Thirty-three

38.8K 1.2K 152
                                    

Dedicated to kimkiriring :)

----

Becoming Brent's girlfriend felt so surreal. Sa araw-araw nilang magkasama para ba skiyang nananaginip at lumulutang sa ere sa sobrang kasiyahang nararamdaman niya. She just have to pinch her cheek every morning after she wakes up just to prove herself that she was not dreaming and it's really happening.

The day she said yes to be his girlfriend,  which was a month ago, is one of the days she will never regret. Iyong mga pinapakita at pinaparamdam sakanya ni Brent nung hindi pa sila ay ganoong-ganoon pa rin at hindi nagbago nang maging opisyal sila. Sobra-sobra pa nga ang dinagdag nito. Pakiramdam niya ay talagang iniispoil siya nito tulad nalang nung unang linggo nilang magkasintahan.

"What's this?" gulat na gulat niyang tanong habang hawak-hawak ang isang box na may tatak na 'Gucci'.

"Nadaanan ko kasi iyong store tapos may nakita akong relo na alam ko na babagay sa'yo kaya binili ko." he casually answered na para ba na piso lang ang halaga ng sinasabi nito.

Nagbukas-sara ang bibig niya. Hindi niya kasi alam kung ano ang sasabihin dito. "Brent.. ang mahal nito. Ang dami ko namang mga relo. You don't have to buy me this." sabi niya at pilit na ibinabalik ang box dito.

Brent enclosed his hand on hers preventing her to give it back to him. Then he stole a kiss from her. "Please, accept it. I really want to give it to you."

Huminga siya ng malalim at sa huli ay pinagbigyan na ito. "Fine. Pero last na 'to. I don't need these fancy stuffs. Okay?"

Brent smiled and kissed her forehead. "Yes po." malambing na sagot nito.

Akala niya nagkaintindihan na sila nun ni Brent pero dalawang araw pagkatapos nun ay may niregalo naman ito sakanya na limited edition na librong gustong-gusto niya. Although, it was not that expensive unlike the Gucci watch, but still.. she can afford it naman eh. Ayaw niya lang na masyado siyang pinagkakagastusan ni Brent to think na isang linggo palang sila.

"Brent naman eh! Akala ko ba no more gifts?" she whined at him nang mapag-isa na sila sa bahay nito. Kanina kasi ay hindi niya ito mapagalitan dahil nasa harap sila ng parents nila. Their parents planned a dinner for them to gather and have some time to chat and know each other more. Kilig na kilig pa nga sina Tita Brenda at ang mommy niya nang ibigay sakanya ni Brent ang regalo habang siya ay pasimpleng iniismiran si Brent.

"It's not that expensive. Isa pa, I know you love that book. Kaya pinahanap ko kaagad tsaka binili. It was the last piece so I have to get it for you." paliwanag nito.

Dahan-dahan niyang nilapag sa side table ang libro at nilapitan si Brent. He was standing there, parang nasaktan niya ata ito kasi halata sa asul nitong mata na parang na-disappoint ito.

Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at pinanatili ang mga mata sa dibdib nito dahil natatakot siyang makita ang sakit sa mata nito.

"Why can't you just accept my gifts?" he sighed and rested his hands on both sides of her waist. Yumuko ito at alam niyang pilit na sinasalubong nito ang titig niya.

"I just don't like you spoiling me too much. I don't need these expensive gifts, Brent. Sabi ko naman sa'yo na hindi ako nadadaan sa mga materyal na bagay. It's okay to give me gifts pero iyong inaaraw-araw mo? Don't you think it's too much?" mahinang sambit niya rito.

Matagal na nanahimik si Brent. Nanatili lang itong nakatayo sa harap niya at nakahawak ang magkabilang kamay sa bewang niya. Naluluha na siya dahil ayaw naman niya na pag-awayan nila 'to ni Brent. She was just about to speak when he tilted her chin up to look at him.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRWhere stories live. Discover now