Chapter 62

418 14 0
                                    




"Ginawa niya talaga yun?" Pang isang daan na tanong na ata ni Cienne saakin. "Yup." At pang isang libong sagot ko naman na.

"Alam ni Ate Rad?" Tanong niya pa.

"Yup."

Sagot ko at nilagay na sa oven ang cookies. "Wow."

Bumalik naman na ako sa kinapepwestuhan ko kanina at humarap sakanya. "Wow?"

"Wala lang."

Napailing iling nalang ako. "Pero sinabi ko naman na sakanya na hindi niya na kailangang gawin yun."

"Sa tingin ko kailangan niya." Sagot naman niya.

"At bakit? Hindi na ako bata para alaagaan noh. Tiyaka naiisip ko rin si Rad, kung totoong okay lang ba sakanya yun. I mean c'mon Cienne, hindi naman lihim yung saamin ni Mika noon. Alam nating lahat kung ano yung nangyari. Kaya nga una palang ayoko na nung idea na iyon ni Mika. kaya lang anong magagawa ko? Si Mika iyon. Hindi titigil yun hanggat hindi niya nakukuha yung gusto niya. Pero kung ako lang ayoko, ayokong mapalapit pa ulit sakanya."

Hinawakan naman niya yung kamay ko at tumingin sa mga mata ko. "Ditse, mahal mo pa ba si Mika?"

Napabuntong hininga nalang ako sa tanong niya. "Cienne."

Kailan ba ako tumigil?

"O sige iibahin ko yung tanong baka sakaling masagot mo na, napapasaya ka ba ni Mika?"

"Sobra."

"Ayun naman pala eh, bakit mo ilalayo yung sarili mo sa taong nag papasaya sayo?"

"Kasi Cienne hindi tama."

"Paanong hindi tama? Ditse, pwede ba? Maging selfish ka naman kahit konti. Kahit ngayon lang isipin mo naman yung kasiyahan mo, iyang sarili mo hindi naman pwedeng puro yung iba nalang iniisip mo. Paano naman yung ikaw? Tiyaka Kahit yung mga bata pa tayo ditse, laging kami ni Camille yung inuuna mo kaysa sarili mo."

"Kasi nga kapatid ko kayo. Gusto kong ibigay lahat ng mga bagay na makakapag asaya sainyo."

Pero parang hindi siya nakinig sa sagot ko at nagpatuloy lang sa pagsasalita.

"Tapos yung kay Mika, alam ko kung gaano mo kamahal si Mika. Pero nagawa mo siyang i-let go para lang hindi siya masaktan pa ni Chris, at sa kabila ng lahat ng sakit na naramdaman mo dahil sakanya, hinayaan mo parin siyang maging ama para kay Shami Hinayaan mo siyang tumira sa iisang bubong kasama siya. Kinaya mong itago lahat ng sakit. Kahit naman kayang kaya mong palakihin si Shami ng magisa.Tiniis mo ang lahat para kay Shami. Mahal na mahal mo si Mika, pero hinayaan mo lang siyang mapunta kay Rad ng ganon lang.."

"Cienne, anak ko si Shami. Lahat ng sakit, lahat ng sakripisyo,at lahat ng lahat pa kaya kong ibigay sakanya. Kahit yung buhay ko willing akong ibigay sakanya, makasama ko lang siya kahit sandali lang. Lahat kaya kong gawin para sa anak ko. Para kay Shami, at yung kay Mika? Siguro ganon nalang yun, kasi may mga bagay na pwede pa...at may mga bagay na hindi na."


~


"Ikaw lang magisa?" Tanong ni Mika.

"Actually, dati kapag may mga ganitong seminar. Kasama ko si Manang, eh kaya lang wala siya nga siya. So ako nga lang magisa."

"Oh." Sagot niya.

"Yep, o sige na Inday mauuna na ako."

"SANDALI MAAAMMM!"

"Bakit?"

"Sama ako."

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon