Chapter 39.

1.4K 39 0
                                    

Date Published: July 6, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 39.

REBECCA'S POV

Pumunta ako sa bahay nila Valerie dahil gusto ko siyang kamustahin. Kasama ko sila Keath at Heikt para naman makilala nila ang tita nila.

Pinindot ko na 'yong doorbell at agad itong binuksan ng isang tauhan na nasa org ni Valerie. Nginitian ko siya at agad niya kong nakilala.

"Miss Rebecca, kayo po pala. Pasok po kayo." Pumasok kaming tatlo at doon ko lang nakita na maraming bantay ang nandito ngayon.

Pumasok kami sa loob at agad kong nakita sila Asher at may dalawang bata na nandoon at nakikipaglaro sa kaniya.

"Hello." Bati ko. Napatingin sila sa'kin at ngumiti si Asher. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at pinaupo ako sa sofa.

"Mga anak namin ni Val. Sila Valer at Ashrie." Pagpakilala niya sa'min sa dalawang bata. Nginitian ko siya at kinawayan.

(Note. Vey-ler po ang pronounciation ng Valer.)

Kinawayan din nila ako pabalik pero halatang nahihiya sila sa'kin. "Hi. I'm Rebecca. Tita niyo." Nakangiting saad ko naman.

"Hi. I'm Heikt." Pakilala din ni Heikt. "I'm Keath." Sabi din ni Keath. "Let's play." Pag-aaya ni Valer at sumunod na sa kaniya ang mga bata.

"Pwede bang makausap si Val? Gusto ko lang sana siyang kamustahin." Tumango siya at tumayo.

"Tawagin ko lang siya." Ngumiti ako at naglakad na siya paalis. Maya-maya lang ay may dumating na katulong at naglapag ng juice sa lamesa.

"Salamat." Nakangiting saad ko at nginitian niya din ako. Naglakad na siya paalis at ininom ko 'yong juice. Nilapag ko na ulit 'yon sa lamesa.

Kinuha ko 'yong phone ko mula sa bulsa at nabasa ko 'yong text ni Riel sa'kin. Napabuntong hininga ako nang nabasa ko 'yon.

I'll be late tonight. I'm so sorry, babe. I'll make it up to you soon.

Sabi niya sa text niya. Napa-iling na lang ako at inintindi na lang siya dahil baka kailangan talaga siya doon kaya hayaan ko na lang siya.

"Ate..." Napatingin ako kay Val at ngumiti. Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik dahil sa'ming magpi-pinsan ay sa kaniya ako mas close.

"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong ko. Napahawak siya sa bandang tiyan niya at huminga ng malalim.

"Ayos lang naman at ligtas si baby pero wala pa rin ako masyadong naalala except sa'yo, ate." Sagot niya.

"Bakit hindi kayo bumisita sa bahay, Val? Baka sakaling may maalala ka kapag bumisita ka sa bahay." Suhestyon ko.

"Isama mo si Asher at ang mga bata. Nag-aalala at nangungulila sila tita sa'yo." Dugtong ko.

"Saka baka matulungan din nila kayo sa problema niya ngayon. Baka meron silang paraan para maka-alala ka." Sabi ko pa.

"Hubby? Punta tayo. Gusto talaga kitang protektahan mula sa lahat." Tumayo si Val at niyakap si Asher.

"Ang tanong, tanggap ba ko ng mga magulang mo? Alam mo namang natatakot ako sa pamilya mo dahil baka hindi nila ako gusto para sa'yo." Sagot naman ni Asher.

Sa bagay, hindi magtitiwala ang mga Aldous hangga't alam nilang hindi mo kaibigan ang mga Arcana. Hindi ko alam kung ano meron pero obsess ang pamilya ko sa mga Arcana.

"Akong bahala sa'yo, hubby. Pagtatanggol kita mula sa kanila. Saka wala na rin naman sila magagawa kundi ang pumayag dahil may pamilya na tayo." Sagot ni Val.

"Tawagan niyo ko kung may problema. Tulungan ko kayo kanila tita." Pagsingit ko naman.

"Fine. Sige. Punta tayo bukas, wife. Basta 'wag kang pupunta kahit saan ah. Dito ka lang." Tumango si Val at hinalikan niya si Asher sa labi.

Inabot ko kay Ash 'yong address at kinuha naman niya 'yon. Niyakap niya ulit ng mahigpit si Val at natuwa ako doon.

Nakikita ko talagang mahal niya si Val at mahalaga siya sa kaniya. As long as masaya si Val doon ako sa kasiyahan niya.

Si Asher din ang nag-alaga sa kaniya within four years kaya alam kong nagpakahirap siyang alagaan siya most especially that may amnesia si Val.

"Una na ko." Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko. "Agad? Stay ka muna dito." Sabi ni Val at kaya naman tumango ako.

"Sige na nga. Wala rin naman akong gagawin sa ngayon eh." Natawa ako ng mahina at umupo ulit sa sofa at nakitapag-usap sa kanila.

~ 9 PM ~

Naka-uwi na kami nila Keath at agad kong nakita si Riellierre na naka-upo sa sofa na para bang may hinihintay.

Agad na tumakbo sila Heikt sa kuya nila at niyakap siya. Tumabi silang dalawa kay Riellierre at nakipag-kwentuhan na.

Lalapit na sana ako kay Riellierre nang may humawak sa pulsuhan ko at nakita ko si Riel na masamang nakatingin sa'kin.

"B-bakit ganiyan ka makatingin sa'kin?" Kabadong tanong ko. Hinila niya ko papasok sa isang kwarto at 'yon 'yung kwarto na laging naka-lock.

Pagkapasok namin doon ay nakapatay ang mga ilaw at narinig kong ni-lock niya ang pintuan.

"R-Riel? Anong ginagawa natin dito? Saka anong kwarto 'to?" Kabadong tanong ko sa kaniya. Parang parusa ako sa kaniya ah.

"Why are you late? Where did you go?" Malamig niyang tanong. "Kanila Val. Binisita ko lang siya." Sagot ko.

"Nag-enjoy kasi ako sa pakikipag-usap sa kanila kaya nawala ako sa oras eh." Dugtong ko pa.

"I'm worried about you and the kids. I thought something happened to you. You didn't even texted me." Napalunok ako.

"Little child, you're really in trouble right now." Tumaas ang mga buhok ko sa katawan nang dahil sa tono ng pananalita niya.

"Strip in front of me. Even if it's dark, I can still see you." Bulong niya. Ginawa ko 'yung sinabi niya at naghubad. Pagkatapos kong maghubad ay hinintay ko ang susunod niyang gagawin o sasabihin.

Nagulat ako nang naramdaman kong may malamig na bagay na nasa pulsuhan ko at nasa likod ko na si Riel. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa gagawin namin ngayon.

"Waah!" Binuhat niya ko ng walang pasabi at pinahiga sa isang kama. Itinaas niya sa ulo ko ang mga kamay ko.

Sinubukan kong ibaba pero hindi ko magawa. Parang kinabit niya 'yung kung ano man ang nasa pulsuhan ko sa hinihigaan ko ngayon.

"Riel, please. I'm sorry. Maawa ka naman." Nahihiya kong saad sa kaniya. Narinig ko siyang tumawa ng malalim at alam kong may gagawin siya sa'kin na hindi ko magugustuhan.

"Be ready little child because we're going back to our old relationship when we were still in school."

•••• END OF CHAPTER 39. ••••

Dangerous Love (Ashworth Series #2)Where stories live. Discover now