Secret 32

602 24 9
                                    


"Bruh, mahihimatay ata ako."

Biglang bulong naman ni Ara saakin. Agad ko naman siyang binatukan, puro kalokohan eh."Bahala ka, iiwan kita dito." Sabi ko pa.

Agad ko rin naman tiningnan ulit si Charleen, na kasulukuyang nagbabayad ng ticket namin. Sabi ko nga ako nalang eh, o kaya naman samahan ko na sila. Kaya lang naginsist talaga na sila nalang ni Cienne ang magbabayad at standby nalang kami ni Ara dito.

Speaking of Ara, hala ang gago di mapakali."Kiti kiti ka ba? Napaka mo. Tsaka ayos yang polo mo brad ah? Mukhang pamasko mo na yan ah. Hahahaha!"

Sabi ko at tumawa. Inirapan naman niya ako at nagbuntong hininga na ulit."Paano mo ba nagagawa na kumalma ah? Parang dati lang kapag nandiyan si Ate Cha, mas grabe ka pa saakin!"

Kumalma? Kahit kailan hindi kumakalma ang puso ko kapag nandiyan siya.

"Kumalma? bruh! HashtagKiligszx parin naman kapag nandiyan siya. Hindi na iyon mawawala, kaya lang yung saamin kasi ni Charleen. Iba na eh, yung love ko for her hindi nalang dahil sa idol ko siya. Yung love ko for her is iba na, i cant explain basta kapag kasama ko siya parang napupunta ako sa ibang planeta. Para bang kausap ko ang stars. Iba eh, iba."

Nagulat nalang ako ng biglang may nagakbay saakin. Si Cienne lang pala.

"Kaya botong boto ako sayo eh. Lakas mo makapakilig."

Hala, kanina pa kaya sila?

"Wait! Cienne! Si Ara." Pakilala ko.

Tiningnan ko naman si Ara. Kung kanina parang kiti kiti. Ngayon naman parang tuod. I know brader! Ganyan rin ako nung unang nagkita kami ni Charleen.

Nang pumasok naman na kami ng skyranch.. Huminto ako sandali at sinuot kay Ms ang shades.

"Wow idol talaga toh. Tsktsk."

Pagkatapos ko ayusin ang shades niya ay hinawakan ko na ang kamay niya.

"Bale magkita kita nalang tayo dito mamaya okay? Mga 9pm?" Sabi ko at hinigit ko na si Charleen paalis.

"Akala ko ba the more the merrier?" Sabi niya then we both chuckled.

"Mas merrier kapag tayo lang." Sabi ko then I wink 😉

"Hmmm... Anong gusto mong i i ride na una? Hmmm... Super vikings?"Tanong niya. Napangiti nalang ako at inakbayan siya.

"Ang super vikings na ride is parang kapag sumakay ka doon, malalaglag ang puso mo diba? Eh kung titigan nalang kaya kita? Kasi kapag tinitingnan kita, nafafall ng paulit ulit ang heart ko."

"You, and your banats!! Hay nako." She giggled. Then kinurot niya yung cheeks ko.

Nagdecide naman kami na kami na super vikings ang unang sakyan.

"Sure ka ba na ayaw mong magtitigan nalang tayo? Mas makakamura tayo doon."

Sabi ko at parehas naman kami napatawa. "Takot ka lang eh." Asar niya.

Ako takot? Hindi nga ako natakot na mahalin ka eh, kahit nanunutok ka pa ng kutsilyo. Sasabihin ko sana kaya lang, syempre ayaw ko naman i-ruin yung moment. Kaya shut up nalang me. Tsaka kahit naman ganon, manahalin ko parin siya ng paulit ulit.

After ng ride na iyon ay nag sky cruiser kami. Naglaro rin kami ng mga games na imposible manalo sus! Tapos ay nag carousel kami and last ferris wheel.

"Mika..."

"Hmmm.."

"Hindi na ako makakapag laro sa psl afc." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Pinrocess narin yung paper, so three months.."

Hindi na niya natapos ang sinasabi niya dahil biglang may tumulong luha sa mga mata niya, na agad ko rin naman pinahid.

"Bakit ka umiiyak? Dapat masaya ka nga eh, kasi matutupad na iyong pangarap mo." Sabi ko at niyakap ko siya ng mahigpit.

Sa totoo lang, syempre sobrang nalulungkot ako. Bat parang ang bilis lang diba? Pero pangarap niya yun, kaya dapat suportahan ko siya. Hindi lang dahil gusto ko, kundi dahil sobrang mahal ko siya.

"Ayokong iwan ka, Mika." Sabi pa niya.

"Hindi mo naman ako iiwan eh, tutuparin mo lang yung mga pangarap mo. Tsaka isang taon nalang ggraduate na ako, pwede na kitang sundan."

"Eh paano naman yung mga pangarap mo? Akala ko ba magiging successful doctor ka dito sa pilipinas? Gusto ko tuparin mo rin yung pangarap mo. Gusto ko sabay natin tutuparin ang mga pangarap natin." Sabi pa niya.

Kaya napabuntong hininga nalang ako at tiningnan siya, mata sa mata.

"Sige sabay natin tuparin ang mga pangarap natin. At pinapangako ko sayo Charleen, may babalikan ka dito, may babalikan ka sa pilipinas, may babalikan ka saakin Charleen."

Sabi ko...then I kiss her soft lips.

"I love you Ms."

"I love you too Driver."

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon