Twenty-five

33.4K 1K 316
                                    

"Sobrang nagulat kami kagabi nang dalhin ni Adam si Jen sa family dinner at inannounce ang engagement nila." kwento ni Ailee.

Five am palang ay nag-uber na siya papunta sa bahay ng mag-asawang Ailee at Vaughn. Naabutan niyang nagluluto si Vaughn ng almusal habang si Ailee ay inaayos ang mga gamit ng mga ito. Three days ata sila sa Bataan kaya naman isang traveling bag lang ang dala niya.

She was drinking her coffee that she bought on her way here while listening to Ailee.

"Nang sabihin niya na ikakasal na sila ni Jen, walang nagsalita siguro ng mga five seconds sa sobrang shocked namin. Si Ate Alexis nga nakanganga eh."

"Eh ano naman problema niyo sa pagpapakasal ni Adam? I mean, kung mahal naman nila ang isa't isa, I don't see any problem." she said.

Huminga ng malalim si Ailee at tinignan siya. "Eight months palang sila nagdedate, Michelle." sabi nito na ikinagulat niya.

Hindi niya alam na eight months palang sina Adam at Jen. "Oh."

"Yeah. Oh. That's why nagulat kami. Kahit na si Tito Adrian ay kinausap si Adam at sinabing bakit nagmamadali sila. Akala nga namin buntis si Jen, pero hindi naman."

She exhaled and leaned on the sofa and crossed her legs. "Hayaan niyo na sila. Maybe they just really love each other that they're already sure to spend the rest of their lives with one another."

Sinarado ni Ailee ang maleta nito at pinaningkitan siya ng mata. "You're really over my cousin. Hindi talaga ako makapaniwala."

Natawa siya. "Hindi naman pwedeng lagi nalang ako aasa na magkakabalikan kami ni Adam, ano. I want to have my own happiness also." sabi niya.

Lumabas si Vaughn at inaya na sila ni Ailee na kumain muna bago sila umalis papunta sa meeting place nila.

--

"Saan 'to?" tanong ni Michelle nang makapasok sila sa isang eksklusibong subdivision. Ang lalaki ng pagitan ng bawat bahay at wala rin siya masyadong nakikitang mga tao na naglalakad.

"Sa bahay ni Brent tayo lahat magkikita-kita. Nandoon na daw sila Riley." sagot sakanya ni Vaughn.

Napakurap-kurap siya. "May bahay pala si Brent dito. Bakit pa siya may condo?"

Nilingon siya ni Ailee. "Condo?" ulit nito tapos ay binalingan ang asawa. "May binili ba na condo si Brent?"

Vaughn shrugged his shoulders. "Hindi ko alam na may condo pala 'yon."

Nangunot ang noo niya sa sinabi ng mag-asawa. Nalipat ang atensyon niya nang tumigil ang sasakyan ni Vaughn sa harap ng isang two-storey house. Beige ang kulay ng bahay na may itim na gate. May mga naglalakihang one-way glass windows din ang bahay. It was not that big but definitely, it is not small.

Pinagbuksan siya ng pinto ni Vaughn bago umikot at pagbuksan din ng pinto ang asawa. Kinuha nito sa likod ng sasakyan ang mga bagahe nila.

Tinatanaw niya ang bahay ni Brent.

Nakatira ito dito? Ang laki pala ng bahay nito, bakit sa condo ito nagste-stay.

Nabaling ang tingin nila sa kalalabas lang na si Riley. "Tara sa loob." aya nito.

Pumasok sila at nakita sila Josie, Buwi, Lukas, Rajani at Brent sa living room. Kilala na niya ang mga ito dahil napakilala sila ni Ailee sakanya. Tanda pa niya na medyo naging close pa niya si Buwi sa mga wedding rehearsals nila Ailee at Vaughn.

Tumayo si Buwi at nag-inat. "Ayan na pala sila eh. Gogora na ba tayo? Jusko, ninth wheel pala ang beauty ko. Sayang kasi hindi nakasama ang baby ko!"

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRWhere stories live. Discover now