Chapter 53

532 16 4
                                    


"H-huh?"

Imbis na sumagot siya ay may kinapa naman siya sa bulsa niya.

Bigla naman napakunot ang noo ko ng ilabas niya yung balot ng oreo na kinain niya kanina.

Bigla rin naman niyang tinali ito sa daliri ko,bigla naman siyang humarap saakin at ngumiti.

"Natraffic yung singsing sa edsa eh, kaya ayan muna."

Sabi niya pa.

Bakit ko ba minahal itong taong toh? Eh puro kalokohan lang naman ang nasa isip.

"Pero wag mong isipin na nagbibiro ako ah?"

Mas iniisip ko nga kung saan mo nakuha yung lakas ng loob mo na sabihin saakin na, 'wag mong isipin na nagbibiro.' Ka.

Tumayo naman na siya at inakbayan ako, sabay naman namin pinanonood ang fountain show ngayon.

"Queeny."

"Hmmm."

"Seryoso ako sa sinabi ko ah."

Napatingin naman ako sakanya at sinabing."Oo na."

"Parang napipilitan ka pa ah." Sagot naman niya.

Sabay naman kaming napatawa.

"Seryoso na, nakikita mo yang napakagandang fountain na iyan?"

Tumungo tungo naman ako."Oo."

"Hindi ko kayang ibigay sayo yan."

She chuckled.

"Seryoso ka na sa lagay na iyan ah?"

"Oo nga."

Tinanggal naman niya ang pagkaakbay saakin at hinawakan ang kamay ko.

"Seryoso naman ako ah! Hindi ko kayang ibigay sayo yan, kasi hindi naman ako mayaman noh." Tumigil naman siya sandali at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. "Ang kayang ibigay ko lang sayo, Queeny. Yung puso ko buong buo. Bawat pintig, bawat dugong dadaloy, kaya wag ka- ay mali! Dapat pala ano ehem ehem. Bawal kang umalis sa tabi ko, kasi ikamamatay ko yun. Nasa iyo na puso ko eh." Seryosong sabi niya.

"Tara na nga uwian na! Ginaligan mo na masyado."

Sabi ko nalang sakanya.

Hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin.

"Pagginagalingan laging may prize diba?" Sabi niya at nagpout.

Napatawa naman ako bigla. Ang kulit talaga! Ang kulit kulit.

"Prize ka diyan."

-

"Ako na kaya mag drive noh?"

Napailing nalang ako.

Ang creepy niya kasi eh, panay ngiti.

"Ano nanaman? Inaano ka nananman diyan?" Tanong niya. Pero nakangiti parin siya.

"Ang creepy mo, alam mo yun?"

"Creepy ka diyan? Yan ba ang definition mo sa kilig?"

"Kilig ka diyan?"

"Oo nga."

"Oo na."

Napangiti nalang ako at napatingin sa bintana.

Teka nga? Saan ba ako nahinto sa pagkukwento kanina?

Ah sa hospital.

-----

Kanina pa ako nakapikit dito, bat ba. Pinipilit ko matulog eh. Kukuhaan daw ng dugo eh! Bat ba. Malay niyo naman pwede parin kahit natutulog. Bat ba?

Narinig ko naman na bumukas ang pinto.

"Jusko."

Agad naman akong pumikit ulit.

"Rad."

Teka?

Hindi naman boses ng nurse yun ah? Boses ng anghel. Kukunin na ba ako? Joke lang. Si Mika lang talaga yun.

Naramdaman ko naman na may humawak sa kamay ko.

"Rad, gumising ka naman na diyan oh. Sorry na."

Naramdaman ko rin na biglang nagbasa nalang ang braso ko. Umiiyak ba siya?

"Sige na, gumising ka na. Promise hindi na ako magiging sakit ng ulo sayo."

Napangiti nalang ako at binuksan ang isang mata ko para makita siya.

"I promise mo din na hindi ka na iinom."

"Huh? Bat pati yun?" Reklamo niya.

"Ayaw mo? Sige. Mamatay nalang ulit ako."

"Hala ang oa!"

Sabi niya, kaya naman sabay nalang kami napatawa.

"Wag mo ng gagawin yun ah?" Sabi niya.

"Alin?"

"Ayun, na inuuna mo pa ako kaysa sarili mo."

"Mika."

"Mahal mo ako diba?"

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"O-o."

"Edi ayaw mo ako mamatay niyan?" Tanong niya, hinampas ko yung braso niya.

"Aray! Sigurado ba ang mga doctor dito na may sakit ka?" Reklamo niya.

Inirapan ko naman na siya."Ako itong nakahilata dito, tapos ikaw pa nag sasabi ng ganyan."

"Seryoso naman ah! Ano gusto mo ba ako mamatay o hindi?!"

Sigaw pa niya, abat!

"Syempre hindi!"

Bigla naman siyang ngumiti.

"Edi wag mo ng uulitin yun, kasi muntik na akong mamatay kakaalala sayo Rad. Alam mo ba yun?"

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon