Chapter 63

482 16 7
                                    



"Seryoso Mika, hindi mo kailangan gawin ito." Sabi ko pa sakanya habang hila hila ko ang backpack niya.

"Pero gusto ko nga." Sabi pa niya.

"Mika."

"Charleen."


"Pero gusto ko." Pagpipilit niya pa.

"Pero okay na ako." Pagpipilit ko rin sakanya.

Napabuntong hininga nalang ako. "Mika, naappreciate ko naman lahat ng ginagawa mo para saakin. Lahat lahat, pero Mika wag mo naman saakin paikutin iyang mundo mo. Hindi lang ako ang tao diyan, may girlfriend ka. May ibang kaibigan ka pa. Tiyaka sa tingin mo ba ganon ako kahina? Para sa lahat ng bagay ay dapat nakaalalay ka saakin? Tulad nga ng sinabi ko sa iyo noon, wala na akong bagay na hindi pa kakayanin." Malumanay na sabi ko sakanya. Nakita ko naman na napabuntong hininga siya.

Pero sino ba ang niloloko ko? Kailangan ko siya. Yun ang totoo, sa lahat ng tao siya ang pinakakailangan ko. Pero hindi naman ako ganon ka masokista, alam ko naman kahit ako ang kasama niya si Rad pa din ang nasa isip niya. Si Rad pa din ang mahal niya.

At kaya nga ayaw ko na din malapit saakin kasi kahit anong pilit ko, Oo umaasa pa din ako, pero hindi ko naman ipipilit na mahalin niya ulit ko. Alam ko naman kung hanggang saan lang ako. Hanggang dito nalang ako. Hanggang kaibigan nalang.

"Okay sige, pagkatapos ng Tagaytay na kung ano man iyan, last na iyon. I mean hindi mo na makikita ang cute ko na mukha sa bahay mo, pero hindi naman ibig sabihin nun mawawala na ako. Okay?" Seryosong sabi niya at ngumiti, habang hawak ang magkabilang balikat ko.

"Okay."

At sabay naman na kaming naglakad papuntang kotse. Dahil hindi naman masyadong pamilyar saamin yung place kaya bago kami umalis ay sinet up niya muna yung waze.

"Okay na boss."

Tumungo nalang ako at tumingin sa bintana. Ilang sandal lang ay nakarating din kami sa placr ng seminar, pumasok naman kami sa loob habang siya naman ay naiwan lang sa lobby. Tumagal din iyon ng ilang oras.

"Charleen!"

Napalingon naman ako sa tumawag nun saakin.

"Oh?"

"Naiwan mo yung phone mo!" Habol niya saakin.

"Ay shocks! Thank you!" Sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko nalang siya. Nandito kasi ang lahat ng videos and pictures ni Shami, kaya mawala na ako wag lang itong phone ko.

"A-h. Sige mauna na din ako."

"Sige thank you ulit."

Naglakad naman na ako papunta kay Mika, nakita ko naman na nagbabasa siya ng magazine na nakabaliktad? Seryoso?

"Hoy! May secret powers ka ba at nagagawa mong basahin iyan?" Sabi ko at tinapik ang balikat niya. Pero imbis na sagutin ang sagot ko kung bakit nagbabasa siya ng magazine na nakabalikdat ay sinagot niya nalang ito ng...

"Hay sa wakas! Akala ko kinain na kayo ng mga lamesa at upuan doon." Nagiinat na sabi niya, napailing nalang ako. Typical Mika.

"Sabi ko naman sayo hindi mo na kailangan pang sumama." Sagot ko naman sakanya at pasakay na kami ng kotse ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at iharap sakanya, halos nanlaki naman ang mata ko ng mapansin ko na halos hangin nalang yata ang may kayang dumaan sa pagitan namin.

"Charleen."

"O—h?"

Halos nanghina naman ako ng tingnan niya ako sa mata. "Wala." Sagot naman niya at nauna ng pumasok sa sasakyan.

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon