Chapter 43.

1.6K 28 0
                                    

Date Published: July 23, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 43.

THIRD PERSON'S POV

Damn. What now? If dad finds out about this, he'll be mad at us again. Saad ni Riel sa isip niya at napabuntong hininga.

"What's the plan?" Bulong ni Riel. "Just wait for it." Nakangising saad ni Craide na ipinagtaka ni Riel.

"Masaya akong makita ka ulit, Riel." Nakangiting saad ni Lady. "Akalain mo 'yon, nagpasindak ka sa threat ko dati kaya mo hiniwalayan ang anak ng Amorous." Dugtong pa nito.

"No one needs our fucking opinion, bitch." Sagot naman ni Riel. "Stop being so desperate 'cause you can't kill my wife." Dugtong niya pa.

"Pogi ka sana eh kaso nga lang wala kang taste sa mga babae." Sabi ni Lady habang iniikot niya ang buhok niya sa index finger niya.

"Who cares about that anyway? Nothing will change though. If I'm not in love with Rebecca that means, I'm not in love with you." Komento ni Riel.

Nakaramdam naman ng inis si Lady dahil doon. "Maraming nagkakagusto sa'kin, for you information!" Sigaw ni Lady.

"Huh? Did I said that no one likes you?" Tanong naman pabalik ni Riel na ikinatawa nila Craide.

"Yes. Blade, good job." Pumapalakpak na saad ni Craide. "I don't know if I'm going to be happy or not." Komento naman ni Bladerina.

"That's my little brother." Proud na saad naman ni Blazen. "But then again, poor her." Komento pa ni Blazen kay Lady.

~~~~

Nandito si Rebecca sa playground at binabaril ang mga nakikita niyang kalaban. Nang may humawak sa kaniya ay agad niyang hinawakan ang kamay nito at humarap sa taong 'yon.

"Gino. Ikaw pala." Sabi ni Rebecca at binitiwan na niya ang kamay nito. "Alam ko po kung nasaan sila ngayon." Sabi ni Gino.

"Dalhin mo ko sa kanila ngayon din. Dapat nang tapusin 'to." Sagot ni Rebecca at tumango si Gino sa kaniya.

Sumunod na si Rebecca kay Gino at pumunta na sa training room. Nakita nilang maraming kalaban ang nandoon at nandoon din si Lady.

"Si Lady." Mariing saad ni Rebecca. Magpapakita na sana siya nang agad siyang pinigilan ni Gino.

"Wait. May plano po kami, miss." Tumango si Rebecca at hinintay na ang plano na ginawa nila kanina.

~ 1 HOUR AGO ~

Pagkadating nila Blazen ay agad silang pumasok sa loob at napatingin sa paligid. Binaril nila 'yong mga kalaban na nakita nila.

"Buti na lang at nandito na po kayo." Napalingon silang tatlo at nakita nila Hirofumi. Binuksan nila ang pintuan at agad silang pumasok doon.

Pagkapasok ay agad na nagsalita si Atsuya. "May plano po kami." Paninimula nito at napatingin sa paligid.

"Kayo po ang gagamitin naming bait para sa kanila. Pumunta sila Lady at ang karamihan ng tauhan niya sa training room." Dugtong nito.

"Sa training room ay may zero gravity para sa mga armas." Sabi naman ni Hibiki. "Ia-activate nila Arin 'yon at doon niyo po sila atakihin." Dugtong niya.

"Ito ang gamitin niyong armas para hindi masama sa zero gravity ang mga armas niyo." Binigay na ni Revy ang mga handgun na ginawa niya.

"After that, we'll kill them?" Tumango silang lahat sa kanila. "Kami na ang bahala sa mga kalaban na nasa labas pa rin." Sabi ni Robin.

"Lilinisin lang namin 'yong dadaanan nila Rebecca para makapunta agad sila sa pwesto niyo." Sabi naman ni Court.

"Si kuya Gino na ang bahalang gumabay kay ate Rebecca para malaman niyang plano at makapunta sa training room." Sabi ni Ramone.

"Naiintidihan ko po." Tumango si Gino. "Kami na ang bahalang gumabay sa inyo mula sa camera room at sa zero gravity." Sabi ni Arin.

"We understand that. We trust you." Sagot ni Craide at aalis na sana sila nang agad silang pinigilan ni Revy.

"Saglit." May inabot na communication device si Revy at kinuha naman nila 'yon. "Para masabihan kayo kapag may nangyari o may napansin sila Arin mula sa mga camera." Tumango si Craide.

Lumabas na silang lahat agad mula sa meeting room at pumunta na sa kani-kanilang pwesto para gawin na ang plano.

~ PRESENT TIME ~

Nang narinig na ni Rebecca ang tungkol sa plano nila ay hinintay na niya ang signal nila Arin mula sa communication device ni Gino.

"Patayin na sila ngayon din! Mga walang galang sa mas nakakataas sa kanila!" Utos ni Lady at babarilin na sana ng mga tauhan niya sila Blazen nang biglang...

May humawak sa balikat ni Rebecca. Napalingon siya sa direksyon ng taong humawak sa kaniya at agad niyang nakilala ito.

