Thirty-six

35.2K 1.1K 106
                                    

Lakad-takbo na ang ginagawa ni Michelle  sa hallway ng ospital kung saan patungo siya sa emergency room. Kanina nang matanggap niya ang tawag ni Ailee kaagad siyang nagpunta sa ospital kung saan isinugod si Adam.

"Michelle!"

Nilingon niya ang tumawag sakanya na si Calix na nasa likod lang pala niya. Kasunod nito si Elisha at Calvin.

"W-What happened?" she asked him.
"Hindi ko pa alam." sagot nito.

Sabay-sabay na silang nagtungo sa emergency room. Doon, nakita nila sina Ailee at Vaughn. Si Tita Alex na siyang ina ni Adam ay umiiyak sa dibdib ng asawa nito. Ate Alexis and Tita Adie are sitting on the bench while holding a rosary. Tito Marco is on his phone, talking to someone while Marky is just quiet beside his Dad.

Mabilis nilang nilapitan ang mag-anak. Ailee saw them and immediately, she gave her a hug. "Ano'ng nangyari?" tanong niya rito.

Umiling-iling ito habang umiiyak. "I'm so scared that we might lose him!"

"Ssh. Calm down, Ails. Buntis ka." paalala ni Elisha habang hinihimas ang likod nito.
Lumpait sakanila si Marky. "Adam was drunk and overspeeding along the highway. Hindi niya nakita ang red light kaya nabangga ito ng truck."

Naguluhan siya sa kinwento ni Marky. Kahit sila Calix ay hindi maintindihan.
"Why is he drunk?" tanong ni Calvin.

Bumuga ng hininga si Marky. "Jen."

"What about Jen?" Calix asked.

"Jen called off the wedding! We were with Adam when she called and called off the wedding. Adam tried to contact her pero cannot be reached na." pagtutuloy ni Ailee.

Hindi sila nakapagsalita. Nalulungkot siya sa sitwasyon nina Adam at Jen. Siguro ay napagod na rin si Jen kaya nagawa nitong umatras sa kasal.

Parehas na nakakaawa ang sitwasyon na kung sana ay napag-usapan lang sana ng maayos ay hindi na hahantong pa sa ganitong pangyayari.

Pero huli na para magsisi. Nangyari na. All they can do is to pray for Adam. Pray to God to give him another chance to live his life.

Please, God. Adam is a good man. He may have made mistakes, but I know that he is a good person. Please save him. Please.

--
"Michelle, are you okay?"

Nilingon ni Michelle si Brent na nasa tabi niya. They're inside Adam's room. Last week, naaksidente ito. They waited at least six hours for the operation to be finished and the doctor said that he had a lot of broken bones, cuts from the glass of his car's windows and lost a lot of blood.

He was moved in an ICU because he was still unconscious. The doctors monitored him everyday. Hinintay nilang lahat magising ito pero dumaan ang isa hanggang sa tatlong araw, hindi ito nagising kaya naman nag-run pa ng karagdagan examinations kay Adam.

"I'm sorry to say but the patient is in a state of coma. Because of the blow on his head, it resulted in a traumatic brain injury."

Sobrang nanlumo silang lahat ng sabihin iyon ng doctor sa kanila. Nahimatay si Tita Alex at nag-iyakan silang lahat. How did Adam end up to this?

When Brent got home, she cried on his shoulders. Kinabukasan ay kaagad itong sumama sakanya para bumisita kay Adam kasama ng mga kuya niya. She's thankful for Brent that he understands her. He always checks up on her askinh if she's doing okay or kung kumain na ba siya.

Two weeks had passed and Adam is still unconscious. They tried contacting Jen pero unattended pa rin ito. Pinuntahan na rin nina Marky ang pamilya nito sa probinsya pero maging ang mga ito ay hindi alam kung nasaan si Jen.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon