Secret 12

697 22 3
                                    

"Pag natalo tayo ililibre tayo ni Mika ng pizza!" Sigaw ni Ate Mich.

Habang ako dito tahimik lang, ayokong magsalita. More like ayoko magkamali. Dahil nandito lang siya. Dahil sila ang makakalaban namin.

"Baka naman kapag nagstart na ang game titigan mo nalang si Cha ah?"

Augh! Napailing nalang ako at nilagay ang towel sa ulo ko.

Nagulat nalang ako ng biglang may nagtanggal ng towel sa ulo ko. Hahampasin ko na sa na sana sa ulo ng bote ng gatorade. Sigurado naman ako na si Kim o Ara iyon eh. Sila lang naman ang tarantado kong kaibigan eh.

"Hey."

Napatigil naman ako ng bigla siyang nagsalita.

"Ms- Charleen!"

Shit! Buti nalang talaga nagsalita siya. Kundi nahampas ko na siya ng bote ng gatorade. Kasalanan nanaman ni Kim at Ara yun.

"Diba sabi ko sayo kapag nag meet ulit tayo is ako na ang magpapaselfie sayo."

Nagulat naman ako sa sinabi niya, kasabay naman nun ang pagupo niya sa tabi ko at ang paglabas niya ng phone niya.

"Pa selfie po Idol."

Sabi niya sabay ngiti.

Charleen...

Hay, dati pinangarap ko ito. Yung magiging close kami, yung magkekwentuhan ng ganito. Kaya lang ang hirap pala lalo na kapag alam kong lumalagpas na ako sa limitations ko as a fangirl. Ang hirap pala kung nagugustuhan mo na siya hindi na bilang isang iniidolo, kundi bilang siya mismo.

"Smile ka naman diyan. Haha."

Pagkatapos namin magpicture. Tiningnan naman niya ako, sa buong buhay ko ngayon lang ako na conscious sa itsura ko. Dati kasi kahit di ako magsuklay okay lang, I mean diba? Sila na nga lang makikitingin eh. Pero iba ito eh. Si Ms. Charleen toh eh.

"Wait! We're playing against your team pala! Hala."

Sabi niya at tumawa. Alam ko kaya nga hindi na ako mapakali eh. Huhuhu.

"Ah...oo." Sabi ko nalang at napaiwas ng tingin.

"Ang weird lang noh, kung gaano kaingay ang isang tao sa social media ganon sila katahimik sa personal."

Sabi niya at tumingin saakin. Kaya naman napakamot naman ako sa batok ko sa hiya.

"Kasi nahihiya ako sayo eh."

Pagamin ko.

"At bakit naman?"

Tanong niya saakin. Napaayos naman ako ng upo at napaiwas ng tingin.

"Kasi nga yung nangyari diba?" Sabi ko sakanya.

Mannerism ko na ata matawa sa seryosong sitwasyon kaya ayan napatawa nalang ako.

Bigla naman nawala ang ngiti sa mga labi niya at napaiwas ng tingin.

"Kalimutan mo nalang yun." Sabi niya.

Kaya naman naguilty nalang ako bigla.

"Sorry."

"Hay nako! Tara na warm up na. Aba!" Sabi niya sabay hila saakin.

Ilang minuto lang din naman ay nagsimula na ang laro.

Well syempre nanalo sila. Nang patapos na ang game at magkakamay na ang players..

"Hey."

Sabi ni Ate Rad at bineso ako.

After din naman nang match ay nagstart na ang team building games na umabot din naman ng ilang oras.

"Hoy! Mauuna na ako sa room ah." Paalam ko sakanila at naglakad na pabalik sa room.

Pagkarating ko sa room ay nagshower na agad ako. Pagkatapos non ay lumabas na ako para pumunta ng lobby.

Pagdating ko sa lobby ay wala pa sila kaya naman napagdesisyonan ko na maglakad lakad muna.

Habang naglalakad ako.

"Shit ano yun? Ate Rad ikaw nanaman ba iyan?"

Out of nowhere na sabi ko nalang iyon.

Pero parang hindi na boses ni Rad yun eh.

"Hoy! Sino yan! Wag kang magbiro ng ganyan sasapatosin kita!"

Sigaw ko at tumingin ako sa paa ko."Tsinelas pala!"

"Tsisinelasin kita!"

Ang weird ko ba at naglalakad pa ako sa tunog ng umiiyak?

Nang makita ko kung sino yun ay hinubad ko ang suot kong jacket at pinatong sakanya.

"Alam mo Ms, Charleen. Masyadong magaganda ang mga mata mo para lang mabasa ng mga luha na iyan."

Sabi ko sakanya kaya naman napatingin siya saakin.

"Ano may ihuhulog na ba ako sa henry sy buildinbakit Napatawa naman siya.

Lahat ng hiya ko nawala. Para bang wala na akong pake basta mapatawa ko siya.

"Alam mo ba ang reason kung bakit ako nagreact ng ganon nung sa issue kay Chris?"

"Hmmm?"

"Pinapaasa niyo ako eh. Haha."

Kasabay ng pagtawa niya ang pagpatak ng mga luha niya.

"You like Kuya Chris?"

Napatigil naman siya sandali.

Parang ako rin napatigil ang tibok ng puso ko sa sagot niya.

"I love him, Mika. I am in love with Chris."

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon