Thirty-seven

39.2K 1K 233
                                    

Maagang nagising si Michelle para tumulong na magluto para sa dadalin nilang pagkain ni Brent. Dito siya natulog sa bahay ng parents niya dahil nakipaglaro siya sa pamangkin niyang si Kaizer at siyempre nagpatulong siya pagluluto ng pagkaing dadalhin sa date nila ni Brent.

"Manang, nasaan iyong mga butter natin?" tanong niya.

"Nasa may ref lang. Ilan ba gusto mo na dalhin?"

Binuksan niya ang ref nila at kinuha ang isang tub ng butter. Para iyon sa pancakes na dadalhin niya. Mahilig si Brent kasi sa butter sa pancakes nito kaya hindi niya dapat kalimutan iyon.

They just prepared pancakes, fresh fruits, fried rice, eggs and tuyo na may kamatis. Inilagay nila ni Manang ang mga pagkain sa mga lunchboxes. Hinayaan niya munang si Manang ang mag-ayos nun dahil tumunog ang phone niya na nasa may counter.

"Saan ka na?" she answered when Brent's name appeared on her phone.

"Dito na po. Labas ka."

Dali-dali siyang naglakad palabas ng bahay at binuksan ang gate at doon nakita niya si Brent na kabababa lang ng sasakyan nito. As usual, he's wearing his favorite get-up. Black shirt, black pants, black boots and his sexy curly hair.

Hinintay niyang makalapit ito sakanya at nang tuluyan itong nakalapit ay kaagad niya itong hinalikan sa labi.

"Good morning." she greeted him.

Pinaikot ni Brent ang isang braso sa kanyang bewang at hinila siya palapit rito. "Good morning to you too." he said with the most sexy voice.

Napapikit siya nang bumaba ulit ang labi nito sakanya at hinalikan siya ng marubdob sa kinatatayuan nila. She was breathless when he broke the kiss. Mabilis ang paghinga niya at pinapanormal ang tibok ng puso niya.

"Sarap naman ng breakfast ko." nakangisi nitong sabi.

Pinamulahan ata siya kaya naman upang matago iyon, inirapan niya si Brent. "Tara, pasok ka muna."

Tumawa lang ito tapos ay pinagsiklop ang mga kamay nila at hinalikan siya mabilis sa pisngi. "Ang ganda mo po talaga."

Napailing nalang siya sa kakulitan ni Brent ngayon. Pumasok na sila at kaagad na binati ni Brent si Manang na nag-aayos ng lamesa.

"Kumain muna kayo bago umalis." aya nito sakanila.

"Hindi na, Manang. Baka ma-traffic pa kami. May baon naman kami." sabi niya.

"Sila Tita?" tanong sakanya ni Brent nang sundan siya nito sa kusina.

"Tulog pa sila Mommy. Mamaya pa iyon magigising dahil galing silang party ni Dad kagabi."

Kinuha nito ang lunchbox mula sakanya. "Saan bag mo?" tanong nito.

"Sa living room."

Nagbilin siya kay Manang bago pinuntahan si Brent sa living room. Hinihintay siya nito doon. Nakasabit na sa balikat nito ang backpack niya. Sakto naman ay narinig niya si Kai na kinakausap ang anak nitong si Kaizer. Pababa ang mga ito sa hagdan.

"Aalis na kayo?" Kai asked. Nginitian nito si Brent bilang pagbati. Buhat naman nito si Kaizer na halata sa mukha na inaantok pa.

Nilapitan niya ang pamangkin at nilaro-laro ang kamay. "Ba-bye na, Kaizer. Alis na sila Tita." hinalikan niya ito sa pisngi at pinanggigilan dahil sobrang taba taba ng cheeks nito.

"Ingat kayo." paalam ni Kai sakanila.

"Una na kami." ngiti ni Brent kay Kai tapos ay hinaplos nito ang pisngi ni Kaizer.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHROù les histoires vivent. Découvrez maintenant