sa pagkakaluhod ang elepante kaya medyo gumewang sila na nasa likod nito. Naka-akbay sakanya si Brent at nakaalalay hanggang sa maging stable na ang tayo ng elepante.

It's their fifth monthsary and to celebrate it, they decided to go to Thailand. Itinapat niya sa kanilang dalawa ang camera niya na nakalagay sa stick to hold it.

"We're in Thailand! And we are on a freaking elephant! How cool is that?!" she said and took a video of the elephant and their surroundings.

"It's our fifth monthsary and my sweet boyfriend took me here." she laughed and leaned her head on Brent's shoulder. Brent kissed her forehead and stayed quiet but he's smiling at the camera.

"Say something." she asked him sweetly.

"Hi." Brent smiled and waved his hand.

Natawa siya sa tipid nitong pagbati. "Shy type talaga si Brent." sabi niya sa camera tapos ay kinulit pa niya si Brent na magsalita pa.

Pinagbigyan nila ni Brent ang request ni Crisha five months ago na gumawa pa sila ni Brent ng mga vlogs. This is their third vlog. The first one was around Metro Manila lang, kasama nila ang mga friends nila na game naman sa pagvivideo at pagsali sa video. Second was when they went to Davao. May business na aasikasuhin doon si Brent kaya naisipan niya na sumama sa boyfriend at isabay na ang pagbabakasyon nila doon.

Marami silang viewers at marami na rin ang subscribers ng MV Travel and Tours sa Youtube kung saan dito nila ina-upload ang mga vlogs nila. Kinuhanan niya ang paligid habang naglalakad ang elepante sa trail. Maraming naggagandahang bulaklak at puno ang nakikita nila. Nang sa tingin niya ay nakakuha na siya ng sapat na clips ay ibinigay niya ang camera kay Brent at itinago nito iyon sa bag na dala.

Kinuha nito ang kamay niya at pinagsiklop ang mga daliri nila habang ang isang braso naman nito ay nakaprotektang nakayakap sa bewang niya para hindi siya mahulog.

"Are you enjoying?" tanong sakanya ni Brent.

She looked up to him and smiled. "Yes. Sobra."

Hinawi nito ang buhok tapos ay hinawakan ulit ang kamay niya. "Good."

After their elephant ride, they took a cab going to their famous food street where different food stalls are in line in both sides. Lahat ata ng bago sa paningin nila ay tinitikman nilang dalawa. Natatawa siya sa tuwing malulukot ang mukha ni Brent kapag hindi nito nagustuhan ang pagkain.

"It tastes weird." he scrunched up his nose and gulped some juice.

She laughed at him and wiped the sweat on his forehead. Pagkatapos ay naglakad-lakad pa sila sa mahabang kalsada. May nadaanan silang street vendors na may binebentang souvenirs kaya bumili sila nun. Halos buong hapon silang naglakad at naglibot kaya naman pagbalik nila sa hotel room nila ay kaagad silang nakatulog ni Brent.

---

Nang mag-umaga ay nagising si Michelle na wala si Brent sa tabi niya. May nakita lang siyang sticky note na idinikit nito sa unan nito.

Went outside to take a jog. Be back after an hour. I love you!

She smiled at his note. Pupungas-pungas siyang tumayo at naghilamos ng mukha. Suot ang oversized shirt na kinuha niya sa luggage ni Brent, pumunta siya sa veranda ng hotel room nila at sinamyo ang lamig ng hangin na tumama sakanya. She streched her arms and took a deep breath. Itinali niya ang kanyang buhok sa isang bun at nagdecide na magbasa muna ng libro habang hinihintay si Brent na bumalik para makapag-breakfast na sila.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRWhere stories live. Discover now