Chapter 45

552 15 11
                                    


"Mika."

Bago pa man sumakay ng kotse si Mika at niyakap ko na siya."Thank you and Im sorry Mika."

"Sorry san?"

"Sa lahat. Sa pagiwan ko sayo? Sa pananakit ko sayo? Basta sa lahat." Sabi ko pa.

Bumitaw naman na siya ng yakap at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Ako nga dapat mag sorry sayo, Cha. Im sorry, yung pinromise ko sayo bago ka umalis ng bansa."

"Dont, hindi mo kailangan. Bago palang sinabi ko na sayo, na okay lang saakin magmahal ka ng iba. Tiyaka si Rad iyon. Sino ba ang hindi maiinlove sakanya."

Bigla naman siyang ngumiti, yung ngiti na halatang mahal na mahal niya si Rad."Oo nga."

Humarap naman siya saakin at tiningnan ako sa mata.

"Pero yung promise ko na may babalikan ka? Totoo yun. Hanggang ngayon Charleen, may babalikan ka saakin, kasi kahit naman anong mangyari nandito pa rin para sayo. Hindi man tulad ng dati, pero bilang kaibigan naman."

Charleen. Nakakamiss.

"Pero may utang ka parin kwento saakin. Haha, pero saka na lang din kita sisingilin. Papasok na rin ako baka mamaya biglang magising pa si Shami."

"Haha. Ikaw rin, mauna narin ako."

Sabi niya at naglakad na papalayo.

-

Pagkatapos ng game namin ay nakita ko si Rad. Malamang si Mika ang sinusuportahan nito.

"Cha!" Sigaw niya, kaya naman nakangiti akong lumapit sakanya.

"Ahm? Si Mika?" Tanong niya.

"Ayun." Turo ko kay Mika na busy na busy na napapapicture sa mga fans.

"Alam mo minsan naisip ko, yung mga nangbash kaya kay Mika noon eh, isa na sa mga nagpapakapagod na makakuha ng ticket makita lang siya ngayon?" Biglang sabi niya and she chuckled.

"Siguro. Haha. Pero tinuloy ba ni Mika ang pagpasok sa med school?"

Bigla naman napatingin si Rad saakin.

"Gusto ko lang malaman yung nangyari sakanya, sa buong 7 years na wala ako."

Napatunggo tunggo naman ako.

"Bilang dating roommate mo, kaibigan mo,gusto ko rin syempre malaman yung kwento niyo." Mukhang nagulat naman si Rad sa sinabi ko.

"Dont worry Rad, okay lang naman saakin. Bago pa ako umalis sinabi ko sakanya if magmamahal siya ng iba. Okay lang, okay lang saakin Rad, okay lang."

Bigla naman siyang napabuntong hininga.

"Hindi pa nakakagraduate si Mika ng highschool, ay magkakilala na kami."

RADS POV

FLASHBACK

"Mika Reyes."

Ang sabi ko bago ubusin ang pang limang baso ng beer na iniinom ko sa bar na ito. Pero kahit naman maubos na ang lahat ng alak dito, hindi pa rin siya babalik saakin. Kahit gaano siya katarantado, alam ko naman sa sarili ko na sobrang minahal ko siya. Sobrang mahal ko parin siya. Pero gago parin talaga siya.

"Kailan ba kita makikita na hindi umiiyak huh?" Nagulat nalang ako ng biglang may nagsalita dito sa tabi ko.

"Mika?"

Tanong ko pa, kahit naman beer lang ang iniinom ko ay mababa lang naman ang alcohol tolerance ko. Kaya naman naglalabo narin ang mata ko.

"Sinabi ko naman na sayo diba? Mas maganda ka kung hindi ka umiiyak."

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon