Mukhang ang leader ata nila si Justin at si Mich the bitch of campus. Hayysst ang dakilang bitch na si Mich. Sya pa nga yung nag pahiya kay Megan tungkol sa dati nyang eskwelahan. Pero kawawa naman sya nung sinumbatan din sya ni Megan. Kabog sya!! kaso nakakatakot din yung line na sinasabi ni Megan. Grrr! nakaka taas balahibo kapag naalala ko yun. 

Ano na naman bang gagawin nilang lahat sa taong wala namang ginagawang masama sa kanila? wala namang ginagawang masama si Megan sa kanila huh? Dahil ba sa itsura ni Megan? Grabe na talaga ang mga tao ngayon. Mapanghusga na.

Nabalitaan ko pa na binuhusan ni Eren si Megan ng juice. Nakakapagtaka dahil ngayon ko lang nakitang nang bully si Eren sa estudyante. Mas madalas kasi yung mga gwapo nyang mga kaibigan, hihihi!

Hinanap ng mga mata ko kung nasaan si Eren at nakita ko sya sa na nasa sulok lang at naka earphones. Mukhang wala s'yang pake sa masamang plano ng mga classmates namin.

Megan's POV

9: 32 pm na ng gabi pero hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto ko. Hindi ko talaga kayang harapin si C dahil sa inasal ko sa kanya kanina. Nakaka ramdam tuloy ako ng konsensya sa kanya. Dapat hindi ko pinairal yung damdamin ko sa kanya. Nararamdaman ko kasi sa kanya yung kuya ko.

Umiling-iling ako sa na sa isip ko. Lumuhod ako sa kama at kinuha yung mahabang itim na kahon. Nilabas ko yun at nilapag sa ibabaw ng kama.

Binuksan ko yung itim na kahon at tumambad sa akin yung dalawang espada na matagal ko ng iniingatan.

Hindi ko pa ito ginagamit sa pakikipaglaban sa mga zombies. Iniingatan at palaging nakatago sa likod ng kotse ko. Speaking of my car. Ipapadala daw ni Tito yung kotse ko dito. Hindi ko alam kung kailan pero one of these days ay matatanggap ko na yung kotse ko dito.

Nag papahanda lang daw si Tito ng malaking eroplano na sigurong doon na magkakasya yung kotse ko. Isa din yung kotseng yun. Mahalaga sa akin yun dahil kay kuya yun. Lahat ng bagay ni kuya na naiwan sa akin ay pinapahalagahan ko. Una yung espada, pangalawa yung kotse at yung pangatlo ay yung MP3 na niregalo sa akin ni kuya nung first year palang ako.

Kumuha ako ng puting bimpo at pinang punas sa katana. Habang pinupunasan ko yung katana ay narinig kong may kumatok sa pinto.

"Couz? pwede ba tayong mag usap? kahit saglit lang" rinig kong sabi nya sa labas. Pang sampung beses nya na yan. Pero sa sampung beses na katok nya ay ni isa ay hindi ko sya pinagbuksan ng pinto.

Sa tuwing naririnig ko yung boses nya ay na aalala ko yung nangyari kanina sa school. Kung paano nya ako pinaghintay sa wala at sinigawan sya sa harapang mga tao.

Pero hindi pwedeng palagi nalang kaming ganito. Lagi ko syang sinusumbatan na para bang hindi ko sya pinsan. Nagagalit ako kapag naiisip ko yun. Parang ako na yata ang pinaka masamang tao na nabuhay sa mundo.

Huminga ako ng malalim at pinasok yung katana ng kahon. Binalik ko yung kahon sa ilalim ng kama at lumapit sa pintuan.

Nang pag bukas ko ng pintuan ay nakita kong natayo sya doon na parang hinihintay nya na pagbuksan ko sya ng pinto. Napako yung tingin ko sa bitbit nyang tray. May nakahain doon na pagkain.

"Hindi ka pa kasi nakakain kaya dinalhan kita ng pagkain" umiwas ako ng tingin. Niluwagan ko yung pag bukas ng pinto para maka pasok sya.

"Pasok" bulong ko pero sapat na iyon na marinig nya. Tumalikod ako at umupo sa gilid ng kama. Pumasok naman sya ng tahimik. Nilapag nya yung tray sa side table ng kama at tumabi sa akin.

"Mag usap naman tayo, Megan" nag mamakaawa nyang sabi sa akin. Malamig ko syang tiningnan.

"About what? Tungkol ba ito sa nangyari kanina? Kung yun ang pinunta mo dito pwes umalis ka na sa kwarto ko. Wag mo na'ng ipaalala sa akin yun dahil baka lalo pa akong magalit sa'yo" mariin kong sabi sa kanya. Hindi ako naiinis sakanya kundi sa sarili ko. Nakakaramdam ako pagsisisi sa pagsigaw ko sa kanya.

Napa yuko sya at hindi nag salita. Binalot kami ng katahimikan. Napa tingin ako sa kanya. Naka yuko pa rin sya. Wala ba syang balak mag salita?

"Mag salita ka na. Huwag mo kong pag hintayin na paalisin ka dito sa kwarto ko" inip ko'ng sabi sa kanya. Nag buntong hininga sya at matamnang akong tinignan.

