Four

36.7K 1.2K 151
                                    

Hapong-hapong lumabas si Michelle sa conference room. Prinesent niya kasi sa board ang mga ideas and strategies na plinano ng team niya. Nireport rin niya and financial information at iyong latest project for MV Group.

And speaking of MV Group, naalala niya na may meeting pala siya ngayon dito. They will check on the hotel. The rooms, services, activities and other stuffs. After that, they will devise a strategic plan for the project.

Bumalik siya sa kanyang opisina at pumirma ng ilang reports na na-review na niya. Busy siya sa pagbabasa ng isang written report nang tumunog ang intercom niya.

"Miss Ford, nasa baba na po ang MV Group."

"Sige, bababa na ako."

Itinabi na niya muna ang ginagawa at inayos ang sarili bago bumaba at salubungin sila Katarina. Nakita niya ang mga ito na nakaupo sa may mga couch sa may lobby.

Katarina stood up when she saw her. She was alone.

"Wala si Crisha?" tanong niya habang nagbeso sila.

"She has an emergency meeting for MV Resorts." imporma nito.

Tumango siya bilang pag-unawa. "So, let's go? May hinihintay pa ba tayo?"

Ngumiti naman si Katarina sakanya. "Actually, yes. Si kuya sana. But I think he's gonna be late so let's proceed muna. He'll call when he gets here."

Tumango siya at giniya nalang si Katarina paakyat sa mga suites nila. Isa-isa niyang pinakita ang iba't ibang klase ng mga rooms na meron sila. Sunod ay dinala niya ito sa mga function halls, restaurants, pools, gym, at sa iba pa nilang recreational area.

Mukha namang nagustuhan ni Katarina ang mga nakita dahil nakangiti ito at nagbibigay ng komplemento.

"It's already lunch time. We can discuss further during lunch. Tara?" aya niya rito.

"Yes please. I'm starving." saad nito.

Sabay silang tumungo sa restaurant ng hotel. They went inside a small room where their foods are already served.

They ate first and did some small talks.

"If you don't mind me asking, but how old are you Michelle?" tanong nito sakanya.

"I'm twenty six." sagot niya rito.

Ngumiti ito sakanya. "We're at the same age!"

"Pangalawa ka ba sa magkakapatid?"

Tumango ito at uminom ng juice. "Yes. Crisha is the youngest. She's twenty four. While Kuya is twenty seven. Magkakalapit lang ang mga edad namin kaya magkakasundo talaga kami."

"That's good. You know having siblings are like having your bestfriend and enemy at the same time."

Tumawa naman si Katarina sa sinabi niya. "I know! But you know you can't get rid of them. That whatever you do, they'll still be there."

Nagtawanan sila ni Katarina at pinagpatuloy lang ang pagkain hanggang sa parehas na silang nabusog.

"Can we discuss the hotels in abroad or do you want us to wait for your Kuya?"

Umiling si Katarina. "No, it's okay. We can discuss it now."

Tumango siya at inilabas niya ang tablet niya at doon ipinakita ang mga litrato ng hotels nila sa iba't ibang bansa.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRWhere stories live. Discover now