Forty

45.9K 1.3K 177
                                    

"Where are you?" hingal na tanong ni Michelle nang sagutin niya ang tawag ni Brent sakanya.

"Brent, Brent?"

Mahinang napamura siya nang mamatay ang tawag nito dahil sa kawalan ng signal ng kanyang phone. Nawawala na nga ata siya. Kanina pa siya paikot-ikot sa market sa kakahanap kay Brent. They are currently in Finland to celebrate their first anniversary.

She remembered that he actually kidnapped her from her office and brought her ass inside the airport.

"What about my stuff?" tanong niya kay Brent nang ipirmi siya nito sa kanyang upuan.

"Already taken care off." he answered and sat beside her. Kinuha nito sa backpack nito ang passport at ticket niya. Yep, he has her passport and she has no idea how did he got it. Malamang ay nakipagkuntyabahan sa mga kaibigan niya o kaya sa sekretarya niyang si Renee.

Nanlaki ang mga mata niya nang mabasa ang lugar kung saan sila pupunta.

"Finland?!" she exclaimed. Napatingin sakanila ang ilang pasahero kaya naman ay inulit niya ang sinabi pero pabulong na iyon. "Finland?!"

Brent smiled and gave her a kiss on her cheek. "Yes po. Finland."

Napakurap-kurap siya habang tinitignan ang ticket niya. It has her name on it so she's sure na sakanya nga iyon. As usual, Brent never fails to surprise her.

Isang oras pa silang naghintay nang tawagin na ang flight nila going to Helsinki. It was a thirteen hour flight.

They arrived at Helsinki's airport at eight in the evening.

"We'll wait for another hour for our flight to Lapland." sabi sakanya nito.

Dahil sa sobrang antok niya, tumango nalang siya rito at sinandal ang ulo sa balikat nito. Isang oras din siya ulit nakatulog nang gisingin na siya ni Brent dahil tinatawag na ang flight nila papuntang Lapland kung saan sila magste-stay.

The flight from Helsinki to Lapland took about one and a half hour. Brent already booked them a rental car, a guide and a driver. Sila ang sumundo sakanila at dinala sa isang lodge house kung saan sila tutuloy sa stay nila sa Lapland.

Sa sobrang pagod at jetlag ay hindi na sila nakakain ng dinner pareho ni Brent at natulog na lamang kaya naman nang paggising nila ng seven ng umaga, nagwawala ang mga tiyan nila at medyo nanginginig dahil sa lamig.

"Here. I bought us some winter clothes." Brent said. He gave her a thick winter jacket that made her feel warm.

Sabay silang kumain ng kanilang almusal na dala ng attendee ng lodge house tapos ay sabay din silang bumaba at sinalubong sila ng Filipino guide nila at ng driver.

Una nilang pinuntahan ay ang Riisitunturi National Park sa Posio na kilala para kanilang mga crown snow trees. Inilabas ni Brent ang kaniyang camers na nakalagay sa selfie stick at itinapat sa kanilang paligid para kunan ng video. Simula nang mag-viral ang mga vlogs nila, naisip nila ni Brent na gumawa ng sariling Youtube channel at doon i-upload ang mga iba't-ibang klase ng mga vlogs na ginawa nila. Be it travel vlogs, food vlogs or just simple vlogs about their lives.

After doon ay sunod silang pumunta sa Levi. Isang ski resort sa Kittilä. Brent was an expert in snow boarding while she is a newbie in skiing or any kinds of snow rides like this. She tried skiing when they went to Korea but that was a long time ago. Umungklo si Brent sa harapan niya at ito ang nagsuot sakanya ng skis.

Hinawakan nito ang magkabilang kamay niya at inalalayan siya dumausdos sa snow.

"I can do it now." sabi niya nang makuha na niya ang tamang posture at balanse.
Brent slowly let go of her hands and gave her the two sticks (which she don't know what they are called) that are used in skiing. She went down the small hill and enjoyed herself. The cold breeze did not affect her because she is having fun.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon