Secret 24

561 22 10
                                    

Nang makita ko siyang ngumite ay napangiti na lang din ako. Itinaas ko na rin ang window ng
kotse ko.

At nakangiting nagbyahe pauwi.

Earlier (1pm)

"Mika!!"

Napatalukbong nalang ako ng kumot sa sigaw ni Ara."Mika ano ba? Anong oras na oy! Gumising ka na nga. Mamaya matraffic pa tayo at ala una na tapos magaayos ka pa. Hoy!"

Halos bumalikwas naman ako sa kama sa mga pinagsasabi ni Ara. Halos liparin ko na ang cr para makarating agad dito.

Hanggang sa naalala ko ang sinabi ni Mommy. Kaya imbis na bumalikwas at liparin ko ang cr ay tinakpan ko nalang ang mukha ko ng unan.

"Kayo nalang muna masama pakiramdam ko. Ang sakit ng ulo ko."

Dahilan ko sakanila."Huh?" Sabay nilang sabi.

"Kayo nalang sa TV nalang muna ako manonood." Arte ko pa sakanila.

"Oh sige."

Pagkaalis nila ay tinanggal ko na ang talukbong ng kumot at napabuntong hininga.

Nagulat nalang ako ng biglang nagvibrate sa bed ko. Agad ko naman hinanap ang phone ko. Si Ara lang pala ang nagtext.

From:AwRA

Ano bruh? Sigurado ka talaga hindi ka sasama? Baka naman nagiinarte ka lang? LQ ba kayo? Narealize na ba niya na ginayuma mo lang siya?

"Loko loko talaga ito."

Napailing nalang ako sa text ni Ara. Hindi nga pala niya alam, nila ni Kim. Yung sinabi ni Mommy.

Pero kung alam lang nila, kung gaano ko kagusto manood ng game ni Ms. Kung gaano ako ka proud sakanya. Kung gaano ko siya gusto ipagcheer. Gusto ko, gustong gusto ko.

Kaya lang hindi naman porket gusto mo, eh makukuha mo na agad diba?

Miss ko na siya.

Sobrang miss ko na siya.

"Manood lang naman ako, hindi naman ako magpapakita."

Sabi ko nalang sa sarili ko at napangiti. Para ko naman nadaig si Albert Einstein sa sobrang galing ng naisip ko.

Kaya agad naman ako nagmadali na pumunta ng banyo upang magayos. Agad agad rin naman ako nagbyahe papuntang SJA.

Alam ko sa VIP sila Ara at Kim kaya naman upper box ticket nalang ang kinuha ko.

Buti nga inabot ng limang set ang naunang match at mauumpisahan ko ang game nila.

Okay lang kahit malayo siya, basta alam kong nandiyan lang siya.

"Hoy."

Nagulat naman ako ng biglang may nagsalita sa tabi ko.

"Rad."

"Anong ginagawa mo dito? At nasa pinakatuktok? Eh halos anino nalang nakikita dito eh."

Tanong niya habang umiiling iling.

"Nakikita ko pa naman siya."

Sabi ko at nakangiting tinitingnan si Charleen, na para bang nakita ko na ang pinakamagandang bituin sa langit. Pero siya naman ang bituin ko. Ang makita ko lang sa malayo okay na saakin.

Bigla naman nagvibrate ang phone ko.

Chaarcruz: I thought magwawatch ka ng game?

Chaarcruz:Magsstart na kaya?

I know Ms.. I know. ..

Nandito ako. Never ako magmimiss ng games mo. Lagi lang ako nandito para suportahan ka. Ako ang driver mo diba? Kaya kahit ano man ang dadaanan natin hindi kita papabayaan, hindi kita iiwan. Kaya kahit hindi mo ako nakikita, hindi ibig sabihin non iniwan na kita. Nandito lang ako sa tabi mo every step of the way.
I'm always be your driver. Your star gazing partner. Your Mika Reyes.

How long will I love you? [ChaMi] (MikChel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon