One

55K 1.3K 182
                                    

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Magbago man ang hugis ng puso mo
Handa na kong hamunin ang aking mundo
Basta't tuloy pa rin..

Napangisi si Michelle nang pinakita nanaman ang sikat na commercial ng Mcdo. Actually, simula nang una niyang mapanuod ang nasabing commercial, madalas na niya itong inaabangan at idinownload niya pa talaga ang kantang ginamit na 'Tuloy pa rin' ng Neocolours.

She was packing her clothes in her overnight bag. Since weekends nanaman, magha-hiking ulit siya kasama ang mga kaibigan niya na nakilala niya rin noong unang beses niyang umakyat ng bundok pitong buwan na ang nakakalipas.

She was disturbed because her phone rang. It was Elisha.

"Yes?"

"Magha-hiking ka nanaman." It was more a statement than a question.

Ngumis siya at nilagay sa speaker ang tawag habang pinagpatuloy niya ang pagiimpake. "Bakit ka napatawag?"

"May dinner kasi akong hinanda, well, techinically it was Calix who prepared it, pero ako nakaisip!" sabi nito.

Napabuntong-hininga siya. "I can't go." sabi niya.

She knows Elisha's pouting right now. "Kainis ka naman eh! It's exactly one week that I've been engaged!"

Natawa siya rito. Last week lang ay nag-propose na si Calix kay Elisha. She was happy for her friends. Matagal-tagal din bago nagkabalikan ang mga ito.

"Eli, there will be more dinners to come. Weekdays mo kasi i-schedule."

"Umiiwas ka lang ata eh." May halong pagbibintang ang tono nito.

She slumped on her couch and patted Tsunami or Nami for short, her shih tzu puppy who's sleeping beside her.

"Hindi ah." tanggi niya. Alam niyang tinutukoy nito si Adam.

She exhaled and focused her gaze at Nami while combing him.

"He's in Netherlands, just saying." sabi ni Elisha.

She heaved out a sigh. "I'm not going because Adam might be there, Eli. I'm not going because I have plans already." she pointed out.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya. "Ever since kasi na naghiwalay kayo, hindi-"

She cut off Elisha. "I don't want to talk about it, Eli."

"It's been a year, Michelle."

"It's not that easy, Eli. You, of all people should know it."

Sa huli'y hindi na nagpumilit pa si Elisha. "Basta sa susunod na dinner, pumunta ka. Nandoon o wala man si Adam."

She sighed. "Oo. Basta weekdays. Sige na, baka dumating na ang sundo ko."

She turned off her phone and leaned back on her sofa. Nagising si Nami sa tabi niya at tumalon ito sa kandungan niya.

"Hay, Nami. Kailan kaya mawawala 'to?" kausap niya sa aso niya.

She was answered by series of barks by Nami. She had Nami two months after her break-up with Adam. Bigay ito sakanya ng Kuya Dami at Kuya Isaac niya. Since then, Nami became her comrade, her companion, and her bestfriend. Dinadala niya ito sa opisina niya pero iniiwan naman niya ito sa kapitbahay niya sa tuwing Sabado at kukunin niya ng Linggo ng gabi sa tuwing may bundok silang aakyatin ng team niya.

After her break-up, she did what most broken hearted people do. She went up to a mountain and screamed all the hurt she's feeling until she fell inlove with nature and started participating in hikes.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRWhere stories live. Discover now