Chapter 7.

3.8K 96 1
                                    

Date Published: June 9, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 7.

REBECCA'S POV

~ NEXT DAY ~

Ito na ang unang araw ko sa paghandle ng hotel at medyo hindi ako sanay kaya naman nagpasama ako kay Trine sa paghandle nito.

"Bakit kasi ayaw mong ipagpatuloy ang pag-aaral mo? Ikaw din ang nahihirapan eh." Sabi niya sa'kin.

"Alam mo namang hindi ko pwedeng pabayaan si Rielliere. Saka nakakatamad na din." Sagot ko naman.

"Pwede mo naman kaming tanungin para alagaan si Rielliere. Mahal na mahal kaya namin 'yong pamangkin namin na 'yon." Sagot niya.

"Ayokong maging pabigat sa inyo kaya hindi ako nahingi ng tulong." Sagot ko at nagsimula na kami sa trabaho namin.

Narinig ko siyang may binulong pero hindi ko na lang pinansin 'yon dahil ko naman masyadong naintindihan. Narinig ko rin siyang napabuntong hininga at sumunod sa'kin.

~~~~

Nang umakyat na ko sa opisina ko ay naabutan ko sila Rebeline at ang nanay niya. Nang nakita nila ako ay agad nila akong pinagtulungang sabunutan.

"Bitiw! Layuan niyo ko!" Sigaw ko pero pinagsasampal nila akong dalawa at hinila para mapahiga sa sahig.

"Tulong! Tulong!" Sigaw ko. Nang nahawakan ko 'yong kamay ni Rebeline ay agad kong binalian ng buto ang daliri niya.

Napasigaw siya sa ginawa ko at binitiwan niya ko. Sinipa ko si Sachi sa tiyan at agad akong tumayo. Nakita kong dumating si Trine na may kasamang mga guards.

"Oh my god, Becca! Anong nangyari dito?" Nilapitan niya ko agad at napatingin sa mag-ina. Umiiyak sa sakit si Rebeline dahil sa ginawa ko.

"Bigla na lang nila ako sinugod nang nakita nila ako dito. Sinabunutan at pinagsasampal nila ako." Pagkwento ko.

"Sino ba ang nagpapasok sa mga daga dito? Hindi ba't sinabi namin sa inyo na 'wag magpapapasok ng mga daga sa hotel?" Galit na tanong ni Trine.

"Trine, awat na. Palabasin at i-ban na lang natin sila." Sabi ko sa kaniya. "Palabasin at blacklisted na sila dito." Sabi ko at nilabas na sila ng mga guards.

"Hindi ka namin titigilan! Amin dapat 'to at hindi iyo!" Sigaw ni Sachi pero hindi ko na siya pinansin pa. Pumasok na ko sa loob at umupo sa upuan ko. Napasapo na lang ako ng mukha dahil sa nangyari ngayon.

THIRD PERSON'S POV

Sumugod si Amber sa kompanya ni Marlon sa Cavite nang narinig niya mula kay Trine ang nangyari sa hotel kanina.

"Marlon, hindi mo na ba talaga kayang kontrolin ang mag-ina mo, huh?!" Galit na sigaw nito nang nakapasok sa siya sa loob ng opisina.

"Sinaktan ng mag-ina mo ang anak ko. Bakit mo ba hinahayaang saktan ng kabit na 'yon ang anak mo?!" Dugtong niya pa.

Dangerous Love (Ashworth Series #2)Where stories live. Discover now