Chapter 54

510 16 5
                                    


Sobrang bilis ng paglipas ng panahon, tinupad naman ni Mika yung sinabi niya. Nagpakatino nga siya at idagdag mo pa ang nagmed school nga siya. Mga tatlong taon na rin ang nakalipas nung umalis si Cha, pero halata naman kay Mika na mahal pa niya ito.

At ako? Kailangan pa bang itanong iyan? Syempre mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal, sabi nila 'habang tumatagal lalong sumasarap' eh bakit yung narararamdaman ko sakanya, habang tumatagal lalong sumasakit?

Ang pinagkaiba nga lang ngayon ay may napagsasabihan na ako.

Si Jovs.

"Masakit na pala eh, bakit hindi mo na itigil? Bakit hindi mo iwasan?"

Sabi niya habang namimili ng papanoorin naming movie, trip niya mag ovetnight daw eh. Ewan ko diyan.

"Hunghang ka ba? Kung pwede lang diba? Iniwasan ko na siya at magmove on na. Eh kaya lang nung sinubakan ko na iwasan siya, mas lalo ko lang siya namiss. Hindi ko matiis. Edi ayun." Sagot ko naman.

"Eh kung encantadia nalang kaya panoorin natin noh?" Napatigil siya sandali at humarap na saakin. "Dahil mala amihan naman ang pagmamahal mo sakanya. Bulong mo nalang sa hangin, dahil wala naman siyang pake." Pagpapatuloy niya pa sa sinabi niya.

"Umalis ka na nga lang dito."

"Joke lang! Ito naman." Sabi niya at may isinalang na siya sa DVD.

"Ano yan?"

"The little prince."

"Bakit iyan?!" Reklamo ko.

"Bakit?! Maganda naman iyan ah!" Reklamo niya at kumain na ng chips.

Eh maalala ko lang si Mika diyan eh! Para siyang si Little prince, tapos syempre yung rose...si Cha.

Hindi ako.

Never magiging ako.

"Wag mo namang sabihin na pati little prince, eh maala mo pa siya Mika ah." Sabi niya pa.

Dahan dahan naman ako napatungo.

"Anak ng-"

"Bakit ba?!"

Sandali naman siyang tumayo at pumunta sa kusina. Pagbalik naman niya ay may dala na itong alak at bigla naman niyang pinatay na ang palabas.

"Hoy bakit mo pinatay?!" Reklamo ko pa.

"Hindi mo kailangan niyan, mas kailangan mo ito."

Sabay lapag ng alak sa lamesa." Ginawa mo pa akong lasengga, buset ka."

Napatawa naman siya. "Ang tagal na din kasi since nagdrama ka eh, nakakamiss lang. Mga isang araw na din yun."

Inirapan ko naman siya."Gustong gusto mo talagang nasasaktan ako noh?"

At tinungga ko na yung beer.

"Joke lang, gusto lang talaga kita konsensyahin na si Mika pinatigil mong uminom, tapos ikaw inom ng inom. Tsktsk."

Ibibato ko naman sakanya yung walang laman na can.

"Ungas!"

Pero ngayon naiintindihan ko na nga si Mika, na minsan kahit alam mong maraming nagmamahal sayo, handang damayan ka sa nararamdaman mo. Minsan pakiramdam mo parin alak lang yung nandiyan para sayo.

"Basta kung ano yung nilabas ko na beer, ayun lang ah? Apat lang yan, tig dalawa tayo. Bawal lumagpas susumbong kita kay Mika."

"Bakit ganon, Jovs? Bakit dati parang okay lang kahit niya ako mahal? Nakakaya ko naman eh. Bakit ngayon?"

Sabi ko pa habang nakatingin sa iniinom namin.

"Ano bayan? Isa palang lasing ka na? Hay nako naman. Hindi ko naman akalain na ang bilis pala malasing nito? Tsktsk. Kaya pala kahit dati pa hindi sinasama nila Ate Tina kapag nagkaayayaan eh." Sabi pa nito.

"Eh kung hindi ka ba naman naglabas ng alak edi sana diba? Tiyaka ano ba ang balak mo ah?"

"Anong balak?"

"Pag may alak may balak."

Sabi ko at nakita ko naman namilog ang mata niya.

"Balak kong ipukpok ka sa pader."

Tumawa nalang ako at binuksan pa ang isang can, pero agad na itong kinuha ni Jovs.

"Tama na."

"Sabi mo hanggang dalawa?"

"Lasing ka na."

"Eh sino ba ang magaling na naglabas ng alak ah?"

Habang nagaaway kami ay biglang may nagsalita.

"Rad."

Napalingon naman kami parehas ni Jovs sakanya, at dahil sa pagkakataon na iyon ay naagaw ko na ang beer kay Jovs at ininom ito ng mabilis.

"Bakit ka umiinom?" Tanong niya.

"Galit ka?"

"Hindi!"

"Ows?"

"Oo nga."

Napangiti nalang ako at lumapit sakanya." Talaga? Eh kung paano kung sabihin kong mahal kita? Higit pa sa isang kaibigan. Hindi ka parin magagalit?"

Aaminin ko lasing ako, medyo naglalabo na nga ang paningin ko eh. Pero kitang kita ko parin ang gulat sa mga mata niya.

"Lasing ka na."

"Lasing lang ako, pero hindi ako sinungaling. Pag sinabi kong mahal kita, totoo yun."

At mas lalo naman akong lumapit sakanya.

"Hindi ko alam kung bakit, basta nangyari nalang bigla. Parang magic, na biglang isang araw. Naramdaman ko nalang bigla, mahal na pala kita. Pinilit ko naman iwasan eh, pinilit ko na hindi pansinin. Kasi sino ba naman ang matinong tao na, magmamahal ng sobra sa taong di pa tapos magmahal ng iba? Ako lang ata. Wala eh, mahal kita."

--

Medyo sabaw eh noh 😅😅 sabaw pala talaga. Ahhaha.

Dunchu worry pagkatapos ng mga 10 chapters eh. Hindi na ako maguupdate ng sabaw.

Tapos na eh 🙃🙃🙃

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon