Napansin kong biglang huminto si Cass nang makita niya ang tree house.

"Ikaw lang ba talaga ang tao rito? O baka may mga kapatid kang bumibisita rin dito," ako.

"Only child lang ako, pareho kami ni Ara, si Oe lang 'ata ang may kapatid sa ating apat," tugon ni Cass.

"Yeah," Ara.

"Ang dami kong memories sa tree house na 'yan," Cass.

"Oh ganun ba? Pwede ba tingnan?" Ara.

Lumapit si Ara sa punong-kahoy kung saan nandoon ang tree house, pero nang hinawakan niya ang kahoy ay bigla siyang tumalsik kaya na alarma kaming lahat.

"What the?" Ara.

"Okay ka lang ba? Nasugatan ka ba?" nag-aalalang tono ni Cass.

"What the heck was that?" Ara.

"It's the curse, hindi na ako makakalapit sa tree house ko ever since," Cass.

"Huh? Ang creepy naman, anong meron diyan? Engkanto?" tanong ko.

"H-hindi ko rin alam, pero gustong-gusto ko na talagang mawala ang curse para makita ko ulit ang mga memories na inilagay ko riyan," Cass.

Naglabas ng water splash si Ara sa tree house pero tumalbog lang ito pabalik na parang nerereflect nito ang kapangyarihan ni Ara.

"What kind of sorcery is that?" Ara.

"Pero kahit ano pa 'yan, mas mabuti nang huwag niyo nang lapitan para wala nang masaktan," Cass.

"But we have to do something, tutulungan ka namin na mawala ang curse," Oe.

"Huwag na, hindi rin naman tayo magtatagal dito," Cass. Aalis na sana si Cass para bumalik sa loob ng bahay nang biglang umalog ang tree house kaya nabaling ang atensyon naming lahat doon.

"D-did it just moved?" Ara.

"Impossible, wala namang hangin ah," Oe.

Nagulat kaming lahat nang biglang naglabas ng maitim na aura ang buong punong kahoy.

"A-ano 'yan?" takot na tanong ko.

"Dark Source!" Oe.

Naging hugis tao ito at agad na umatake sa amin. Nyeeemas! Andiyan na naman ang pula niyang mga mata at naka black na suot ng buong katawan.

"Mag-ingat kayo girls," wika ni Oe.

"Kahit na anong mangyari, huwag na huwag kayong tamaan ng itim na usok sa kamay niya," Cass.

"Jackpot, apat na babae galing sa Zodiacus," wika ng taga Dark Source.

Naglabas ng malalaking ugat ng mga puno si Cass mula sa lupa para ikulong ang taga Dark Source, ngunit nasira agad ito ng kalaban nang naglabas din ito ng energy bomb.

"He's so strong," Ara.

Oo nga, sobrang lakas niya, elemental power na iyon ni Cass pero agad niya itong nalabanan, seriously, anong klaseng kalaban ang mga taga Dark Source?

Gumawa ng black fog ang kalaban dahilan ng pandilim ng paligid, nyeeemasss! hindi ko makita ang daanan.

Hindi dapat ako nagpapabigat kina Cass, Ara at Oe, kailangan matuto rin akong lumaban, pero anong magagawa ko? Paano ko mailabas ang kuryente na dati nagawa ko noong kami lang dalawa ni Gino?

"Pathetic! Ganito ba ang pinagmamalaki ng Zodiacus? Walang kalaban-laban ang mga batang 'to sa akin," wika ng nagmamayabang na kalaban.

"Hoy 'wag mo naman kaming maliitin!" sigaw ni Ara.

Hindi ko sila makita, sobrang dilim talaga ng paligid, parang hallucination?

Biglang lumakas ang hangin ng paligid, sigurado akong si Oe ang may gawa nito. Nakita naming hinigop ng kamay ni Oe lahat ng black fog at ibinalik ito sa kalaban. Sabay natumba sina Oe at ang lalaki, nanghina si Oe.

Inatake rin ng mga water splash ni Ara ang lalaki at tumama ito kahit saang parte ng katawan niya.

Gumawa rin ng harang si Cass gamit ang kaniyang metal manipulation para ikulong ang kalaban.

Pero lahat ng ito, ay hindi nagawang patumbahin ang kalaban.

Inilagay ko ang dalawang daliri ko sa noo ko, nagbabasakali akong magawa ko ang ginawa ni Gino sa akin dati, maipalabas ko ang kuryente ko.

Biglang itinaas ang kamay ng kalaban dahilan ng mga tumutubong lupa na kung sino ang matatamaan ay matatalsik talaga.

"Let's get out of here!" Oe.

Gumamit ng water thread si Ara para magkatabi-tabi kaming apat tsaka nag shapeshift si Oe into a white light at nilakasan pa ang ilaw.

"Close your eyes!" Oe.

Nakakabulag ang sinag ng ilaw niya.

Pagkamulat namin ay nasa kagubatan na kami. Ginamit pala ni Cass ang kaniyang teleportation ability.

"Bakit tayo tumakbo? Matatalo naman natin siya kapag nagtutulungan tayo," Ara.

"Hindi natin siya kaya Ara, sobrang-sobrang lakas niya, sobrang lakas ng Dark Source, ang kapangyarihan lang namin ni Cass ay kalahati lang ng kapangyarihan niya," Oe.

Pero sa tingin ko talaga matatalo naman nila ang kalaban, are they holding back because of me? Dahil cripple lang ako?

"Ayaw lang din natin masaktan si Sky, alam n'yo na," dagdag ni Oe.

Oh see? Tama nga ako.

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon