Chapter 60

440 18 0
                                    



"Mika? Anong ginagawa mo dito?" 

Bago pa ako humarap ay pinatay ko na muna yung stove at nilagay ang plates sa table. "Kain na." 

Sabi ko at inalalayan siya paupo. "Hindi mo parin sinasagot yung tanong ko, bakit ka nandito? Nasaan si Manang? Bakit ikaw yung nagluto?" Sunod sunod na tanong niya.

"Si Manang? Nako umuwi sa probinsya nila, kasi yung Nanay niya sinugod sa hospital." 

"Pero bakit ka nga nandito?"

"Ako muna bagong katulong mo." Ngiting sabi ko sakanya, at sumubo ng bacon.

"What?"

"Yep."

"Seryoso ako, Mika. Anong ginagawa mo dito?"

"Seryoso din ako Mam Charleen."

Napailing iling naman siya. "Ayoko."

"Pero marunong naman ako ng gawaing bahay, marunong akong maglaba. Marunong akong maglinis ng bahay, gusto mo pati bahay ng kapitbahay niyo linisin ko. Pero ako hindi ko yun gusto. At higit sa lahat Charleen! Masarap ako!" Napatingin naman siya saakin. "Magluto." Dugtong ko pa.

"Sobrang dami mo nmana palang kayang gawin, wala akong perang pangbayad sayo Ms Reyes." Sagot naman niya.

"Pero..okay lang naman saakin kahit maliit sweldo ko."

Pagpapatuloy ko pa. Hindi ko naman maiwasang mapangiti, kahit sobrang seryoso siya. Nagsimula naman na siyang kumain, at biglang ngumiti.

"Ayan bayad ka na."

"Huh?" Takang tanong niya.

"Okay na saakin sweldo yung pagngiti mo." Sagot ko pa.

"Ang sweldo mo ay ang mga ngiti ko, pero paano kapag naiyak ako? Nalungkot ako, edi fired ka na nun?" Sagot naman niya and she chukled.

Tumingin naman ako ng seryoso sakanya, para naman malaman niya na seryoso ako sa sasabihin ko. "Kaya nga ako nandito eh, kasi hindi ko hahayaan na malungkot at lalong umiyak ka. KATULONG mo ako, kaya sa lahat ng sakit kasama mo ako, tutulungan kita."

Pagkatapos namin kumain ay agad ko narin niligpit ang pinagkainan at hinugasan ito. Nagsimula narin akong magwalis ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"Pati yung bahay ni Mona pakilinis na din please." Sabi nito at umupo.

Natawa nalang ako, atleast kahit papaano nakakapagbiro na siya. 

"Mika, seryoso."

"Anong seryoso? Gusto mo talaga ako paglinisin ng bahay ni Mona? Eh hindi ko nga kilala si Mona?" Kunot noong tanong ko sakanya,bigla naman siyang tumawa. Okay?  "Okay anong nakakatawa?" Reklamo ko sakanya.

Sumeryoso naman na bigla yung aura niya.

"Hindi mo kailangan lahat gawin ito."

"Ah, oh sige mamaya ikaw nalang mag mop.' Sabi ko at ngumiti sakanya

"Mika alam mong hindi yun yung sinasabi ko, hindi naman porket nag promise ka kay Shami'"

Pinutol ko naman na yung sinasabi niya,"Charleen, kahit hindi ako nagpromise kay Shami gagawin ko pa din ito." Sagot ko sakanya.

"Bakit?"

"Bakit hindi?"

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon