Chapter 49

460 15 3
                                    


Akala ko dati masakit na iyong, makita mo siyang magmahal ng iba. Mas masakit pala yung nakikita mo siyang nasasaktan, pero wala kang magawa.

"Halika na Mika, balik na tayo ng hospital." Mahinahon na sabi ko sakanya.

"Rad ang sakit, ang sakit sakit."

"Kaya nga pupunta na tayo ng hospital, para mawala na yung sakit."

Nakangiting sabi ko sakanya.

Sana kaya kong pagaanin ang loob niya, sana kaya kong tanggaling lahat ng sakit na nararamdaman niya.

Lumipas ang mga araw, hindi ako umaalis sa tabi niya. Kasi alam ko sa mga panahon na ito, kailangan niya ako. Kailangan niya ng kaibigan.

Papalabas na sana ako ng pinto ng biglang pagbukas ko ay biglang nakita ko siya.

"Cha? What are you doing here? Diba ngayon ang flight mo papuntang LA? Teka 5pm yun diba? 3:30 na!" Sigaw ko sakanya.

"Can I ask you a favor Rad?"

Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko.

"Cha?! Ano bayan! Tumayo ka nga diyan."

Pero imbis na tumayo siya ay unti unti nalang tumulo ang luha niya.

"Please Rad, habang wala ako. Alaagan mo siya. Pasiyahin mo siya, wag mo siyang iiwan. Im begging you please."

"Cha you dont have to beg, kahit hindi mo sabihin gagawin ko. Kaibigan ko si Mika. Hinding hindi ko siya iiwan."

Sabi ko at itinayo ko siya.

"Thank you, thank you."

Ngumite naman ako."And makakaasa ka na babangasan ko ang mukha ng kung sino mang aagaw sayo kay Mika."

Napatawa naman siya."Pero kung ikaw, okay lang. I wont mind."

"H-uh?"

Bigla naman niya akong tinapik sa braso at sinabing."Kung hindi man kami magkatuluyan ni Mika. Kung mapagdedesisyunan niyang magmahal ulit, mas mapapanatag ako kung ikaw. At least alam kong hindi mo siya iiwan. Hindi tulad ko." She chuckled.

"Oh sige na, mauuna na rin ako Rad." Sabi niya.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Maleta toh ni Cha ah?"

Sabi ko at hinabol si Cha sa labas, kaya lang hindi ko na siya naabutan kaya hinatid ko nalang ito bahay nila.

Pagpatak ng 6pm ay agad ko ng tinawagan si Mika, alam ko namang alam niya na ngayon ang alis ni Cha.

Mika.

Oh?

Teka lasing ka ba?

Huh?

Lasing ka ba?

Ako lasing? Hindi ah! Nagjojoke ka ba Kim?

Napairap naman ako sa sinabi niya, hindi nga siya lasing.

Nasaan ka?

Huh?

Nasaan ka nga?

House.

Agad ko naman binaba ang cellphone ko at pinuntahan siya sa bahay niya.

Pagkarating ko ay amoy agad ng alak ang sumalubong saakin.

"Mika?"

Nakita ko naman siyang nakaupo lang sa isang sulok.

"Mika."

Agad ko naman siyang nilapitan at umupo sa tabi niya.

"Oyyy."

Sabi niya at tumawa.

"Mika si Rad ako."

"Alam ko."

"Hindi mo kailangan magpanggap saakin, kung naiiyak ka umiyak ka."

Niyuko naman niya yung ulo niya at pinaglaruan yung bote ng beer.

"Ilang beses ko ng sinabi ito, pero sasabihin ko parin. Sobrang mahal ko si Charleen. Kahit ata segusegundo ko sabihin yun, hindi ako magsasawa."

Nakinig lang ako sakanya.

"Sana kapag sobrang sakit na, pwede mong iutos sa puso mo na tama na."

"Pero hindi yun pwede, kasi hanggat mahal mo siya, hanggat may nararamdaman ka. Masasaktan at masasaktan ka."

"Ganon ba yun?"

"Oo daw."

Parehas naman kaming napatawa.

"Edi dapat pala, tiisin ko nalang yung sakit." Sabi niya kaya naman napatingin ako sakanya.

"Kasi mas kaya kong tiisin yung sakit na nararamadaman ko, kaysa tumigil na mahalin siya. Mas hindi ko kaya yun."

Sa sinabi niyang yun ay napaiwas ako ng tingin at kinuha ang beer na nasa tabi ko at ininom ito.

--

So ayun yung dahilan kung bakit naiwan ni Cha yung maleta niya lololololol hahahha 🤔🤔🤔😂😂😂😂

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon