Secret 21

718 26 3
                                    


Pagkababa na pagkababa ko ng telepono ay nahagip ng mata ko kung ano ng date ngayon.

"Dec 15 na pala." Sabi ko nalang at ipinikit ko na ang mga mata ko.

"So uuwi ka ng bulacan sa 20?" Tanong ni Ara habang umiinom ng Gatorade. Mas matagal rin kasi ang training namin ngayon. Mas nakakapagod. Dahil last training narin namin para sa year na ito.

"Basta bruh wag kang papasok ng 11:59 ng dec 31 tanga next ka na makakalabas." Payo ni Kim.

Sinamaan ko na naman siya ng tingin at pinukpok sakanya ang bote ng Gatorade.

"Pwede next year ka nalang din magjoke? Ang corny mo eh."

Sabi ko at inirapan siya. Nagulat naman ako ng bigla akong inakbayan ni Ara at tiningnan ng seryoso.

"Alam mo bang hindi ako pinatulog buong gabi nung hug scene niyo? Kasi hindi ko man nakita ng masyado yung girl at di sigurado kung sino siya. Ngayon alam ko na."

Napakunot naman ang noo ko habang tinitingnan siya."Si Ate Char---"

Agad ko naman tinakpan yung bibig niya."Wag kang maingay!" Saway ko sakanya.

"So totoo nga? Si Ate Cha nga?"

Pabulong na sabi ni Kim, kaya bigla nanaman ako napangiti at napatungo. Alam kong abnormal ang mga kabingan ko, minsan nga naiisip ko hindi kaya sila pinaghahanap ng mental institution na tinakasan nila? Pero alam ko naman na mapagkakatiwalaan ko sila. Kaya wala namang reason para itago yung totoo sakanial.

"Hala! Ginayuma mo siya."

Typical Ara, habang si Kim naman ay seryosong tumingin.

"Baka naman nalilito ka Mika? I mean diba baka mamaya yung pagmamahal mo sakanya is para sa isang idol lang? Baka namisinterpret mo lang bruh? Mahirap yun."

Tinapik ko naman siya sa balikat sinabing."Bruh sigurado ako sa nararamdaman ko."

"So kayo na?"

"Hindi."

"Huh?"

"Pa."




------

"Goodmong Mam." Bati saakin ng isang sales lady dito sa department store.

Since sa 20 ay pupunta na ako ng bulacan ay naisipan ko ng bilan ng gift si Ms sa Christmas.

Dress sana, kaya lang hindi naman ako marunong pumili.

"Ate ano pa bang maganda? Pangreregalo ko lang sana." Kamot ulong tanong ko sa sales lady na lumapit.

"Eh ano po bang size ng reregaluhan niyo?" Tanong niya pabalik at nagbrowse na ng mga dress.

Napakamot ulo nalang ulit may kuto na ata ako. Char lang

"Hindi ko po alam eh."

"Ah ano po ba siya? Payat? Mataba-"

Hindi na siya natapos magsalita dahil pinutol ko na siya."Eh hindi po! Sexy po siya. Hindi po siya katangkaran pero yung height po niya bagay na bagay lang sakanya. Pang model. Pati rin po yung buhok niyang bagay na bagay sa maano niyang mukha. Lalo na rin kapag ngungumiti siya parang nagliliwanag ang mga bituin. Ah basta po napakaganda niya." Describe ko naman sa sales lady.

"Eh mam, kung sako nalang po iregalo niyo sakanya? Kasi kahit sako naman po ata ang isuot niya magagandahan parin po kayo sakanya"

Napatawa nalang ako sa sinabi ni Ateng sales lady, pero totoo naman eh. Kahit anong suot niya magagandahan parin ako sakanya. Kay Charleen. Bigla naman siyang may inabot na white dress.

"Eto po mam sigurado po mas magliliwanag pa sa bituin ang kagandahan niya sa dress na yan."

---

Akala ko naman malelate na ako..whew.

"Ms!" Sigaw ko habang tumatakbo palapit sakanya.

Nakangiti naman siyang nakatingin saakin,

Nasa park kami ngayon yung pinuntahan namin last time. Nasabi ko na rin sakanya yung pagpunta ko sa bulacan para doon mag christmas.

"Ms." Abot ko sakanya."Hindi kasi kita makakasama sa christmas eh at hindi ko rin iyan mabibigay sa saktong christmas kaay ayan, ngayon nalang." Sabi ko sakanya.

"Wow! Thank you." Sabi niya.

"Wait."

Sabi niya at tumakbo sa car niya.

"Hindi kasi kita makakasama ngayong christmas and since malamig ang christmas at hindi kita makakasama siya muna ang representative ko."

Napangiti naman ako at inilabas ang jacket na regalo niya.

"Ms gumaganyan ka na, pero i like it. Mas guato ko yung ineexxpress mo yung pagkapatay na patay mo saakin, este yung feelings mo."

Tumawa naman siya at pinangigilan niya ang both cheeks ko.

"Ang kapal! Ang kapal kapal!"


@chaarcruz: 70+73 💚💚💚

@chaarcruz: 70+73 💚💚💚

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Mikareyesss: 143 💚💚💚

Mikareyesss: 143 💚💚💚

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon