Chapter 35.

1.6K 36 0
                                    

Date Published: July 3, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 35.

REBECCA'S POV

Lumabas na muna kaming lahat mula sa kwarto para makapag-trabaho sila Aldrick ng maayos. Hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin ako kay Valerie.

Ang ibang miyembro namin dito sa grupo ay nagsipuntahan na sa iba't ibang parte ng bahay para magbantay at makasigurong walang kalaban.

"Valerie is missing for almost 4 years. Anong ginagawa niya dito ngayon?" Tanong ni kuya Reb.

"Hindi kaya may nangyari din sa kaniya nang hindi natin alam? Kasi sobrang lala ng sugat niya sa likod eh." Komento ko.

"Pero ano ang nangyari? Alam kong wala tayong nakukuhang sagot dahil sa may amnesia siya." Sabi naman ni kuya Court.

"Valerie Aldous Reonal. Kaano-ano mo siya, hon?" Tanong ni tito Beryl kay tita Scarlett. Napatingin si tita Scarlett sa kaniya.

"Asawa siya si Asher." Sagot naman ni tita. Nagulat kaming lahat dahil sa sinagot niya. Ngayon lang namin narinig 'yon ah.

"Siya 'yung tinutukoy ko sa'yo, Beryl. Hindi mo naman ako sine-seryoso dahil hindi ka naniniwala at alam din nila papa 'yon." Sabi pa ni tita kay tito Beryl.

Napatingin kaming lahat kay tito Beryl dahil doon. Napakamot na lang siya sa buhok niya dahil doon. Napatingin kami sa pintuan nang bumukas 'yon nakita namin si Aldrick na natataranta.

"Please call Erica. Valerie's pregnant." Agad namang kinuha ni tito Beryl ang phone niya at tinawagan ang pinapatawag ni Aldrick.

~~~~

Pagkatapos tawagan ni tito Beryl ang pinapatawag ni Aldrick ay napatingin ulit kami kay tita Scarlett.

"Paano po nakilala no'ng Asher si Valerie?" Tanong ko. "Hindi ko masyadong natanong si Asher no'n pero ang alam ko prino-protektahan niya ito mula sa isang tao." Sagot niya.

"Nakilala niya lang si Valerie dahil sa I.D nito at kinausap agad si tito Bladerim kung kilala niya ba siya at sinabi naman niya 'oo'."

"Tinanong ni Asher ang tungkol kay Valerie at noong una ay ayaw ni tito Bladerim na malaman ng lahat ang tungkol kay Valerie dahil sa may tuma-target dito."

"Pero dahil nagiging makulit na si Valerie at unti-unti na siyang nahuhulog kay Asher ay ayun, bunyag." Pagkwento niya at napatango kami.

"I wonder if they know about this, though?" Tanong ni kuya Blazen at napatahimik ang lahat dahil. Kapag hindi nila alam ang tungkol dito ay magkakaroon ng gulo.

~~~~

Habang hinihintay 'yung pinapatawag ni Aldrick ay lumapit si Gino sa'min na may kasama pang isang lalaki na ngayon ko lang nakita.

"Asher?" Napatingin kami kay tita Scarlett dahil sa kilala niya 'yong lalaki. Agad naman niyang niyakap ang lalaki ng mahigpit.

"Nandito ka ba para kay Valerie??" Tanong pa ni tita. "Where's Valerie? Okay lang ba ang asawa ko?" Nag-aalalang tanong niya.

"Ikaw pala 'yung Asher? Pwede mo bang ikwento sa'min tungkol sa nangyari sa kaniya?" Tumango 'yung lalaki at pinaupo namin siya sa sofa. Umupo din kami at hinintay siyang magsalita para malaman ang nangyari kay Valerie.

"Nakilala ko siya 4 years ago sa isang creek. Wala siyang malay at sugatan. Akala ko pa nga ay kriminal siya dahil doon eh." Paninimula niya.

Dangerous Love (Ashworth Series #2)Where stories live. Discover now