Chapter6: APOY AT KIDLAT

Magsimula sa umpisa
                                    

Haay! Nasaan na iyon? Saan ko siya hahanapin? Andrea, why do you bother? Why do you care? tanong ni Andrea sa sarili. Kahit siya di niya malaman ang totoo at eksaktong sagot. Pero isa lang ang malinaw, sa mga panahon na ito, kailangan ni Steve ng kaibigan.

Biglang nangilabot si Andrea.

Tanghaling tapat pero may bukod tanging naka-suot ng damit at belong itim. Isang matandang babae. Nakalutang sa ere!

"Ang black lady!"

Hindi alam ni Andrea kung matatakot ba siya o magpapasalamat sa multo dahil alam niya na kung saan ito papunta ay nandoon si Steve.

Sinundan niya ito.

Lumutang ito sa ibabaw ng swimming pool na katabi lamang ng Club House. Ang ilang estudyante sa tubig ay nagtaka sa kakaibang panginginig at pangingilabot na saglit nilang naramdaman.

Dumiretsyo ito sa likod ng shower rooms.

May isang estatwa ng dyosa na nakita si Andrea. Si Laminganon, ang dyosa ng Nyebe at Yelo. Nais pa sana niyang pagmasdan ang itsura ng magandang dyosa pero sa mga panahon na ito, mas mahalaga na makita niya muna si Steve.

Tumigil ang naka-itim na babae sa may puno ng Balete sa likod ng shower rooms.

Nilahad ng multo ang kanyang maputlang-maputla na buto't balat na kamay upang abutin sana ang balikat na nakasandal na si Steve sa Balete. Nakaharap siya sa pader.

Nasa kaliwang sulok na sila ng school grounds ng Owkward Academy. Walang pumuounta o tumatambay sa parteng ito dahil sa usap-usapang may nakatirang kapre sa puno ng Balete. Ang kapre daw ay mahilig manilip sa may girls' shower room kaya naman saradong-sarado ang mga bintana na katapat dito.

"Steve!" tawag pansin ni Andrea.

Natigilan ang itim na babae at bigla itong lumingon...

"AAHHHHH!" malakas na sigaw ni Andrea nang sa wakas ay makita ang mukha ng multo!

Purong puti ang balat sa mukha at tanging mga butas lamang kung saan nakalagay dapat ang mga mata, ilong at bibig nito! Isang kalansay na mukha!

"Anong ginagawa mo dito?!" galit na tanong ni Steve.

Napagtanto na lang ni Andrea na tumayo na pala si Steve mula sa kinauupuan at ngayon ay kaharap na niya.

Saglit siyang natulala. Hindi pa siya lubusang nahimasmasan sa pagkagulat at takot.

"Um..." ang tanging niyang nasagot.

"Umalis ka na dito! Di ko kailangan ng iyong awa!" sabi ni Steve.

"Sinong nagsabi na naaawa ako sa iyo." sa wakas ay nakapagsalita na si Andrea at may pagtangging sagot.

May naaamoy siya.

"Anong nasa kabila mong kamay?" tanong ni Andrea.

"Wala kang PAKIALAM! Umalis ka na sabi, eh! Umalis ka na!"

Dali-daling hinila ni Andrea ang kanang kamay ni Steve na may tinatago sa kanyang likod.

Kilala niya ang amoy na ito. Ito ang amoy na kinaiinisan din niya sa kanyang Papa Rogelio.

"Sigarilyo!" mabilis na kinuha ni Andrea ang isang stick mula sa pagkakaipit sa mga daliri ni Steve at tinapakan. "NANINIGARILYO KA?!"

"Eh ano ngayon. Ang ayaw ko sa lahat ay pakilamera!"

"Bawal manigarilyo sa school! Bawal sa atin yan! Masama sa baga!" giit ni Andrea.

"Haha!" natawa naman si Steve. "Bawal? Eh, gradeschool pa lang ako naninigarilyo na ako. Andrea, taga ibang mundo ka ba? At tsaka, hindi na tayo, bata, oy! Haha!"

Elemento ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon