Secret 37

493 18 23
                                    


(if gusto niyo lang naman, play niyo yung music sa multimedia 🙃)

DONT WANT AN ENDING BY SAM TSUI

Bago pa man magsalita si Charleen ay inakap na siya ni Mika, at dumiretso na sa kitchen.

"Mika.."

"Okay ka lang ba Ms?"Tanong nito habang maingat na gumagalaw para kunin ang gagimiting ingredients sa lulutuin niya, dahil sariwa parin ang mga sugat niya at lalo na ang tahi sa tagiliran nito."Mukha ka kasing may sakit eh, kaya ito lulutuan na kita. Relax ka lang diyan."

Sabi ni Mika at hinawa ang ham.

"Mika.."

"Alam mo ba, sa sobrang boploks ni Kimmy at tamad,yung cup noodles? Nilagay ba naman sa microwave?! Edi muntik ng sumabog! Buti nalang na stop agad! Tanga talaga ni Kim noh?"

Sabi ni Mika at pilit na tumawa.

"Mika.."

Tinitigan naman ni Charleen si Mika na para bang sinasabi na makinig naman ito sakanya, ngunit patuloy lang si Mika sa ginagawa na para bang ayaw niyang pagusapan ang gustong sabihin ni Charleen.

"Mika..."

Nagpatuloy lang si Mika sa ginagawa niya. Inayos narin niya ang paglulutuan at pinakulo ang noodles.

"Kamusta naman yung lakad mo para sa mga papers sa L.A ms? Baka naman masyado kang nagpapagod?"

Sabi pa ni Mika, napabuntong hininga naman si Charleen.

"Mika! Pwede ba makinig ka?!" Sigaw ni Charleen.

Pero patuloy parin si Mika sa ginagawa, nagpapanggap na parang maayos ang lahat.

"Wait ka lang diyan, medyo matagal kasi lumambot itong noodles eh. Pero sigurado akong magugustuhan mo itong carbonarang ito! Sobrang daming ham,bacon and cheese."

Sabi ni Mika at tumalikod...upang kontrolin ang mga luha na nagbabadyang pumatak galing sakanyang mga mata.

Akala ba niya hindi niya alam ang gustong iparating niya sakanya? Tangina. Alam niya. Alam niyang gusto na niyang...."Itigil na natin toh." Sabi pa niya.

Humarap naman na si Mika kay Charleen.

"Alin? Ito? Gutom na ako ms. Alam mo kasi yung mga pagkain doon sa hospital? Grabe ang--"

"MIKA PWEDE BA MAKINIG KA?! ITIGIL NA NATIN TOH! ALAM KONG ALAM MO ANG SINASABI KO! MIKA!"

At doon na pumatak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan, doon na lumabas ang mga emosyon na pilit niyang tinatago.

"ALAM KO! AT ALAM KONG HINDI ANG PAGSUKO ANG PARAAN! MAY PARAAN PA CHARLEEN!"

"Wala na! Alam nating parehas na wala na! Alam mo kung gaano makapangyarihan si Chris at ang pamilya niya! Kahit isang milyong kaso pa ang ikaso natin sakanya wala tayong mapapanalo kahit isa! At alam mo ang pagpapakasal lang sakanya ang solusyon para hindi ka niya na balikan! Mika kailangan na nating tanggapin na hanggang dito nalang..hanggang dito nalang yung hanggang dulo natin Mika."

"Oh edi magpapabugbog ako ng paulit ulit sakanya! Wala akong pake! Basta wag ganito Charleen, parang awa mo na..wag kang magpapakasal sakanya."

"Pwes ako meron! Naririnig mo ba iyang mga sinasabi mo?! Sasayangin mo yang magandang kinabukasan mo para saakin?! Bata ka pa Mika! Marami pang pwede mangyari sa buhay mo. May makikilala ka ng mas higit saakin, may makikilala ka ng mas maganda, mas mabait. Mas mamahalin mo." Malumanay na sabi ni Charleen, dahil gustong gusto niyang maintindihan siya ni Mika.

"Anong pakialam ko sa makikilala ko na mas higit pa sayo?! Tangina. Charleen! Wala akong pakialam kung mas may hihigit pa sayo, ikaw lang yung gusto kong mahalin."

Nagkaroon naman ng sandaling katahimikan sakanilang dalawa.

"Charleen...Mahal mo pa ba ako?"

"Sobra...sobra Mika."

"Edi ipaglaban mo naman ako...hindi ko kasi kaya itong magisa lang."

Hindi naman na sumagot si Charleen, kaya naman lumapit sakanya si Mika upang yakapin ito.

"Charleen, nagsasawa ka na ba saakin? Nagsasawa ka na ba na ako ang lagi ang kasama mo? Nagsasawa ka na ba sa pagiging immature ko? Nagsasawa ka na ba sa mga banats ko? Wala na akong magagawa doon. Ang cute mo kasing kiligin, pero para sayo sige. Pipilitin kong magbago, pipilitin kong maging mature. Charleen, sa isang araw mo meron kang 24 hours, Charleen kahit 1 minute lang yung akin, okay lang. Hindi ako magrereklamo, hindi ako magdedemand. Basta wag mo lang akong iwan. Wag ka lang mag pakasal kay Chris." Sabi ni Mika at napahangulngol nalang sa balikat ni Charleen, inayaan nalang siya nito.

Dahil hindi lang naman siya ang nasasaktan.

Sa tingin ba ni Mika, madali lang din ito kay Charleen? Sa bawat salitang binibitawan ni Charleen para siyang pinapatay ng paulit ulit. Ayaw niyang mawala si Mika. Ayaw niya, pero anong magagawa niya? Kailangan niyang mamatay mabuhay lang ito.

Humiwalay naman si Charleen dito....at tinggal ang sintas ng sapatos ni Mika.

"Im letting you go Mika."

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon