Chapter 1.

7.7K 134 0
                                    

Date Published: June 3, 3017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 1.

REBECCA'S POV

Umalis na muna ako mula sa condo para mamili ng mga stocks dahil sa naubos na ang mga stocks namin agad.

Lagi kasing nakain ng marami sila Lance sa tuwing nauwi sila mula sa opisina dahil sa sobrang stress at pagod na din.

Nandito ako ngayon sa isang grocery store at may suot akong face mask para walang makakilala sa'kin na kahit na sino.

Meron kasi akong tinataguang tao kaya kailangan kong takpan ang mukha ko para walang maging problema ngayon.

Nang nabili ko na lahat ng mga kailangan ko ay pumila na ako sa cashier para bayaran lahat ng mga pinamili ko.

Habang hinihintay kon matapos ang nasa cashier ay napa-isip ako dahil baka may nakalimutan akong iba. Nabili ko na din naman lahat kaya hula ko ay wala na kong nakakalimutan pa.

~~~~

Nandito ako sa labas ng grocery at hinihintay dumating si tito Silvan. Alam niya kasi na namili ako mgayon kaya susunduin niya daw ako.

Maya-maya lang ay nakita ko 'yung sasakyan niya at huminto siya sa harap ko. Agad naman siyang bumaba para tulungan ako.

"Thank you po, tito." Sabi ko at nilagay na niya sa likod ng sasakyan ang mga pinamili ko. Tinulungan ko naman siya dahil kaya ko namang buhatin 'yung iba.

"You're welcome, Becca. You're my daughter now." Sagot niya nang tapos na niyang ilagay lahat ng mga pinamili ko.

Napayuko ako at sumakay na sa sasakyan niya. Nahihiya ako sa kaniya dahil sa hindi ko naman talaga siya tunay na ama.

Hindi ko rin alam kung paano ako kikilos kapag nasa harap ko na siya mas lalo na't hindi ko alam kung paano ko siya tatawagin.

Sumakay na din siya at pinaandar na ang sasakyan. Kinabit ko na 'yung seat belt para hindi ako mauntog o kung ano pa man.

"Tito, kamusta po sila?" Tanong ko. Nasa kaniya kasi 'yung dalawa ko pang anak at inaalagaan. Tinatago din mula kay mommy.

"Don't worry, they're fine. Hinahanap ka nga lang nila." Sagot niya at napatango ako. "Gusto ko po sanang bisitahin sila." Nakita kong ngumiti siya.

"Sure. Wait lang. Ikot lang ako." Sabi niya at binuksan ko na 'yung radyo para makinig na lang ng kanta habang nabyahe.

~~~~

Pagkapasok ko sa loob ng bahay kung saan nakatira sila Heikt at Keath ay agad silang tumakbo palapit sa'kin. Niyakap ko silang dalawa.

"Mommy! We miss you!" Sabi ni Heikt at hinalikan ko sila sa noo. "I miss you too." Sagot ko at napatingin sa paligid si Keath.

"Mommy, where's kuya po?" Tanong nito. "Nandoon siya sa condo ng mga tito niyo. Hindi ko siya sinama kasi may iba pa akong pinuntahan eh." Sagot ko.

"Aw... We miss him too." Sabi naman ni Heikt. Umupo kami sa sofa at kumandong sila sa kandungan ko. Niyakap ko sila mula sa likod.

"Pasensya na kung lagi kayong nandito ah. Hindi kasi kayo pwedeng makilala ng iba kundi baka magalit sila." Sabi ko.

"We understand, mommy. Don't worry." Nakangiting sagot nilang dalawa at napangiti ako ng malungkot.

Ayokong malaman nila ang tungkol sa kanila dahil sa anak ko sila mula sa isang lalaking gumahasa sa'kin noon. Si tito Silvan lang ang nakakaalam dahil sa siya lang ang sinabihan ko.

Hindi nila alam ang tungkol doon dahil sa sinabi kong may sakit sila kaya kailangan nilang manatili dito para magpagaling.

Ang alam din nila ay patay na ang ama nila at 'yon naman talaga ang totoo dahil pinatay siya mismo ni tito Silvan sa harap ko.

"Laro tayo?" Tumango sila at nagsimula na kaming maglaro para hindi naman sila masyadong mainip dito sa bahay.

~ 8 PM ~

Pinatulog ko na 'yung kambal at hinawakan ako sa balikat ni tito Silvan kaya napalingon ako sa kaniya. Ngumiti siya sa'kin.

"Tara na at baka masira ang mga pinamili mo kanina." Tumango ako at hinalikan ko na muna 'yung kambal sa noo bago tumayo.

"Kayo na po ang bahala sa kanila, tito. Pasensya na po sa abala." Niyakap niya ko at hinalikan sa buhok ko.

Sa kaniya ko lang 'yung naramdaman ang pagmamahal ng isang ama na kahit kailan ay hindi ko naramdaman mismo kay daddy.

"You're my daugher, Becca. Sana naman ay maintindihan mo 'yon. Hindi man kita tunay na anak pero kinilala kitang isang tunay na anak." Seryosong saad niya.

"Ako na ang bahala sa mga anak mo at umuwi ka na." Tumango ako at naglakad na kami paalis.

~ DELA FUENTES' RESIDENCE ~

Nasa harap na kami ng condominium building at tinulungan ulit ako ni tito na magbuhay ng mga binili ko kanina.

Umakyat na kami sa taas at naglakad papunta sa harap ng unit. Kumatok ako at binuksan naman agad 'yon ni Riellierre.

"Baby..." Ngumiti ako sa kaniya at natuwa siya. Nagtaka naman ako nang may nakita akong isang batang lalaki sa likod nito.

"Woah. I can see a mini Nero here." Komento ni tito at kinunutan ko siya ng noo. Sino si Nero? At kaninong anak ba 'yung bata?

Naglakad na ko papasok at nagulat ako nang nakita ko si Anver na nakaupo sa sofa. Napangiti ako at agad lumapit sila Lance para kunin mula sa'kin 'yung mga hawak ko.

Agad akong lumapit sa kaniya at yumakap. Ngayon ko lang siya nakita ulit kaya masaya akong makita siya ngayon.

"Buti nakauwi ka na dito." Sabi ko at tumango siya. "Pero, anong oras ka nandito? Mukhang matagal kang naghintay ah." Sabi ko pa.

"Ayos lang kasi nag-enjoy din naman akong makipaglaro kay Ecca saka bantayan 'yung mga bata." Sagot niya sa'kin.

"Anak mo 'yung bata?" Tumango siya at nilapitan ko 'yung anak niya. Kinawayan niya ko at kinawayan ko din siya.

"Hello, baby. I'm Rebecca, nice to meet you." Inilahad ko 'yung kamay ko sa kaniya. Kinuha naman niya 'yon.

"I'm Avideus Linero Arcana." Kumunot ang noo ko. Arcana? "Arcana?" Tumango siya sa'kin at napatingin ako kay tito.

"Anak ni Nero Alegria Arcana na anak ng tita Asunta mo." Paliwanag niya at napatango ako. Hindi ko siya kilala kaya napatingin ako kanila Lance.

"Kilala namin siya syempre. Kapatid nila Pain 'yon eh." Sagot ni Lance at napatango ako. Pinisil ko 'yung pisnge ni Avideus.

"Ang cute mo naman. Saka baby, may bago ka nang friend." Sabi ko at tumango siya. Niyakap niya si Avideus.

"We're friends, mommy! And I love to play with him more." Sagot niya at tumango ako. Tumabi ako kay Anver para makipagkwetuhan.

Nanatili din muna dito si tito Silvan para makipag-usap din habang hinihintay ang text ni mommy.

•••• END OF CHAPTER 1. ••••

Dangerous Love (Ashworth Series #2)Where stories live. Discover now