Three

37.7K 1.1K 106
                                    

"Will you be my girlfriend?"

Napatitig lang si Michelle kay Adam na seryoso ang mukha habang hawak hawak ang kamay niya. Kanina kasi dapat ay may klase siya sa isang subject niya kaya lang nagtext ang prof niya na walang klase dahil may emergency meeting ang faculty. Pauwi na sana siya nang makasalubong niya si Adam at inaya siya nitong mag-joy ride at napadpad sila sa Tagaytay.

Napatitig siya kay Adam. Hindi alam ang sasabihin. Oo, nanliligaw ito sakanya since second year college palang siya. Ahead ito sakanya ng one year. She had a crush on Adam simula highschool palang kaya naman sobrang kilig ang nararamdaman niya lalo na nung umamin itong may gusto ito sakanya at manliligaw daw ito sakanya.

Their parents were happy for them. Botong-boto ang Daddy niya pati na ang mga kuya niya kay Adam. Sino ba naman ang hindi papayag? Bukod sa may itsura talaga itong papasa bilang artista, masipag, matalino at focus ito sa pag-aaral. Responsable at mapagkakatiwalaan.

"Chelle.. you're making me nervous." sabi ni Adam nang hindi siya makasagot rito kaagad.

Gusto niyang matawa sa itsura nito. Halata kasing kinakabahan ito at parang natatae ang itsura nito.

"Adam.."

Huminga ng malalim si Adam. "I understand kung hindi ka pa ready. I can wait." ngiti nito sakanya.

She smiled at what he said. He looks so cute. How can she resist him if he acts this way?

"I love you and I respect your decisions. Sorry kung nabigla kita sa tanong ko. It's just that, I really want you to be mine officially."

She tilted her head to have a better look of him. Everything he does is really attractive for her. Who is she kidding? She loves this man. She thinks that it's about time to give him his chance.

She cupped his cheek. "I love you too. Yes ang sagot ko sa tanong mo. Yes, I will be your girlfriend, Adam."

Nanlaki ang mga mata ni Adam sa sinabi niya. Napaawang ang bibig nito na tila hindi malaman ang sasabihin. He looks so damn cute! Hindi na siya nakapagpigil at hinalikan niya ito ng mabilisan sa labi nito.

"Ang cute mo! Halika na, iuwi mo na ako." sabi niya rito at natatawang tumayo at nauna ng maglakad.

Hindi naman nagtagal ay humabol sa kanya si Adam at binuhat siya bigla.

"Adam! Put me down!" natatawang sabi niya rito.

"Thank you! Thank you! I love you Michelle Ford!!!"

Nakangiti siyang binaba ni Adam at unti-unting nilapit ang labi nito sakanya.

"I love you, Chelle." bulong nito bago sakupin ang labi niya.

Titig na titig lang si Michelle sa kamay ni Adam na nakahawak sa bewang ng babaeng kasama nito. Kausap ni Ailee ang pinsan at yung babaeng kasama nito.

She must be the new girlfriend.

Kinilatis niya ang babaeng kasama nito. She looks.. okay. For her. Parang wala naman special dito. Lahat ay okay lang sa appearance nito. Ano kaya ang nagustuhan ni Adam dito?

She stopped her thoughts. What is she doing? Bitter na bitter siya sa dalawa. Nakakainis. Dapat hindi ganito!

"Stop staring, Michelle."

Napalingon siya sa gilid niya at nakita doon si Elisha at ang asawa nitong si Calix. Si Elisha ang nagsalita.

"I can't help it." buntong-hininga niya.

Tinapik siya ng marahan ni Calix sa likod. "Let's go to the garden." sabi nito at hinila na siya ni Elisha palabas.

"Are you sure you're going to stay?" tanong ni Elisha nang maupo sila sa may maliit na gazebo roon.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRWhere stories live. Discover now