Chapter 8.

3.8K 96 0
                                    

Date Published: June 9, 2017
Date Re-Published:

CHAPTER 8.

REBECCA'S POV

Nasa mall ako ngayon at kasama si Rielliere. Sinabihan ko si mommy na hindi muna ako papasok sa trabaho kaya naman nagpadala na lang siya ng isa sa mga pinagkakatiwalaan niya para pumalit sa'kin mula sa araw na 'to.

"Mommy, can I buy that teddy bear?" Napatingin ako sa tinuro niya at nakita ko 'yong isang malaking teddy bear. Lumapit kami doon at tinignan ang presyo.

"1,500." Pagbasa ko. Kukunin ko sana nang may humawak doon at nagulat ako nang nakita ko si Charlotte. Napatingin siya sa'kin at agad siyang lumayo mula sa teddy bear.

"Bibilhin mo ba, miss? Pasensya na. Nagandahan din kasi ako eh." Nakangiting saad niya. Si Charlotte ba talaga 'to o kamukha niya lang?

Nakatitig lang ako sa kaniya at hindi ako nakakilos agad. Bakit parang may kakaiba sa kaniya? Bakit pakiramdam ko ay hindi niya ko kilala?

"Miss, okay ka lang? May problema ba?" Umiling ako. "A-ayos lang ako." Sagot ko at kinuha na 'yung teddy bear.

Agad akong tumalikod mula sa kaniya at sumunod naman sa'kin si Rielliere. Binayaran ko na 'yung teddy bear at binigay kay Rielliere.

"Wow! So big! I can't see the way." Napahinga ng ako malalim dahil sa narinig ko. Kinuha ko ulit mula sa kaniya ang teddy bear.

"Iwan muna natin sa sasakyan 'to ah." Tumango siya at pumunta na kami sa sasakyan at nilapag doon ang teddy bear.

~~~~

Pauwi na kami at nakita kong umilaw 'yong phone ko. "Baby, pa check no'ng phone ko." Sabi ko sa kaniya at agad naman niyang kinuha 'yon at binasa.

"Mamita said that we have to go home. She said that she wants us to see her." Napatango ako at lumiko.

Pagkaliko ko ay agad akong napatigil nang may nakasalubong akong sasakyan. Napatingin ako kay Rielliere at nakita kong okay naman siya.

"May masakit ba, baby?" Umiling siya. Napahinga ako ng maluwag at hinalikan siya sa noo. Tinanggal ko 'yong seat belt at bumaba.

Lumapit ako sa kabilang sasakyan at kumatok sa bintana na sana hindi ko na ginawa. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko si Riel.

"Rebecca..." Agad akong lumayo nang hahawakan niya ko sa pisnge. "I'm sorry." Agad akong bumalik sa loob ng sasakyan ko at agad na umalis mula sa lugar na 'yon.

Habang nagda-drive ay napapatingin ako sa side mirror at nakita kong hindi niya ko sinusundan. Napahinga ako ng malalim.

Pinunasan ko ang luha ko nang may tumulo nang mga luha ko mula sa mata ko. Humihikbi na rin ako dahil sa nakita ko siya.

"Mommy, are you okay?" Tanong ni Rielliere. "No. I'm not." Sagot ko at agad kong hininto sa tabi ng bahay namin ang sasakyan.

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa manebela habang naiyak. Naramdaman kong hinawakan niya ko sa braso.

"Stop crying, mommy. It's not your fault why we almost hit that car." Sabi niya. Napatingin ako sa nagbukas ng pintuan at nakita ko si Reb-Reb.

Dangerous Love (Ashworth Series #2)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum