Chapter 50

479 19 2
                                    


"Asan siya?"

Agad naman itong tinuro ni Ara, kaya agad akong lumapit sakanya.

"Mika."

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paginom.

"Alam mo? May nakapagsabi saakin dati na, hindi solusyon ang alak sa mga problema."

Napatingin naman siya bigla saakin.

Isang linggo na din pala ang nakalipas, nung huli kong nakita ang mukha niya.

Sa sobrang laki ng eyebags niya akala mo susundan na niya si Cha sa LA. Sa dami ng bagahr niya.

Sa sobrang payat din niya, parang isang taong narin siyang hindi kumain.

Ano bang ginagawa mo sa sarili mo Mika?

"Bata siguro ang nagsabi niyan sayo." Sagot niya.

Gago ikaw nagsabi nun.

"Mika, tama na."

Nagulat nalang ako ng bigla niyang binagsak yung bote ng alak sa lamesa.

"Rad naman! Dito nalang nga sa paginom nitong alak na ito nababawasan yung sakit eh! Pipigilan mo pa?! Alam mo ba kung gaano kasakit Rad? Tangina sa sobrang sakit para akong inooperahan ng walang anesthesia, ganon kasakit."

Bigla naman siyang tumayo at saktong pagtayo niya ay biglang may dumaan na lalake at natapon ang iniinom nito kay Mika.

"Miss sorry."

"Anong sorry? Matatanggal ba niyang sorry ko iyang mantsa sa damit ko?!" Sigaw ni Mika sakanya.

"Mika." Mariin na sabi ko sa pangalan niya.

"Miss pasensya na talaga, hindi ko naman sinasadya eh."

Napaismid at napailing naman si Mika at nagulat nalang ako sa sunod niyang ginawa.

Bigla nalang niya tinulak ang lalake na para bang naghahamon.

"Mika!"

Sabi ko at hinatak na siya palabas.

"Mika ano ba!"

Hindi siya nakinig at naupo lang sa may gilid ng kalsada.

Halos ibang iba ang Mika na nakikita ko ngayon, kahit dati kasi kahit sobrang pikon siya ay hindi siya naghahanon ng away.

Parang dati na sa huli ay siya rin ang nag sorry saakin.

Lalo naman ng nandiyan pa si Cha, hindi mo makikitang nakakukunot ang noo niya. Laging nakangiti lang.

"Mika ano ba?! Bakit mo ba ginawa yon?!" Sigaw ko sakanya.

Hindi lang siya nagsalita.

"Mika!" Sigaw ko ulit sakanya.

"Iwan mo na ako."

Mahinang sabi niya.

"Hindi kita iiwan."

Napatingin naman siya saakin at biglang tumawa."Talaga lang ah?"

"Hindi kita iiwan, lalo na't nagkakaganyan ka! Parang hindi na ikaw yung Mika na nakilala ko noon eh! Yung minahal ko!"

Agad naman siyang napatingin saakin.

"Yung kaibigan ko!" Pagpapatuloy ko pa.

"Yun nga Rad eh! Ayoko na nun! Ayoko na nung dating Mika!Kasi yung Mika na iyon mahina! Yung Mika na iyon hindi worth it mahalin! Yung Mika na iyon iniwan lang ni Charleen!"

Natahimik naman ako sa sinabi niya.

"Bakit ganon? Bakit ang dali lang para sakanya tapusin agad kung anong meron saamin? Bakit ang dali lang sakanyang iwan ako? Kasi siguro hindi lang siguro talaga ako worth it mahalin noh?"

"Ano ba iyang sinasabi mo? Mahal ka ni Cha. At worth it ka mahalin, at nandito pa kami nila ara, mahal ka namin..mahal kita, mahalaga ka saakin. Hindi kita iiwan."

Parang nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Mahal mo ako?"

"Oo."

"Mahalaga ako sayo?"

"Oo."

"Hindi mo ako iiwan?"

"Oo."

"Iyan din ang sinabi niya saakin eh, pero nasaan na siya? Iniwan na ako."

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon