Thirty

35.4K 1.1K 186
                                    

"So kailan ang kasal niyo?" tanong ni Ailee sa pinsang si Adam.

Tumikhim ito tapos ay umakbay sa fiancé nitong si Jen na halata sa mukha ang pagkailang. "Gusto ko sana next month na pero syempre si Jen ang masusunod."

Lahat ng atensyon nila ay napunta kay Jen na napatuwid ng upo nang mapansing nakatingin silang lahat dito.

"Uhm.. hindi ko pa alam eh." mahinang sagot nito.

"Bakit hindi mo pa alam ate? Halos apat na buwan na kayong engaged ni Kuya Adam, hindi niyo pa ba napag-uusapan?" tanong ni Mella rito.

"May problema ba? Kung nahihirapan kayo sa preparations, pwede naman kami tumulong." sabi ni Vera.

Halata sa mukha ni Jen na natataranta ito. She keeps moving from her seat. Halata na naiilang ito sa atensyong ibinibigay sakanya. She looked at Adam who's busy talking to Marky. She kicked his leg lightly under the table.

She gave him a look and subtly gestured Jen hoping that he can understand what she's trying to say.

"How about your venue? May napili na ba kayo? dagdag ni Elisha sa mga tanong nakapila para sagutin ni Jen.

Umirap siya sa ere nang wala man lang ginawa si Adam at hinalikan lang sa sentido si Jen tapos ay bumalik na sa pakikipagkwentuhan kay Marky.

"Jen.." tawag niya rito. Lahat sila ay napatingin sakanya na tila ba ay tinubuan siya ng isa pang ulo sa katawan. Napailing nalang siya at tinignan ang naguguluhang ekspresyon ni Jen. "Samahan mo ko sa baba. Nakalimutan ko may dala akong cakes, pwede mo ko tulungan?" she smiled.

Naguguluhan man ang ekspresyon nito, dahan-dahan itong tumango sakanya. Hinintay niya ito sa may pintuan at batid niya na sinusundan sila ng tingin ngayon ng mga kaibigan niya.

They silently walked side by side until they reached outside. Nauna siyang maglakad sa kabilang kanto na alam niyang may bakery shop.

"Doon ang parking, 'di ba?" Jen asked her while catching up on her steps.

She smiled at Jen. "Yup. Pero dito ang bakery shop. Bibili pa ako ng cake para kapani-paniwala naman ang palusot ko." she grinned at her.

Napakurap-kurap si Jen sa sinabi niya. "Ano?" naguguluhang tanong nito.

Nang makarating sila sa bakery shop, kaagad siyang umorder ng isang chocolate cake at isang mango creme pie. Habang hinihintay ang order niya, hinarap niya si Jen na tahimik sa tabi niya at nakatingin lang sa malayo.

She cleared her throat. "Sorry about my friends. They're.. really nosy. Napansin ko kasi na naiilang ka so inaya kita."

Nakatingin lang sakanya si Jen at maya-maya ay bumuntong-hininga. "I feel like they don't like me." mahinang sambit nito.

Nagulat siya sa sinabi nito. She tapped her shoulders. "Hindi naman. They are just not used to you yet."

Nang maready na ang cakes na inorder niya. Tig-isa sila ng dala. Habang naglalakad pabalik biglang nagsalita si Jen na nagpatigil sakanya.

"Tama nga sila. Mas lamang ka nga sa'kin."

She turned to Jen and saw her smiling sadly.

"Jen.."

She smiled again and cut her off to what she's about to say. "Tama naman talaga. Ano naman ang panama ko sa nag-iisang prinsesa ng Ford Corp. Tara na, baka nagtataka na sila kung bakit ang tagal natin."

When they got back, agad na nilantakan nila ang cakes na dala nila ni Jen. Jen sat quietly beside Adam. Minsan ay kausap ito nina Marky at Calix pero sandali lang ito makikipag-usap tapos ay tatahimik at makikinig nalang.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRWhere stories live. Discover now