Seventeen

30.9K 1K 157
                                    

Napahawak si Michelle sa kanyang ulo nang magising siya. Medyo masakit iyon. Napapikit siya ulit nang medyo umalon ang tingin niya sa paligid. Napa-ungol siya at humiga nalang ulit. Inabot niya ang kanyang phone sa side table at nakitang nine na pala ng umaga. She groaned. Late na siya nagising, medyo gutom na rin siya kaya naman pinilit niya ang sariling makatayo upang maligo. Baka sakaling magising ng tuluyan ang diwa niya kapag nakaligo na siya.

Thirty minutes lang ang ginugol niya sa pagligo at pagbihis. Basta nalang siya kumuha sa maleta niya ng damit niya. Isang black na lacy romper ang isinuot niya. She tied her hair into a messy bun. Hindi na siya nag-ayos pa ng mukha dahil tinatamad siya at nagugutom na rin siya. She put on her slippers, got her phone and wallet and went down to the restaurant to eat.

She stacked her plate with food. Sa labas siya pumwesto dahil crowded na ang loob. Isa pa, nahihilo siya sa loob dahil sa aircon, baka kailangan niya ng sariwang hangin.

She prayed silently before eating. Sunod-sunod ang subo niya sa sausages, eggs at bread na kinuha niya. Sunod ay nilantakan niya ang oatmeal na kinuha rin niya. Grabe, ganito ba talaga kapag nalasing? Gutom na gutom kinabukasan?

"Finally, you're awake."

Napalingon siya sa kanyang gilid nang may biglang nagsalita. Nakita niya si Brent doon. Blue shirt, black shorts at running shoes ang get-up nito. May hawak din itong bote ng tubig, may towel na nakasampay sa leeg nito. His phone is strapped on his right arm.

"You went jogging?" she asked what is obvious.

Hingal na tumango ito at naupo sa harapan niya. Kinuha nito ang tinidor niya at humiwa sa pancakes na kinuha niya rin.

"You hate pancakes. Bakit kumuha ka?" tanong nito habang nginunguya ang pancakes niya.

Tinaasan niya ito ng kilay at inagaw mula sa kamay nito ang tinidor niya. "I don't hate pancakes, okay? Tsaka gutom ako, kumuha ka ng iyo."

Napangisi si Brent. "Why are you so grumpy? I'm just teasing you. Remind me not to mess with you when you're hungry,  have a serious hang-over and when you're heartbroken."

She immediately glared at Brent. "Alam mo minsan gusto ko na seryoso ka nalang talaga."

Brent shrugged his shoulders. "I'm just making you comfortable with me." He said then sighed. "I can be a friend too, you know."

Ngumuso siya at hindi niya mapigilang mapangiti sa asal nito. She pushed her plate of pancakes to him. "Arte. Sige na, alam ko naman na mahilig ka sa pancakes. You can have them. Ito ang butter." sabi niya at inilapit din dito ang butter.

Hindi ngumiti si Brent pero nakita niya sa mga mata nito na nagustuhan nito ang ginawa niya. He took the knife and spread the whole butter on his pancakes then he ate them with gusto.

She was sipping her oranger juice when Brent finished eating. "Ano'ng oras ka nagising?"

"Seven."

She looked at him. "Wala kang hang-over?!"

Natawa sakanya si Brent. "Michelle, hindi naman ako lasing kagabi. Wala pa nga naging tama ang mga nainom ko kagabi."

She scoffed. "Yabang."

Brent laughed again. "You asked, I answered honestly. I don't sugarcoat my words." ngiting sagot nito.

May tumawag dito kaya naman nanahimik muna siya. Mukhang si Crisha ata ang kausap nito dahil narinig niya ang pangalan ng kapatid nito. Nang matapos itong makipag-usap ay binalingan siya ni Brent.

"What do you want to do today?" tanong nito sakanya.

"Hindi ba magtu-tour tayo sa city proper? Iyon iyong nakalagay sa itinenary na ginawa ni Crisha." sabi niya rito.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon