Chapter 22.

1.8K 41 0
                                    

Date Published: June 20, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 22.

REBECCA'S POV

Pagkapasok namin sa bahay ay nagulat ako nang nakita ko sila tito Beryl at tita Scarlett na nakaupo sa sofa.

Mas lalo akong kinabahan nang nakita kong seryoso si tito Beryl dahil ito ang pangalawang beses na nakita kong ganiyan siya ka-seryoso.

"Who's that guy, Rebecca?" Napatingin ako kay Futoshi at binalik ko ulit kay Riel 'yung tingin ko. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Siya si Futoshi Fuyuki. Member siya ng org ni mommy na hiningi ko kasi may kailangan akong malaman at gawin." Paninimula ko.

"Hinatid niya lang ako dito kasi nahalata niyang pagod ako. Delikado daw kasing mag-drive 'pag pagod eh kaya siya na lang 'yung nagmaneho." Dugtong ko pa.

"You asked for an org from your mother? Why?" Tanong niya. "Lady Dayanara. Siya talaga ang dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay sa'yo noon." Sagot ko.

Nakita kong nagulat siya at napalunok. Lumapit sa pwesto namin si tito Beryl at napatingin kay Riel ng masama.

"So, may problema talaga? Naka-ilang tanong kami sa'yo kanina, Riel? Ang sabi mo walang problema." Sabi ni tito Beryl.

"Dad, it's just I don't want you to worry. You have Lacosta and Alcaide to worry about." Sagot ni Riel at napabuntong hininga si tito.

"Gaano ba kaliit ang mga Ashworth sa tingin mo, Riel? Nakita mo na ba ang kabuuan nito?" Tumalikod si tito habang sinasabi niya 'yan.

"Sa totoo lang, pwede nating banggain ang lahat kaso nga lang support tayo sa lahat ng kakampi natin." Sabi niya pa.

"Kaya hindi tayo pwedeng kumilos ng walang paalam sa iba at mas lalo na sa mga Arcana." Humarap siya sa'min ulit.

"Lady Dayanara. Her parents was killed by Rebecca's parents. She wants revenge kaya ang target niya ay si Rebecca." Paliwanag ni tito.

"She's not going to stop until she got her revenge. Hindi niya pwedeng patayin sila Amber at Silvan or should I say, hindi niya kayang patayin sila Amber dahil mas malakas sila kesa sa kaniya." - Tito Beryl.

"So, that's why they set their eyes on Rebecca?" Tumango si tito kay Riel. "Hindi rin nila pwedeng targetin sila Robin dahil mas malakas din sila kesa sa kaniya." Sabi pa ni tito.

"Maliit lang naman ang grupo ng Lady Dragon kaya kayang-kaya natin sila kaso..." - Tito Beryl

"May possibility na pinapahina lang talaga nila ang tingin natin sa kanila para gamitin 'yon laban sa'tin." Pagpapatuloy ni Futoshi sa gustong sabihin ni tito.

"What now?" Bulong ni Riel. "Wala akong alam tungkol dito pero pwede kayong humingi ng tulong kay Blazen." Suhestyon ni tita.

"Dad, mom, we can handle this for now. Focus on with the Constantine and I'll just ask Blazen nii-chan if I need something." Tumango silang dalawa.

"Uwi na kami at baka hinahanap na kami nila Blaize." Paalam ni tita at tumango kami. Nagmano ako sa kanilang dalawa at naglakad na sila paalis.

Napatingin ako kay Futoshi at binigay sa kaniya ang susi ng sasakyan. Nagtaka siya dahil sa ginawa ko.

"Bumalik ka na do'n. Dalhin mo 'yong sasakyan ko. Balik ka dito sa umaga at i-hatid mo ko papunta sa org." Paliwanag ko.

"Sige po, miss. Naiintindihan ko po. Sabihan ko na rin ang iba na i-handa lahat ng mga kakailanganin mong files tungkol kay Lady Dayanara." Yumuko siya at naglakad na paalis.

Dangerous Love (Ashworth Series #2)Where stories live. Discover now