Chapter 4.

4.3K 97 3
                                    

Date Published: June 6, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 4.

REBECCA'S POV

Pinaliwanag na nila lola ang dahilan kung bakit nila kami pinatawag ngayon dito sa kompanya. Paghahatian na daw kasi ang mana ngayon bago pa ito mapunta sa maling kamay at pamilya.

"To be honest, mama, papa, hindi ko po kailangan 'yan. Ibigay niyo na lang po ang akin para sa dalawa kong anak at isang apo." Sabi ni mommy.

Sa bagay, mas mayaman nga naman ang Amorous kesa sa Dela Fuentes. Kaya nambabae si daddy dahil hindi niya tanggap 'yon.

Hindi niya kasi mapasunod si mommy sa mga gusto niya dahil may laban ito sa kaniya kaya humanap siya ng ibang babae na pwede niyang gawing manika.

"Naiintindihan namin, Crescentia." Nakangiting sagot ni lolo kaya naman inayos na nila ang lahat bago pa nila ito i-anunsyo sa lahat.

"Ang kompanyang 'to ay paghahatian nila Lance at Chris. Dito na rin naman sila lumaki kaya alam kong kaya na nilang i-handle 'to." Paninimula ni lolo.

"Ang bahay at lupa sa Ilocos ay kay Chris at ang sa Tagaytay naman ay kay Lance." Dugtong niya pa at nginitian ang kambal.

Binigay ni lola ang dalawang envelope kanila Lance at kinuha naman nila ito. Tinignan ko ang laman no'n nang binuksan ni Chris ang kaniya.

Nakita ko na isa 'yong papel na nagsasabing 'yon ang opisyal na dokyumento na nagsasabing sila ang legal na tagapagmana ng kompaniya saka 'yung bahay at lupa. At may pangalan din nila ito.

"Ang kompanya at resthouse sa Laguna kay Nolan 'yon. 'Yung nasa Bantangas naman ay kay Lenny." May binigay na envelope si lolo sa kanilang dalawa.

"Ang kompanya na nasa Cavite naman ay para kay Marlon." Inabot ulit ni lola ang envelope kay mommy.

"Kay Robin naman ang kompanya na nasa Canada at 'yung resort na nasa New York pati na rin ang bahay at lupa na nasa Bicol." Kinuha ni kuya Reb 'yung envelope.

"At ang pangalawa sa huli ay para kay Becca, sa kaniya 'yung kompanya na nasa U.S., bahay at lupa na nasa Bagio pati na rin sa Laguna at mas lalo na ang Dela Fuentes Hotel." Nanlaki ang mata ko.

"What?! Pero sa'kin po dapat ang hotel na 'yon! Hindi ako makakapayag!" Sigaw ni Rebeline.

"And who gave you the right to defy the decision of the owners, illegitimate child?" Mariing tanong ni mommy. Nakakatakot talaga si mommy kahit kailan.

"Always remember to know and remember your place within this family. Kayo man ang pinili ni Marlon pero isang kabit at anak sa labas pa rin kayo." Dugtong niya pa.

"Mommy, kalma lang po." Sabi ko sa kaniya. Parang any time kasi ay parang bubunot na siya ng baril and I know her very well.

Ipinaliwanag din sa'kin nila lola Alena ang tungkol sa pamilya ng Aldous. Kaya nga matalik nilang kaibigan ang mga Arcana, Lacosta at Ashworth.

Kaya minsan ay sila-sila din ang mga nag a-anak sa isa't isa. Sila-sila din ang nagkakatuluyan within the family at within the alliance.

Pero hindi alam ni Riel ang pagiging Amorous ko. Hindi ko naman sinabi sa kaniya ang tungkol do'n dahil sabi ni mommy ay 'Trust no one'.

Under group ng Aldous ang Amorous kaya kung ano ang motto ng mga 'to ay gano'n din ang motto ng pamilya namin.

"Ang Dela Fuentes Hotel ay dapat kay Crescentia pero dahil sa binigay na niya ang right sa mga anak niya kaya ibinigay na namin 'yon kay Becca." Paliwanag ni lolo.

Dangerous Love (Ashworth Series #2)Where stories live. Discover now