"I'm sorry ok? Im sorry dahil pinaghintay kita kanina. Pero alam kong may iba ka pang dahilan kung bakit ka nagagalit sa akin. Alam kong may dahilan ka kung bakit ka lumalayo sa akin. Pinipilit kong mapalapit sayo, pero ito ka....lumalayo sa akin. Ano bang meron? may mali ba akong ginawa bukod sa ginawa ko kanina? sabihin mo at itatama ko" kumuyom yung kamao ko at masama syang tiningnan.

"Oo! May problema ako sa'yo! ano, alam mo na yung totoo kaya umalis ka na! ayoko na kitang makita pa!" galit ko'ng sabi sa kanya. Inis ko'ng tinakpan yung mukha ko gamit yung dalawa kong palad. Naiinis na ako sa sarili ko! Ang selfish ko sa kanya!

"I'm sorry---" nanlilisik yung mga mata kong tumingin sakanya.

"Wag ka ngang mag sorry sa akin dahil hindi ko kailangan ng sorry mo!!" sigaw ko. Napaawang yung bibig nya dahil sa pag kabigla. Mukhang nagulat sya sa dahil sa sinabi ko. Parang may kimirot sa puso ko ng makita kong natatakot sya sa akin dahil sa madilim na bumabalot sa mukha ko. Nakakatakot ba talaga ako? Bakit lahat nalang ng tao ay natatakot sa akin?

Nanlumo ako sa naiisip ko. Yung mabilis ko'ng pag hinga ay bumigat. Yung galit na nararamdaman ko ay napalitan ng sakit at lungkot. Bakit ba naging ganito ako? Bakit ako naging masama at naging malamig? Dahil ba sa nagtatagong lungkot at pait sa puso ko?

Mariin akong pumikit at niyakap sya ng mahigpit. Naka pikit yung mga mata ko na isiniksik yung ulo ko sa leeg nya.

"Wag kang mag sorry sa akin...Dahil ako dapat ang humingi ng tawad sayo" bulong ko. Narinig kong napasinghap sya. Halatang nagulat sya sa ginawa ko. Pero agad din nya akong niyakap pabalik.

"If you have a problem, just tell me and i will listen" bulong naman nya. Inaasahan ko na maiiyak ako sa sitwasyon namin ni C. Pero bigo na naman ako dahil walang lumalabas na luha sa mata ko. Kailan ba ako iiyak? naubusan na ba ako na'ng luha?

"Natatakot ako, C. Ayoko ng ganito. Ayoko" sabi ko habang paulit-ulit na umiiling.

"Scared of what?" naguguluhan nyang tanong nya. Umiwas ako ng tingin.

"N-natatakot ako na kapag naging mahalaga ka na sakin ay baka bigla ka nalang mawala tulad ng kuya ko na iniwan na ako. Natatakot ako na maiwan ulit. Napapagod na akong maging malungkot. Gusto ko na maging masaya ulit, C" puno ng lungkot na sabi ko sa kanya. Bigla kong naalala yung nangyari kay kuya kaya nakaramdam na naman ako ng kirot sa puso ko.

Gustong-gusto ko ng maging masaya. Pero paano ko naman magagawa yun kung yung taong mahalaga at nag papasaya sa akin ay nawala na? Nawala na ng dahil sa akin. Pinatay ko sya. Damn.

Simula nung mawala si kuya ay nawalan na ng kulay ang mundo ko. Tanging itim at pula nalang at nakikita ko. Itim dahil sa lungkot at galit. Pula dahil sa dugo na naliligo sa dalawa kong palad. Dahil sa pag patay.

"Huwag ka ng malungkot. Isipin mo nalang na nandyan sya sa tabi mo at binabantayan ka nya. Sa tingin mo ba magiging masaya sya kapag nakikita ka nyang ganyan?" agad akong umiling habang nakayakap sa kanya ng mahigpit. Para tuloy akong batang pina-patahana sa pag iyak ng kanyang tatay. Napa ngiti ako sa iniisip ko.

"Ngayon nandito na ako sa tabi mo, dapat maging masaya ka dahil may kakampi ka na sa lahat ng bagay. Poprotektahan kita tulad ng ginawa ng kuya mo sa'yo"  napangiti pa ako lalo sa sinabi nya. Sa wakas at may mahalagang tao na sa buhay ko. Sya at si Tito ay mahalaga sa buhay ko. Kaya kailangan ko silang ipagtanggol kung may mangyayari mang masama.

Humiwalay ako ng yakap. Naka ngiti akong hinawakan yung magkabilang pisngi nya at hinaplos yun.

"You can smile" amaze nyang sabi na hangang naka tingin sa akin. Napa irap ako sa hangin.

"Ofcourse, i can. I'm human you know" natawa nalang sya at napa iling. Para syang masaya na naka tanggap ng isang himala.

"C, ilan taon ka na?" naka ngiti kong tanong sa kanya. Napa kunot yung noo nya dahil nag tataka sa tanong ko. Mahigit isang linggo na kaming mag kakilala pero hindi ko pa alam kung ilang taon na s'ya.

"23 na....p-pero nasa 4th year palang" nahihiya nyang sabi. Napangiti ako ng mapait. Kasing edad nya lang pala si kuya.



"Pwede ba kitang maging kuya?"

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now