~~~~

Lumipad na sa ere ang mga hawak nilang armas pwera lang kanila Blazen. Sa lugar lang nila Lady ang in-activate nila Arin na zero gravity kaya hindi naapektuhan si Riel doon.

"Woah. That's so cool. I wish Ashworth has this kind of training room too." Komento ni Riel at napatingin sa mga nakalutang na baril.

"That's my wish too, little brother. I think, I should tell dad about this though." Sagot naman ni Blazen at napatango si Bladerina.

"Anong meron?! Anong ibig sabihin nito?!" Galit na tanong ni Lady. Binaril na nila Blazen ang mga tauhan ni Lady at 'yon din ang ginawa nila Gino at Rebecca.

"Nandito kami!" Sabi ni Rebecca at lumapit sa pwesto ng apat. Pinagbabaril na nila ang lahat ng mga kalaban na nasa harap nila.

"Ang dami nila ah. Hindi kaya tayo maubusan ng bala dito?" Takang tanong ni Rebecca sa lahat.

"Don't worry, miss. May plano po kami diyan." Rinig na saad ni Rebecca mula sa communication device na na kay Craide.

May lumabas na mga baril mula sa pader at nakatutok ito sa mga kalaban. Nagsimula na itong bumaril at nasa kalahit na agad ang mga napapatay nilang kalaban.

May mga tumatakbo at tumatakas nang mga kalaban kaya naman naglagay na sila ng harang upang walang makatakas kahit na isa sa kanila.

"'Wag munang patayin si Lady. Kakausapin ko pa siya." Sabi ni Rebecca at hinayaan na muna nilang mabuhay si Lady.

Nang si Lady na lang ang natitirang kalaban na nakatayo sa harap nila ay agad na binaba ni Rebecca ang hawak niyang baril.

"Gusto mong makaganti kanila mommy dahil sa pinatay nila ang mga magulang mo." Paninimula ni Rebecca.

"Sa totoo lang, wala akong alam tungkol doon kaya nagulat ako nang nalaman kong ako ang target mo." Dugtong niya.

"Hindi ko rin nagustuhan ang ginawa mong paninira sa relasyon namin noon ni Riel kaya hindi kita mapapatawad."

"Pero mas maganda ata kung siya mismo ang papatay sa'yo bilang ganti dahil sa sinaktan mo ang dalawa mula sa mga anak niya." Napalingon ang lahat at nakita nila si Beryl.

Naglalakad ito palapit sa pwesto ni Lady at tumigil sa harap mismo niya. Seryosong nakatingin si Beryl kay Lady at hinawakan niya agad ito sa leeg.

Iniangat niya si Lady habang mahigpit ang pagkakahawak nito sa leeg niya. Sinubukang makawala ni Lady pero hindi niya magawa.

"Para sa mga anak ko na sinaktan mong bata ka." Mariing saad ni Beryl. "At ito naman para sa pagsira mo sa buhay ng mga anak ko." Mariing saad niya ulit at ibinalibag niya si Lady sa sahig.

"Argh!" Daing ni Lady nang tumama ang katawan niya sa sahig. "Ikaw na ang bahala sa kaniya, Becca." Naglakad palapit si Rebecca sa pwesto ni Lady.

"Para 'to sa pagsira mo sa'min ni Riel noon." Binaril na niya sa ulo si Lady at naglakad na pabalik sa pwesto nila Riel.

•••• END OF CHAPTER 43. ••••

Dangerous Love (Ashworth Series #2)Where stories live. Discover now