Twenty

31.7K 1K 259
                                    

Napatakip ng tenga si Michelle sa lakas ng tili ni Ailee at Mella nang naisipan nilang magkita-kitang mga babae sa pâtisserie ni Vera na Le Plaisir. Kauuwi lang nila ni Brent kahapon. Inihatid lang siya nito sa condo tower niya tapos ay umuwi na rin ito. Plano sana niyang matulog maghapon dahil sa pagod nang bulahawin siya ng sunod-sunod na pagtawag ni Ailee kaya heto siya at nadala nila sa may BGC.

"OMG! I love your tan!" sabi ni Ailee sa pinakamatinis na boses nito. Kinuha ni Ailee ang magkabilang braso niya at tinignan ang kutis niya.

She heard her gasped and looked at her with wide eyes. Marahil ay nakita na nito ang tattoo niya.

"You got tats!! Oh. My. God. You have tats!"

Nagsilapitan naman sakanila sina Elisha, Mella at Vera at tinignan ang tattoo niya.

"Cool! This is so dope!" sabi sakanya ni Mella.

"Ang ganda, Ate." sabi naman ni Vera.

"Alam ba 'to nila Tita Mitch?" Elisha asked.

Ngumisi siya at. Hindi pa kasi siya nagpapakita sa parents at mga kuya niya pero nagsend siya ng picture niya na sinigurado niyang kitang-kita ang tattoo niya.

"Yeah. Baka ito na ang huli nating pagkikita at baka ikulong na ako ni Mommy sa bahay nila." biro niya sa mga ito.

Napailing nalang sakanya sina Elisha at Vera. Si Mella ay tinitignan pa rin ang tattoo niya. Si Ailee naman ay inggit na inggit pa rin sa tan niya.

Tinawag sila ni Vera na umakyat na sa second floor para makapag-usap sila ng maayos. Nakita niya roon na may nakahanda ng mga cupcakes and slices of cakes. May iced coffees na rin doon.

She immediately endulged herself for some sweets. Ang sarap naman kasi talaga kapag si Vera ang gumagawa ng mga pastries. Hindi nakakaumay.

"We saw your vlogs. Ang gaganda ng mga kuha. Mas pinaganda pa dahil sa editing." pagbubukas ng usapan ni Elisha.

"Hm!" Mella nodded while chewing her cake and when her mouth is free to speak, she expressed her opinion. "Kaiinggit ka ate! Goals iyong ginawa niyo ng boyfriend mo! Hashtag life goals! Hashtag relationship goals!"

Napansin niya na mabilis siyang nilingon ni Ailee at Elisha tapos ay pinaningkitan ng mga mata. Natawa nalang siya nang mahulaan kung ano ang iniisip ng mga ito ngayon.

"Kayo ni Brent?" nakataas ang kilay ni Ailee nang itanong nito sakanya iyon.

She laughed and waved her hand dismissively. "Joker ka. Hindi! Magkaibigan lang kami." sabi niya tapos ay binalingan si Mella. "Ikaw bata ka, saan mo naman nakuha iyang hashtag hashtag mo?"

Ngumuso si Mella at nagkakalikot sa phone tapos ay ipinakita sa kanya ang isang site na nagpopost ng mga trending news.

"Trending kaya kayo! Perfect couple raw kayo. Ang sweet sweet niyo raw sa mga vlogs na ginawa niyo. Para raw kayong honeymooners."

Tinignan niya ang sinasabi nitong article. Sumiksik sa tabi niya si Ailee para makibasa. She scrolled down and saw some comments from different people.

So sweet! Can I have a life like theirs?

Where can I get a boyfriend like that?

#RelationshipGoals #LifeGoals

Edi sila na! Ginalingan eh!

Wala talagang patas sa mundo! Bakit?! Bakit ang perfect nila?!

There were so many comments that just left her speechless. All along, akala ng mga ito na mag-boyfriend sila ni Brent? Natawa siya at nailing. Bahala sila kung ano ang gustong isipin ng mga ito. Basta magkaibigan lang naman sila ni Brent, isa pa, may kailangan pa siyang gawin.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRWhere stories live. Discover now