Chapter 28.

1.5K 40 0
                                    

Date Published: June 25, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 28.

REBECCA'S POV

Nasa byahe kami ngayon at nasa passenger's seat si Riel nakaupo. Nakatulog na din ang mga bata kaya naman inayos ko ang mga upo't higa nila.

Napatingin ako sa bintana at napahinga ng malalim. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan at walang nagsasalita.

Habang nakatingin sa bintana ay may napansin akong tatlong kotse na para bang nasunod sa'min. Nakaramdam ako ng kaba dahil baka kalaban sila.

"Riel, may nasunod sa'ting tatlong sasakyan." Sabi ko at napalingon silang dalawa ni Gino. Binilisan ni Gino ang pagma-maneho.

Kinabit ko ang seat belt kanila Riellierre para hindi sila masaktan baka sakali mang may mangyaring hindi dapat.

"Arin, locate us. May nasunod sa'min." - Gino.

"I know that you're following me, Jasper. We need help now." - Riel.

Agad akong napayuko nang may narinig akong putok ng baril mula sa labas. Naramdaman kong lumiko ng onti ang sasakyan.

"Shit." Rinig kong bulong ni Riel. Nakita kong bumunot ng baril si Riel at binuksan ang bintana ng sasakyan. "Ingat, babe." Sabi ko. "Just focus on driving." Sabi nito kay Gino at tumango ito sa kaniya.

"Mommy, what's happening po?" Tanong ni Riellierre at nginitian ko siya. "May sira lang 'yung gulong at pupunta tayo sa pagawaan para maayos 'yon." Palusot ko.

Ngumiti siya at tumango sa'kin. Pinakalma na niya ang mga kapatid niya dahil nag-aalala na ang mga ito mula sa tabi niya.

Nagpaputok na rin ng baril si Riel at natamaan niya ang isang sasakyan sa kanan at bumangga ito sa isang pader.

Pumasok ulit si Riel sa loob at nag-reload ng bala. Pagkaliko ni Gino sa kaliwa ay narinig kong may pumutok at huminto ang sasakyan.

"Shit! Spikes." Komento ni Gino. "What? Damn. We're in trouble." Komento naman ni Riel. Dumating na 'yung mga kalaban at nakita kong kumuha na rin ng dalawang baril si Gino. Binigay niya sa'kin 'yung isa.

"To protect yourself and them. Miss, kami na po ang bahala sa labas. Tawagan niyo na lang po ang iba para humingi ng tulong." Tumango ako.

Kinuha ko 'yung cellphone ko at tinawagan ang isang tao na alam kong mas makakatulong sa'min ngayon kahit na alam kong magagalit siya.

THIRD PERSON'S POV

Binuksan na ng dalawa ang pintuan ng sasakyan at nagtago doon. Nagpaputok na ng baril ang mga kalaban at gano'n din ang ginawa nila habang nakatago sa pintuan ng sasakyan.

Natamaan ni Riel ang isang kalaban at gano'n din si Gino. Nagbato ng granada ang kalaban sa pwesto nila Riel.

"Cover me." Tumango si Gino at kinuha 'yon ni Riel at binalik sa mga kalaban pero natamaan siya sa braso niya.

Habang hawak-hawak ang braso niya ay nagtago ulit siya sa likod ng pintuan at sumabog 'yung granada sa pwesto ng mga kalaban.

Babaril na sana ulit si Gino nang may nakita siyang isang grupo ng kalalakihan sa likod ng mga kalaban. Pinagbabaril ng grupong 'yon ang mga kalaban nila.

"Who're they? Ashworth?" Napatingin si Riel at nanlaki agad ang mga mata niya. "What are they doing here?!" Tanong niya.

"Kilala mo sila? Parte ba sila ng grupo niyo?" Tanong ni Gino. "Independent Assassination of our group and they're with my father." Sagot ni Riel.

Dangerous Love (Ashworth Series #2)Where stories live. Discover now