Secret 26

602 22 18
                                    

Lumipas ang isang linggo. Semi finals nanaman sa PSL. Sobrang bilis. At tulad nga ng pangako ko, hinding hindi ko papalampasin kahit isang laban niya. Kahit hindi niya ako nakikita, nandito lang naman ako.

Rc cola vs F2 logistics.

Ang maglalaban sa Semis ng PSL ngayon. Para mapakita ko naman ang support ko para kay Ms ay tinweet ko nalang siya gamit ang fan account ko na even sila Kim and Ara ay hindi alam.

@Msmseverything: go ms everything @chaarcruz I know you can do it!

@msmseveverything:Pls no injuries ah! 😕 Take care coz I love you.

@msmseverything: hindi rhyme eh! Pero ayaan mo na magkarhyme naman sa pandinig ko ang

@msmseverything: I love you Charleen. 😘

@chaarcruz: and I love you too. He he 😘💚

Nag sign in naman ako sa isang account ko at nagtweet.

@mikareyesss: go buday!!! @rachdaquis03 go lang ah pero..meheheheh :))))

@rachdaquis03: go buday pero dapat wag kayo manalo. Utut sayo na goodluck mo!

@mikareyesss: Ay ang gara nun chinecheer ka na nga.

@rachdaquis03:Che!

@mikareyesss:Cha ka rin!

@rachdaquis03: HUH

@mikareyesss: che** di tayo bati binabawi ko na ang goodluck ko.

ilang sandali lang ay nagsimula na ang game.

Pagkatapos ng game ay nagulat nalang ako ng bigla akong pinuntahan ni Cienne.

"Sobrang happy niya sa binigay mong Olaf, and tulad ng sabi mo dapat hindi niya malaman na sayo nanggaling kaya sabi ko ako na ang bumili. She misses you a lot Mika. She really loves you."

Sabi niya kaya naman napayuko nalang ako.

"Sabi nga niya nung gabing iyon.'Cienne, akala ko okay na lahat, pero bakit kailangan may magbago? Bakit kailangan niyang magbago? Cienne sobrang dami kong tanong na siya lang ang makakasagot, pero paano pa masasagot ang mga katanungan na iyon, kung iniwan na ako ng sagot? Kung iniwan na niya ako?' "

Napatingin naman ako kay Cienne, at seryosong seryoso ang mukha niya.

"Sumama ka mamaya sa dinner okay? Ipaliwanag mo sakanya. She's Ms everything, I'm sure she'll understand."

Napabuntong hininga naman ako.

DINNER.

"Cienne nasan na ditse mo?" Tanong ko.

Naoop na kasi ako dahil puro player ng PSL ang nandito.

Nagulat naman ako ng magkasamang dumating si Chris at Charleen.

Nasa restaurant kami ngayon so dapat kakain kami, pero hindi parang ako yung kinakakain. Kinakain ng selos.

Nagulat naman ako ng biglang may nangbatok saakin.

"Dapat hindi ka nanood malas ka lang eh!"

Napatingin naman ako kung sino yun..Ang Reyna pala...Reyna ng amazona!

Ewan ko ba diyan, minsan sweet madalas ang sarap pakain ng maraming sweets ng msgka diabetes na.

"You watched?" Ilang linggo na ang nakalipas simula ng marinig ko ang boses niya ng malapitan. Kaya naman pakiramdam ko nanginginig ang buong kalamnan ko.

'Ah- o-o." Sagot ko na lang. Habang ang katabi ko naman ay napainom naman ng tubig.

"Ah..sabagay game ni Ate Rad eh. Bagay kayo." Sagot pa niya habang kumakain.

Bagay kayo.

WOW

"Huh? Anong sinasabi mo? Eto? Eh malas ito sa buhay ko eh tsaka...H-indi naman sa ganon yun Cha eh."

Pagkasabi ni Rad nun I saw her smirks."Talaga ba?"

"Bagay naman sila diba?" Ate Jovs.

"Oo nga bagay...Hmmm parang queen and king lang! Hahaha" ate paneng.

Pagkasabi naman nila nun ay pinagsiksikan ko ang ulo ko sa likod ni Rad. Shit naman nakakahiya lang kasi. Hindi naman ganon yun! Kung pwede lang pagsisigawan ko na kung gaano ko siya kamahal eh!

Ilang sandali lang ay nakarinig ako na may gumalaw na bangko at ang boses niya.."Excuse me."

Pagkaalis niya ay inangat ko na ang ulo ko at nakita ko ang kunot noo ni Cieene na parang sinasabing sundan mo.

Kaya walang ano ano sinundan ko siya..

Nakita ko naman siya lumabas ng restaurant. Eh umuulan pa naman.

"Cha."

Tangina ang galing mo Mika, ang galing mo.

Napalingon naman siya.

"Cha bumalik ka sa loob umuulan! Magkasakit ka!" Sabi ko sakanya.

Pero imbis na bumalik siya umupo siya sa gater.

"Cha ano ba?!"

"Mika...I love you."

Kasabay ng pagtigil ng ulan ang, pagtigil ng tibok ng puso ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong sabihin kung gaano ko siya kamahal.

"Cha bumalik ka na loob."

"Mika, mahal kita."

Napaiwas nalang ako ng tingin.

"Ms Mika Reyes may aaminin ako sayo."


"Ano iyon?"

"ang sakit na ang sakit sakit na."

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon