Chapter 57

495 19 2
                                    


"Parang malulunod na ako ah."

"Huh?"

"Ang lalim kasi ng iniisip mo."

Umupo naman na siya sa tabi ko.

"Nakabalik na siya Mika."

"Alam ko, chinat ako ni Ara."

"Babalik ka na rin ba sakanya?"

Napaharap naman siya dahil sa sinabi ko, gulat? Siguro?

"Hindi mo ba siya namiss?" Tanong ko pa.

"Rad, ano ba iyang sinasabi mo?"

"Reality? Mika kasi, alam ko kung gaano mo siya kamahal. Kaya kung ano man yang magiging desisyon mo, okay lang saakin. Magiging okay din saakin, basta alam kong masaya ka."

Nakita ko naman na napabuntong hininga siya, hinawakan din niya ang kamay ko at tumingin saakin.

"Ikaw yung reality ko. Saan ako magiging masaya? Sayo. Sayo Rad, mahal kita. Kaya sayo lang ako sasaya ng ganito. Mahal kita Rad. Mamahalin kita, ngayon, bukas, habambuhay. Kaya kung ano man iyang iniisip mo. Itigil mo na at wag mo ng isipin pa, dahil ikaw na yung mahal ko ngayon. Kaya kahit anong mangyari, ikaw at ikaw ang pipiliin ko."

"Rad."

Iniangat ko naman ang ulo ko para makita siya.

"Mika."

"How's Shami?"

"She's.....fine?"

Naupo naman kami.

"Bat hindi ka sigurado?"

Hinawakan naman niya ang kamay ko.

"Ngayon okay siya, pero paano bukas? Sa susunod na linggo? At sa mga susunod pa. Isang buwan palang ko palang nakakasa si Shami, pero sobrang mahalaga na siya saakin. Paano pa kaya si Charleen? Eh anak niya yun."

Mas hinigpitan ko naman ang hawak ko sa kamay ni Mika. Kahit naman ako, naging mahalaga na din naman saakin si Shami. And yung thought na mawawala siya? Sobrang sakit na para saakin. Paano nga kung si Cha pa?

"Hay Queeny, halika na. Pahinga ka muna. Hatid na muna kita sainyo."

Tumayo naman na ako."Magtataxi nalang ako, pagod ka na rin."

"Ako pagod?"

"Oo!"

"Sino nagsabi?"

"Yung eyebags mo nagsabi, chinika saakin."

Napatawa naman kami parehas. "Oo nga, pagod na ako. Kailangan ko ng mag charge."

"Mag charge? Ano ka battery?"

"Oo at ang kiss mo ang charger ko."

Kinurot ko naman siya sa pisnge. Pasaway.

"Hahaha. Pero sa ngayon, pwede na muna saakin ang hug."

Sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

"Wait lang Queeny, papaalam na muna ako."

Sabi niya at bumalik sa room ni Shami, ilang sandali lang..

"Rad."

"Chris."

"Hi?"

"Hi."

"Naikwento na pala sayo ni Cienne ang lahat?"

Oo ang lahat.

Lahat na ako pala ang may kasalanan.

"Im sorry, sorry sa ginawa ko. Sorry rin, pero i dont feel sorry sa pagmamahal ko sayo. Pero im happy na happy ka, na masaya kayo."

"Ano bang gustong sabihin ko? Thank you? Thank you sa ginawa mo kay Mika noon, dahil doon na realize niya na ako pala ang tamang tao para sakanya? Chris hindi ko hiningi sayo yun."

"I know."

Magsasalita pa sana ako ng biglang nakita kong pabalik na si Mika. Kaya naman agad ko siyang pinuntahan.


"Sige na Queeny, pasok ka na. Babalik pa ako ng hospital eh."

"Mika."

"Hmm?"

"I love you."

Ngumiti naman siya at sinabing."I love you too. Sige na pasok ka na."

"Sandali lang."

Hinawakan ko naman na ang kamay niya at nagsimula magkwento. Kung anong reason ni Chris, bakit niya ginawa yun. Kung bakit hindi nagpakasal si Chris at Cha. Kung bakit may Shami. At kung gaano siya kamahal ni Cha. Kasi alam ko dati kahit anong sabi ko na kung gaano siya kamahal nito ay hindi siya nakikinig, para sakanya iniwan siya kasi hindi siya kayang ipaglaban nito.

Tanga ba ako? Para itanong pa sakanya kung..

"Wala namang nagbago diba?"

O mas tanga ako kasi agad na din akong umalis, dahil umaasa ako na baka wala nga.

Sana wala nga.

Pero alam ko naman eh.

Ang bilis ng 2 years.

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon